DEIN LEIGH'S POV
HINDI KO MAINTINDIHAN kung bakit ugali ni Deib Lohr na mang-bully ng babaeng transferee. Kahit busy ako, madalas ay nakararating sa 'kin ang mga ginagawa niya. Kusang nagkukwento sa 'kin ang ilang nakakakilala sa kaniya, maging ang kaniyang mga lecturers. Hindi naman na ako nagtatanong sa mga best friends niya, panigurado kasing pagtatakpan lang siya ng mga ito.
Unang araw pa lang ng klase nang mabalitaan ko ang ginawa niyang pamamatid sa bagong estudyante. Gusto ko pang matawa nang ikuwento sa 'kin ng dati kong kaklase ang nangyari. Mukhang nakakita na raw ng katapat ang kapatid ko. Nalaman kong sinapak siya nito. Naisip kong nababagay lang 'yon sa kaniya dahil wala siyang respeto. Napakahilig niyang mang-bully.
"Dein Leigh, dumating na ba iyong kapatid mong si Deib Lohr?" mayamaya ay lumapit si Manang.
"Opo, umakyat na. Matutulog na raw siya." "Bakit ikaw ay hindi pa matulog? Alas onse
na."
"Hinihintay ko pa kasing tumawag si Randall, Manang. Nagbabasa ako habang naghihintay."
"Huwag mo nang hintaying tumawag, ikaw na ang tumawag."
Natawa ako. "Nasa operating room siya, hindi ko pwedeng abalahin." Minasahe ko ang sariling batok. "Papuntahin ninyo sina Joan at Nono sa birthday ni Deib Lohr, Manang," pag-iiba ko sa usapan.
Tumango-tango siya. "Agosto pa naman iyon, hindi ba?" lumitaw ang excitement sa mga mata niya. "Binatang-binata na talaga ang alaga kong si Deib Lohr. Napakagwapong binata. Aba'y kuhang-kuha ang mukha niyong mommy mo." Hindi niya maitago ang paghanga.
Nakangiwi akong umiling. "Nagbinata ang katawan at edad, pero ang ugali at isip ay hindi. Naku, kanina lang pagkarating ay nagkwento tungkol doon sa bagong kaaway niya." Umiling ako nang umiling. "Ipinagpipilitang hindi raw namin siya maintindihan ng mga best friends niya. Kesyo ganito-ganiyan, ewan ko."
Kumunot ang noo ni Manang at namaywang. "Nakikipag-away pa rin ba siya? Aba'y, hindi ba't ang sabi niya'y tinigilan niya na?" Inilingan ko siya. "Bakit nga ba ganiyan iyang batang iyan? Napakahilig makipag-away at mambuyo ng mga kaeskwela."
Napapabuntong-hininga uli akong umiling. "Napaka-immature. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat na hindi iyon 'yong away na may suntukan at bugbugan." Muli akong huminga nang malalim. "At talagang proud pa siyang magkwento ngayon sa mga kalokohang ginawa niya."
"Pagsabihan mo iyang kapatid mo, Dein Leigh. At baka makahanap iyan ng katapat niya. Sa huli ay baka siya pa ang umiyak pauwi."
Natawa ako. "Mukhang nakahanap na nga siya ng katapad niya. Ang balita ko ay sinapak siya no'ng binu-bully niya ngayon."
Nagulat man ay nagtaka si Manang. "Aba, eh,
bakit parang ika'y natutuwa pa?"
"Nakakatawa lang, Manang. Ngayon lang may
lumaban sa kaniya," tatawa-tawang sagot ko.
"Tsk tsk," inilingan ako ni Manang, na para bang ang sinabi ko ay kalokohan. "Hayaan mo at pagsasabihan ko ang batang iyan. Sige na, mag-aral ka nang mabuti diyan. Kapag nagkausap na kayo ni Randall ay magpahinga ka na, bigyan mo naman ang sarili mo nang mahabang tulog."
"Good night, Manang," nakangiti ko siyang sinundan ng tingin.
Nang humigit pa sa treinta minutos ang paghihintay ko ay nagdesisyon na akong umakyat sa kwarto. Habang nakahiga ay nasulyapan ko ang frame sa bedside table ko. Kaming dalawa iyon ni Deib Lohr no'ng magtapos ako ng secondary. Nasa primary pa lang siya no'n at hindi pa malala ang pagiging bully.
Hindi ko naiwasang mapaisip kung bakit nga ba naging gano'n si Deib Lohr. Magkasama naman kaming lumaki pero nagkasalungat ang aming mga ugali.
Tuloy ay naalala ko noong mga bata kami. May minsang umuwi siyang umiiyak. Tila inilublob sa putik ang marumi niyang uniform. Ang magkabila niyang tuhod ay parehong may sugat. Agad siyang sinalubong ng mommy no'n, habang ako ay nakatanaw sa kanilang dalawa.
"Oh, what happened to you, baby?"
nakangusong tanong ni mommy. Lalo namang umiyak noon si Deib Lohr, panay ang pagkusot sa mga mata para mapawi ang luha.
So cute...
"All of my classmates are bullying me, mommy. They say that I don't belong to my school because I am also the great grandson of the owner. They say it's not fair because I will get higher grades than them." Umiiyak siyang nagkwento. Panay ang pagsinok niya at pagpiyok, nag-uunahan sa pagtulo ang luha at sipon. Kahit gano'n ay hindi ko siya magawang kaawaan. Sa halip kasi ay naku-cute-an ako sa kaniya dahil sa mamula-mulang labi at pisngi.
Umiling nang umiling si mommy, inaalo siya. "Don't listen to them, baby. You're intelligent that's why you're getting higher grades. Come on in, let's wash your wounds." Inakay niya ito papasok. Nakangiti akong sumunod sa kanila.
Umiiyak si Deib Lohr hanggang sa makarating sa banyo. Inupo siya ni mommy sa sink. Tuloy ay lumitaw ang malaking tiyan niya, lalo akong natawa. Tiyan lang ang malaki sa kaniya, ang mga braso, hita at binti niya ay payat.
"Why are they always bullying me, mommy?" patuloy sa paghikbi si Deib Lohr bagaman tumigil na sa pagluha.
"Maybe because they think you are weak. But mommy knows that you are strong."
"Yes, mommy, I am strong," agad na huminto sa paghikbi si Deib Lohr matapos sabihin 'yon.
"Omo! You're not going to cry if I put medicine on your wounds, right?"
Tumango si Deib Lohr sa pang-uuto. "Yes,
mommy! From now on I will be braver, and
stronger!"
"Good! That's my baby!"
Napangiti ako sa alaalang 'yon. Noong maliit siya ay madalas siyang umuwing luhaan. Nabu-bully siya dahil sa hindi pakikihalubilo sa mga kaklase. Madalas pa ay sina Lee at Tob lang ang sinasamahan niya. Hindi siya aktibo sa maraming bagay at madalas na pampered. He's such a spoiled brat but I can't blame my parents, everyone. Because besides his age, he's seriously weak.
Bagaman medyo payat pa rin ay lumaking gwapo ang kapatid ko. Matangkad, matalino at habulin ng babae. Natuto na rin siyang maging aktibo sa school activies bagaman iyong mga best friends pa rin niya ang madalas niyang kasama. Iyon nga lang, sumobra yata sa pagiging aktibo, nakuha niya na ring mambuyo.
Natinag ako sa pag-aalaala nang mag-ring ang cellphone ko. "Hi, honey," excited kong sagot.
"Hey," halatang pagod ang boses ni Randall. "Sorry, ngayon lang kami natapos sa procedure."
"Akala ko nga ay hindi ka na tatawag," nakanguso kong sagot.
"Matagal 'yong operation, honey. TAHBSO." Patungkol niya sa surgical procedure kung saan tinatanggal ang uterus, parehong ovaries at fallopian tubes.
"It's okay, hon," ngumiti ako. "Basta wala kang babae diyan ay masaya na 'ko."
"Meron nga, eh."
Awtomatikong umarko ang kilay ko. "What?"
"Malamang babae 'yong pasyente."
Umikot ang mga mata ko. "Except sa patient, of course!" Tumawa ako. "Anyway, katatapos ko lang din gumawa ng case presentation tungkol sa breat cancer." Napabuntong-hininga ako. "Kailan tayo lalabas?" paglalambing ko.
"Let's have lunch and watch a movie. May oras ako sa Sabado hanggang alas tres ng hapon. Alas kwatro kasi ay may pupuntahan kaming seminar ni daddy."
"That's good to hear. Pero parang ngayon ko lang yata narinig na isasama ka niya sa seminar. Hindi ba't ayaw ka niyang abalahin?"
"Tsh, ako na ang bida ngayon. Kapag may kailangan siyang puntahang meetings ay isinasama niya ako. Pwera na lang kung busy talaga ako. Wala na kasi 'yong asungot," mapakla ang tinig niyang biro.
"Sinong asungot?"
"Iyong kinukwento ko sa 'yo na karibal ko sa academics." Sumeryoso ang tinig niya. "Lumipat siya sa BIS bilang exchanged student. Paniguradong makikilala mo rin 'yon dahil hindi 'yon nagpapahuli."
Nagkibit-balikat na lang ako. "I see," hindi na ako nagpakita ng interes.
"I have to go now, honey." Bumuntong-hininga siya. "Magwa-warding lang kami at uuwi na. Go to bed, I'll call you again tomorrow."
"Promise?" nakangiting tanong ko. "Hihintayin ko ulit 'yan, ah?"
"Of course, I will. Alam ko namang ako lang
ang nakapagpapaalis sa stress mo." Kinilig ako
sa sinabi niya. "Sleep tight, honey."
"I miss you."
"Me, too. Bye."
Nakangiti akong tumitig sa kisame matapos niyang ibaba ang linya. Masyado kaming busy pareho. Kahit na magkalapit ang school namin ay hindi kami basta-basta nakakapagkita.
Gwapo ang boyfriend ko, big time at nakakabilib ang talino. Marami siyang talent na siyang dahilan kung bakit habulin siya masiyado ng babae. Dati siyang babaero, papalit-palit ng babae. Noong bago pa kami ay parati kong hinihiling na sana ay ako na ang huli. Hindi ko na kailangang humiling ngayon, dahil bukod sa wala akong pinaghihinalaan ay hindi niya rin ako binibigyan ng dahilan para manghuli ng babae.
Minsan kahit sobrang miss ko na siya ay tinitiis kong hindi siya makita. Ayaw kong maging dahilan iyon para mag-away kami. Pilit kong iniintindi ang schedule niya at sitwasyon namin.
Hindi rin hinahayaan ni Randall na maramdaman kong napapabayaan niya na ako. He's always finding time for me, for us. Marami pa ring nanliligaw sa 'kin kahit alam nilang taken na ako. Kahit nga kilala nila kung sino ang boyfriend ko ay hindi pa rin sila mahinto. Pero dahil si Randall Echavez na ang jackpot ko, ayaw ko na siyang pakawalan pa.
Sa dalawang taon naming relasyon ay hindi ko inugaling makipag-away sa mga babaeng naghahabol sa kaniya. Madalang kaming magtalo at madalas ay sweet kami sa isa't isa.
Kung may pagseselosan man ako, iyon ay walang iba kundi ang ex-girlfriend niya.