KABANATA 14

1046 Words
"Saan ka ba pumunta?" ani Cassiel sa akin habang inaayos ko ang mga pinggan sa lamesa. Naisip ko na baka masyado na akong nagiging pabigat sa kanila at baka isipin ni Cassiel na nagpapakasarap lang ako. Ayaw kong gano'n ang isipin sa akin ng isang babae. Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa, nagluto rin ako ng makakain namin. "Ang bango naman niyan, ano ba 'yan?" nakangiting tanong niya. May kung ano sa kalamnan ko na kumakalikot nang sabihin niya 'yon. Ano ba ang nangyayari sa akin? Ito na ba ang bunga ng mga ginawa ko sa kaniya? Ito na ba 'yong karma ko dahil sa ginawa kong pambabastos? Hindi ako makalingon-lingon sa kaniya at nakapako lang ang aking atensyon sa mga kagamitang-pangkain. "Kinakausap kita. Ang tahimik mo na naman. Alam mo, para akong nagsasalita sa hangin, wala ka bang sasabihin?" sabi niya. Nilakasan niya ang pagsasalita at umikot-ikot siya sa akin. Tuluyan na akong napatingin sa kaniya at nakaramdam ako ng kakaiba. Habang lumalakad-lakad siya ay umalon-alon ang mahaba niyang buhok gano'n na rin ang bistida niyang kulay puti. Nang mapasulyap ako sa mukha niya ay namangha ako sa dama de noche niyang mga mata at ang rosas niyang labi. Walang katulad at talaga nga namang kakaiba. Huminto siya sa harapan ko at tinitigan niya ako nang malagkit. Para akong nilublob sa putikan sa sobrang lagkit ng mga titigan niya sa akin. Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kung ano sa aking sistema. "K-Kumain na t-tayo," pautal-utal kong sabi sa kaniya. Natawa siya nang malakas dahil sa inasta ko at hindi ko siya masisisi, nagsimula akong umarte ng kakaiba nang mangyari ang araw na 'yon. Naiilang ako sa kaniya at hindi ko matagalan ang pagtitig sa mga mata niya. Palaging may nag-uudyok sa akin na may gawing masama. "Ano ba ang nangyayari sa'yo? Ang guwapo mo pa naman tapos nauutal ka sa simpleng babaeng katulad ko? Ano ba ang mayro'n sa akin?" sunod-sunod na tanong niya. May halong pang-aasar sa kaniyang boses na naging dahilan ng pagkairita ko. Inilapag ko ang mga kutsara at dire-diretsong lumabas. "Hoy! Saan ka pupunta? Ang pangit mo naman asarin!" Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Nakakapa ng aking dalawang paa ang mga buhangin na nakakalat at hindi ito masakit sa halip ay masarap ito sa pakiramdam. Habang papalapit ako nang papalapit sa dagat ay unti-unting lumulubog ang aking mga paa. Huminto ako at may mga nasilayan na naman akong mga alaala na nagliliparan sa himpapawid. Mga masasaya at malulungkot na nakaraan namin ni Camiell. Napangiti ako nang mapait at hindi ko namalayang may mga luha na pala sa aking dalawang pisngi. Bakit pagdating sa kaniya ay nagiging mahina ako? Bakit pagdating sa kaniya ay labis na sakit ang natatamo ko? Wala akong ibang ginawa kung 'di ang magmahal nang wagas pero, bakit ganito? Bakit puro pasakit ang iginagawad sa akin? Imbes na si Satanas ang magpasakit sa akin ay kabaliktaran ang nangyari, ang Diyos ang humadlang sa amin. Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko kung bakit ako pinapahirapan nang ganito. Kung bakit kinuha nang napakaaga ang mga magulang ko, at kung bakit hinadlangan kami ni Camiell na magsama. Pareho kaming nilalang sa mundo. May buhay at gumagalaw, maaari pa rin naman kaming magsama pero bakit ganito? Bakit biglaan ang pagbitaw niya sa aking nga kamay? Hanggang ngayon ay patuloy ko pa rin na pinaghahawakan ang mga pangako namin sa isa't-isa, kahit na binitawan niya na ako. Hindi ko maisip-isip kung paano niya nagagawa ang mga ganitong bagay, paano siya nakatitiis nang wala ako? Paano niya nagagawang maging masaya samantalang ako ay halos mamatay-matay na dahil hindi ko siya kasama. "Cassian. May iniisip ka na naman? Ano ba kasi ang nangyari sa'yo, makikinig ako." Napatingin ako sa babaeng nagsalita. Hanggang ngayon ay paulit-ulit niya pa rin akong sinusundan, hindi ba siya natatakot sa akin? Ang dami ko nang nagawa sa kaniya at halos gahasain ko na siya nitong nakaraang araw lang. Paano niya nagagawang harapin ako nang parang wala lang ang lahat. "Kain na tayo," aya niya sa akin. Nang mapansin niyang hindi ako umiimik ay aalis na sana siya nang biglaan kong hinawakan ang kamay niya. "Manatili ka kahit sandali," ani ko sa kaniya. Napahinto siya at napangiti nang palihim. Hindi ko alam pero gusto ko nang ilabas ang lahat, lahat-lahat. Ang labis na sakit na aking nadarama, gusto kong ibuhos. Para akong isang ulap na punong-puno na ng mga tubig. "Tingin mo, bakit ako iniwan?" wala sa sarili kong tanong sa kaniya. Lumapit siya sa akin at nginitian niya ako nang mapait, kitang-kita ko sa kaniyang mga mata ang lungkot nang itinanong ko ang bagay na 'yon. "Lahat naman may rason, malalaman mo rin ang rason balang araw at kapag nahukay mo na kung ano ang naging dahilan niya, magiging maayos ka na," sambit niya habang patuloy pa rin ang pagngiti. Napapikit ako nang mariin at iniisip ko na si Camiell ang kaharap ko ngayon, iniisip ko na kasama ko siya. Nang idilat ko ang mga mata ko ay nakita ko ang imahe ni Camiell kay Cassiel. May ngiti na gumuhit sa aking labi. "Camiell. Mahal na mahal kita, bumalik ka na." Niyakap ko siya nang napakahigpit at lumandas na naman ang mga luha sa aking mga mata. Sobrang sakit, ang alam ko lang ay ang umiyak nang umiyak hanggang sa wala na akong luha na iiyak. Naramdaman ko ang kamay niya at niyakap niya rin ako nang napakahigpit. Mas lalo pang lumakas ang paghagulgol ko, labis akong nangungulila sa mga yakap ni Camiell, labis akong nananabik sa kaniya. "Cassian. Sige, iiyak mo lang." Bumitaw ako sa kaniya at bumalik na ang kaanyuan ni Cassiel sa aking paningin. Dali-dali kong pinunasan ang mga luha sa aking mga mata at ibinalik ang itsura kong nakasisindak. "Cassian, palagi lang akong nandito para sa'yo," ani Cassiel. Napangiti ako nang palihim dahil sa sinabi niya. Mabuti na lang at may babae akong kasama ngayon, maaari kong isipin na si Camiell ang kaharap ko. "Puwede ba natin 'tong ulitin?" tanong ko sa kaniya. Tumango siya sa akin at sa hindi malamang dahilan ay biglang gumaan ang aking pakiramdam. Biglang nawala pansamantala ang sakit at napalitan ng kagalakan. Mabuti na lang at kahit papaano ay nandito si Cassiel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD