"Kumain ka nang marami, anak." Pagkasabi pa lang ni Ina ng katagang 'yon ay napangiti na ako. Hindi ako sanay sa ganito at sinusubukan ko ang lahat ng makakaya ko upang pakibagayan sila. Sila ang mga magulang ko kaya nararapat lamang na galangin ko sila. Hindi ko pa alam ang eksaktong nangyari sa amin ngunit alam ko na hindi rin nila nagustuhan ang masamang kapalaran na aming natamo. Hindi nila gusto ang nangyari sa aming tatlo. Alam ko na balang araw ay masasagot din ang katanungan sa aking isipan gaya ng nangyari sa aming lahat. Si Cassiel na lang ang nagtatago sa akin ng sikreto at kung akala niya ay makalulusot siya sa akin, kung gayon ay nagkakamali siya. Hindi siya makatatakas sa isang kagaya kong mapusok. "Kainin mo 'yan dahil niluto ko ang mga putaheng 'yan," ani Ama. Napangi

