KABANATA 19

1183 Words
"Ano 'yang mga dala-dala mo?" tanong ko kay Cassiel na may mga hawak na malalaking bote at hula ko ay isa itong alak. Balak niya ba'ng mag-inom? Ang aga-aga, alak agad ang nasa isipan niya. "Kita mo naman 'di ba?" pabalik na tanong niya sa akin. Tinitigan ko siya nang masama dahil sa naging tugon niya. Tumawa naman siya nang palihim at tumalikod mula sa akin. Inilapag niya ang mga alak sa lamesa at ngumiti siya nang napakalawak. Ano ba ang balak niya? Maglalasing siya nang ganitong oras? Napatitig ako sa kaniya habang nakatalikod siya sa akin. Perpekto ang hugis ng kaniyang katawan, napakaganda. Napatitig ako sa kaniyang buhok na sobrang kapal at kulot ang dulo, para itong mga dahon sa puno na nagsasayawan dahil sa malakas na ihip ng hangin. Iniurong niya ang mga hibla nito at inilagay sa gilid ng kaniyang balikat at kitang-kita ko ang napakakinis niyang leeg, nakaramdam ako ng kakaiba. Nagsimula na naman ang pagpasok ng mainit na bagay sa katawan ko, unti-unti akong pinapaliyab nito. Humarap siya sa akin at bigla akong napatulala sa kaniyang dibdib. Nakita ko kung gaano kaganda ang pagkakakurba rito, hindi ko na alam ang mararamdaman. Para akong nasa impyerno dahil sa kainitan na yumayakap sa akin. "Bakit ka nakatulala?" nagtatakang tanong niya sa akin kaya napatingin ako kung saan. Mabuti na lang at kahit papaano'y napipigilan ko pa rin. "Wala, mamaya na natin inumin 'yan," ani ko. Kumunot ang noo niya at kinuha niya ang mga alak at pinagyayakap ang mga ito. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Hindi ko ibibigay sa'yo 'to! Akin lang ang lahat ng mga alak rito! Binili ko nga 'to tapos manghihingi ka? Bumili ka, huwag kang mang-agaw." Natawa ako dahil sa sinabi niya. Para siyang bata, ano ba ang akala niya sa mga alak? Masarap ang lasa? Tingnan natin kung kaya niyang inumin ang lahat ng niyan. "Ayos, tingnan natin," sambit ko bago tumayo at umalis sa puwesto ko. Naglakad ako at nakita ko ang babaeng nagpaibig kay Jerahmeel. Kailangan kong makuha ang loob niya at ng sa gayon ay, makontrol ko na ang makapangyarihang demonyong 'yon. Nakaupo siya sa mga buhangin at nakangiti siya na para bang may nakikita siyang mga masasayang alaala sa himpapawid habang hinahangin ang buhok niyang marami ng puti. Patuloy ko lang siyang tinitigan at talaga nga namang pamilyar ang presensya niya para sa akin, mukhang nakita o nakasama ko na siya noon. Bakit ba kasi hindi ko siya maalala? Nang tuluyan na akong makalapit sa kaniya ay tinabihan ko siya sa kaniyang kinauupuan at nagulat ako sa biglaang pagsasalita niya, "Tingin mo ba ay babalik pa siya sa akin?" Bigla akong nalungkot dahil sa katatanungan niya. Napaisip din ako kung babalik pa ba siya, mahahagkan ko pa kaya siya? Kumirot ang aking dibdib at nagsimula na namang manikip ang puso ko, sumasakit na naman ito. Napakahina ko talaga pagdating sa babaeng pinakamamahal ko. "Siguro," wala sa sarili kong sabi sa kaniya. Ngumiti siya ngunit hindi kagalakan ang ipinapakita nito kung 'di pait, pait ng sakit. Kapareho ko lang siya, pareho kaming umibig at hanggang ngayon ay umiibig sa hindi puwedeng mahalin. Pareho kaming naghihintay na sana ay bumalik pa sila kahit imposible na, kahit alam na namin sa sarili namin na, hindi na kaya. Nakabubulag talaga ang pagmamahal. "Sana nga. Siya lang ang alaalang hindi ko kailanman malilimutan. Siya at ang bunga ng aming pagmamahalan. Sila lang ang alaalang paulit-ulit kong babalikan kahit na napakapait ng aming naranasan," aniya. Umiral na naman ang kuryosidad ko dahil sa sinabi niya. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa kaniyang pamilya at kung ano ang nangyari sa kanilang tinutukoy na anak. "Mapait na nakaraan? Ano ang naging dahilan?" tanong ko sa kaniya. Magsasalita na sana siya nang mawala na naman ang memorya niya. "Sino ka?" Napabuntong-hininga na lang ako dahil hindi talaga siya matino kausap. Mabuti na lang at nalaman ko na kung sino ang iniibig niya. Tama ako sa naging hula at kutob ko pero nakapagtataka tila ba pinaglalapit kami ng tadhana. Hindi ko alam kung sinasadya ba ito o nagkataon lang. Sabagay, hindi na mahalaga. Ang mahalaga ay malapit nang matapos ang lahat ng paghihirap ko, malapit ko nang makuhang muli si Camiell. "Tara na, kain na tayo! Atsaka inuman na rin!" Lumingon ako kay Cassiel at may hawak-hawak siyang tatlong bote ng alak. Ang akala ko ba ay ayaw niyang mamigay? Napakagulo niya talagang tao, hindi talaga siya matino. Nang makalapit na siya ay kinuha ko kaagad ang alak na nakalaan para sa akin. "Sabik na sabik?" Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nilagok ko kaagad ang nakalalasing na inumin, matagal-tagal ko na rin itong hindi nalalasahan. Para itong pagmamahal, napakatamis sa umpisa ngunit kapag tumagal na ay mawawala na ang sarap at mapapalitan ito ng pait. Ibinigay ni Cassiel ang alak sa matanda at nagulat ako dahil sa ginawa niya kaya dali-dali kong kinuha ang bote at ininom iyon nang mabilisan. May nagsabi sa akin na pigilan ko ang matandang 'yon sa pag-inom ng alak, sobrang nakatatakot na ang mga inaasta ko. "Nag-aalala ka ba sa kaniya? Ayos lang naman kung iinom siya ng alak dahil mailalabas niya ang lahat ng nararamdaman niya. Masaya man o malungkot," nakangiting sambit ni Cassiel sa akin habang nakaharap sa matandang gulat na gulat dahil sa ginawa ko. Tama siya, wala namang masama sa pag-inom dahil lalabas ang katotohanan. Pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ko pinigilan ang matandang 'yon sa pag-inom. Napaisip naman ako sa sinabi niya kaya nakabuo ako ng plano sa aking utak. "Oo nga, lalabas ang totoo," sabi ko sa kaniya. Ang balak kong gawin ay paiinumin ko si Cassiel ng napakaraming alak at nang malaman ko na kung sino ba talaga siya. Kakaiba rin ang utak na ibinigay sa akin, nagagamit din pala sa mga ganitong bagay. Kapag nalasing na siya ay tuluyan na siyang mawawala sa kaniyang sarili at aaminin niya na rin kung sino o ano ba talaga siya. "Tara na, kain na tayo," aya niya sa amin. Naubos niya na ang isang bote ng alak at ubos na rin ang boteng hawak-hawak ko. Tumayo ako at inalalayan ko ang matanda sa pag-angat. Nang tuluyan niya nang naiapak ang kaniyang mga paa sa sahig ay binitiwan ko na siya. Aalis na sana si Cassiel nang pigilan ko siya sa pamamagitan ng paghawak ko sa kaniyang mga braso. Tila ba parang may kuryente ang paghawak ko sa porselana niyang balat, biglaang tumayo ang mga balahibo ko sa katawan. "Bakit?" tanong niya sa akin habang nakatingin lang sa aking mga mata. "Huwag ka na munang umalis, inom tayo. Hayaan na muna natin ang matandang 'yon na masolo ang hapag-kainan at mag-ilusyon na kasama niya ang lalaking mahal niya," pangungumbinsi ko. Nag-isip siya pansamantala bago tumango. Sa wakas ay napapayag ko siya, malalaman ko na rin kung sino ba siya. Oras na malaman ko lang kung ano ba talaga siya ay gagamitin ko siya sa lahat ng plano ko. Si Cassiel, Si Jerahmeel at ang matandang kasama namin ang magiging tulay sa aking tagumpay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD