DEIB'S POV
MATAPOS AKONG sugurin ni Taguro kanina ay hindi ko na uli siya nakita pa. Natapos ang maghapon nang puro klase. Sinundo ko si Kim sa room nila at inihatid pauwi.
Naabutan kong abala si Noona sa pag-aaral nang makauwi ako. Patong-patong ang makakapal niyang libro sa mesa. Nakaharap siya sa laptop pero ang parehong kamay niya ay naro'n sa small notebook at ballpen.
"How's your studies?" tanong ni Noona habang ang paningin ay naro'n pa rin sa laptop. "Ang balita ko ay napagalitan ka na naman sa Biology subject mo."
Hindi ko maiwasang mainis, lahat na lang ng tungkol sa 'kin ay nakararating sa kaniya. "Pati ba naman 'yon ay nalaman mo pa?"
"Malamang! Sinumbong ka kaya ng lecturer mo kay lolo!"
"Tch, nakakainis 'yon si miss, ilang beses akong ipinahiya," nakasimangot na sabi ko.
"Mag-aral ka kasing mabuti!"
"Nag-aaral akong mabuti, hindi lang talaga sapat para sa kaniya 'yong nalalaman ko."
"Deib Lohr, fourth year high school ka na," ibanaba niya ang mga hawak para tumutok sa 'kin. "Sa college ay hindi pwedeng ganiyan ka. Kailangang may goals ka, at kailangang focused ka ro'n. Tandaan mo, ito ang umpisa ng future mo. Nakabase sa pag-aaral mo ang kinabukasan mo," nangangaral ang tinig niya.
Nginiwian ko siya. "Hindi rin. Napakaraming nakapagtapos pero walang trabaho."
"Paano mo naman nalaman na nag-aral nga silang mabuti bago nakapagtapos? Sa dami ng hokus-pokus ngayon, maraming nakakapagtapos nang dahil sa pera."
"Yeah, right." Bumuntong-hininga ako at inihilig sa sofa ang batok ko. Wala akong balak na makipagtalo sa kaniya, marami siya masiyadong dahilan. "Hindi ako gano'n kasipag pero alam ko ang ginagawa ko."
"Dumaan na ako sa stage na 'yan kaya alam ko ang pinagdaraanan mo. Hindi masamang makinig minsan, Deib Lohr." Umiling siya nang umiling na para bang gano'n na lang siya kadismayado sa 'kin. "Kumusta naman kayo ng kaaway mong bago? 'Sabi ko naman sa 'yong tigilan mo na. Kapag nalaman 'yan ni lolo, ewan ko na lang kung makalusot ka pa."
Lalo akong nainis, ipinaalala niya pa si Taguro. "Hindi mo siya kilala, Noona. Mas malakas pang sumapak sa 'kin 'yong babaeng 'yon."
Natawa siya. "Eh, di nakahanap ka rin ng katapat mo?"
"Tch! Hindi ko siya ka-match, okay?"
"'Wag mo na kasing patulan, hindi magandang tingnan sa 'yo."
"Para ka ring sina Tob, eh. Sinasabi nilang 'wag ko nang patulan, eh, di, hahayaan ko na lang siyang asarin ako? Ano ang patas do'n?"
"Aasarin ka ba no'n kung hindi mo inasar?"
"Minsan ay siya ang nauuna."
"Eh, di 'wag mong patulan?"
Inis akong tumingin sa kaniya. Pero imbes na magsalita ay iiling-iling na lang akong napabuntong-hininga. Hindi nila makuha ang punto ko. Walang saysay ang pagpapaliwanag ko dahil hindi nila 'yon naiintindihan.
'Buti sana kung titigilan niya rin ang pang-aasar sa 'kin kapag hindi ko na siya pinatulan. Tch. Kapag pinatulan ko naman siya ay pinag-iisipan akong may gusto sa kaniya, o bakla. Walang kwenta.
"Matanong nga kita, Noona," wala sa sariling tanong ko. Tumingin siya sa 'kin at pinagtaasan ako ng kilay. "Kung halimbawang pinag-trip-an kita nang hindi mo ako kilala, ano ang iisipin mo?"
"Na type mo 'ko?" patanong niyang sagot.
Nagsalubong ang kilay ko. "Type agad?"
"Oo, posible," maarteng tugon niya. "Kasi 'yong panti-trip para sa 'kin ay paraan ng pagpapapansin."
"Tch! Hindi naman siya kapansin-pansin." Sumimangot ako nang nakakunot ang noo.
"Eh, bakit napansin mo?"
"Dahil tiningnan niya ako nang masama."
"Stupid," masama ang tinging aniya. "Babae 'yon, 'di ba?"
Napangisi ako. "Na mukhang tibo."
"Eh, bakit ba hindi mo na nga lang iwasan?"
"Paano ko iiwasan, eh, sa t'wing mananahimik ako ay siya 'tong gumagawa ng pag-aawayan? Syempre, babalikan ko siya. Para kaming naggagantihan."
"Talk to her, then. Tutal ay ikaw naman ang nauna, sabihin mong tigilan ninyo na." Nag-uutos ang tinig niya. "At kung talagang matured ka na, that's the best thing to do."
"Eh, di para'ng ako ang sumuko?"
"Kung 'yon ang makabubuti sa inyong dalawa, eh, why not?"
"What? No way! Tch. Siya ang kumausap sa 'kin, 'tapos pag-iisipan ko kung papayag ako na makipagbati sa kaniya."
"Bahala ka nga sa buhay mo, ang gulo mo!"
Sandali akong nanahimik at hindi siya pinansin. Nakasimangot akong nag-isip. "Bakit kaya hindi siya natatakot sa 'kin?" wala sa sariling tanong ko mayamaya. "I'm a guy. I may be thinner compared to her but I'm still taller and stronger. She also knows that I'm the dean's grandson but why aren't she scared of me? She's different from others." Naiisip ko ang mga ginawa ni Taguro sa 'kin habang sinasabi ang mga 'yon. "Karamihan nang nakaaway ko ay sumusuko agad. Siya ay hindi. I'm curious."
Hindi agad sumagot si Noona. "Don't tell me, type mo nga 'yon?" mayamaya ay tanong niya.
Natinag ako at wala sa sariling tumitig sa kaniya. Napailing ako at kunot-noong sinamaan siya ng tingin. "You really are stupid!"
"Then why the hell do you care?" maarteng tanong niya.
Inis akong nag-iwas ng tingin. "Kasi nga, kakaiba siya. Tch. Masama bang maging curious, ha? She's weird, Noona."
"Baka type mo nga, kaya interesado ka?" nanunukso ang ngiti niya, nang-aasar ang tinig niya.
"Shut up," singhal ko. "Para ka ring si Tob. Tch. Dalawa lang daw 'yon, bading ako o trip ko si Taguro. Tch. Nonsense."
"Taguro?" natatawang tanong niya.
Nangiti rin ako. "Para kasi siyang si Taguro. Hambog din."
"Eh, di bagay kayo." Muli siyang tumingin sa laptop.
"Tch, mukha mo."
"Ikaw na rin mismo ang nagsabi, Deib Lohr, pinag-trip-an mo siya. Eh, trip mo nga siya." Natawa siya sa sariling pang-aasar.
"Hindi nga. Tch. Papatirin ko ba 'yon kung may gusto ako sa kaniya? Kung lalaki pala siya at ginawa ko 'yon sa kaniya, ibig sabihin ay bading ako? Tch. Mga wala kayong logic."
"Ang kaso, hindi siya lalaki," nakangiwing ani Noona. "Babae siya, dongsaeng, babae." Nagsisimula na akong mainis sa pang-aasar niya. "At saka bakit ba apektadong-apektado ka?" nanunuksong dagdag niya.
"Dahil inaasar ako nina Lee at Tob," kunot-noong tugon ko. "Si Lee, feeling hero na naman. Si Tob naman ay worst best friend, puro pang-aasar lang. Tch."
""'Sus, baka naman..." Binitin niya ang sasabihin,
nanunukso at nang-aasar talaga.
"Shut up, Noona," seryosong banta ko. "Hindi gano'n 'yon, hindi ninyo lang naiintindihan."
Tch. Bakit ba ipinipilit nila? Eh, hindi ko nga siya type. Hindi siya maganda! Napangiwi ako sa inis dahil sa sarili kong naisip. Naniniwala akong hitsura talaga ang unang nakakapukaw sa paningin, sa ugali naman nahuhulog ang damdamin.
Gaya na lang ni Kim. Napangiti ako sa sarili kong naisip. Nang una ko pa lang siyang makita ay nagustuhan ko siya. Na-in love naman ako dahil sa ugali niya. Sobrang bait ni Kim, bukod do'n ay caring at sweet pa. Bonus na lang 'yong ganda at sexy niya.
Tch. Eh, si Taguro? Hindi siya maganda. First impression ko pa lang sa kaniya ay pangit na. Masiyado siyang mayabang, hambog na hambog. Kakaiba pa kung kumilos, walang ayos sa sarili, parang lalaki. Akala mo laging susugod sa kaaway o papasok sa gulo. Kung magsalita ay hindi nakakatuwa.
Kumain ako bago umakyat sa kwarto para maligo. Muli akong bumaba sa sala para doon mag-aral. Kailangan kong ipakita kay Noona na nag-aaral ako para maniwala siyang seryoso ako. Gusto kong may maikwento siyang positibong bagay sa parents namin. Iyong mali ko lang kasi ang nakikita niya.
Ngunit mukhang hindi ganoon ang mangyayari. Sa halip na purihin ako sa pag-aaral ay siya pa mismo ang naging distraction.
"Tumawag sina daddy kanina," doon nagsimula ang distraksyon niya. "Uuwi raw sila sa birthdy mo."
"Good." Sadyang iyon lang ang isinagot ko. Hindi ko ipinakita ang interes ko dahil kapag nagkataon ay hindi na siya hihinto. Hindi ko inalis sa libro ang paningin ko.
Pero ilang saglit lang nangibabaw ang katahimikan dahil nagsalita uli siya. "Nakakainis! Mali ang computation ko." Tumayo siya at hindi ako nagkamali nang isiping lalapit siya sa 'kin. "Paki-compute mo nga 'to, Deib Lohr, please."
"Akin na," napapabuntong-hininga kong inabot ang notebook niya. Sinagot ko iyon nang may solution at guidance, umaasang hindi na ulit siya magtatanong.
"Salamat, sige, mag-aral ka na diyan." Tiningnan niya ako na para bang aliw na aliw siyang makita akong nagbabasa.
Muli siyang naupo sa mesa at tumutok sa laptop. Nagpatuloy naman ako sa pagbabasa. Pero hindi ko pa man tuluyang natatapos ang dalawang paragraph ay nag-ingay na naman siya.
"Nakakagutom mag-aral, Deib, 'no?" aniya pa. "Gusto mo ng cake?" tumayo siya at dumaan sa harap ko.
"Sige," pilit kong itinuon sa libro ang paningin ko
at nagpatuloy sa pagbabasa.
"Sana semestral break na," aniya mayamaya nang makabalik. Inilapag niya ang plato saka naupo sa sofa na nasa harap ko. "Wala na kaming time ni Randall sa isa't isa. Pareho kaming busy. Magka-text na nga lang kami parati. Ganitong oras kasi ay pareho kaming nag-aaral. Oh, kumain ka na."
Bumubuntong-hininga kong inilapag ang libro. Hindi ako pwedeng mainis sa 'kin dahil mas malakas pa siya kung sumigaw kahit ako ang galit. Wala akong nagawa kundi tumigil sa pagbabasa at kumain ng cake.
"Nagkita nga pala kami ni Randall sa mall no'ng nakaraan. Ipinakilala ko siya kay Kim."
"Talaga? Hindi niya nabanggit sa 'kin yan."
Nginiwian ko siya. "Hindi naman kailangang ipaalam lahat sa 'yo ni Randall. Tch."
Ngumuso siya. "I know. Pero ano ba naman 'yong banggitin niya, 'di ba? Besides, wala namang mawawala sa 'min kung babanggitin niya."
"Hindi ugali ng lalaking magkwento nang kung ano-ano," malamyang sagot ko. "Alam mo ba na kasali na sa sportsfest ang billiards?" pag-iiba ko sa usapan.
"Really? Wow. That's nice! Panonoorin ko 'yan."
Interesado si Noona sa billiards bagaman hindi siya marunong. Iyon ay dahil magaling si Randall sa billiards. Palibhasa'y isinasama siya ni Randall sa tambayan, ipinagmamalaki niya ang ilang nalalaman sa bilyar.
"Akala ko ba ay magbabasa ka?" tanong niya matapos kong ikuwento kung paanong nasali sa sportsfest ang billiards.
Ngumiwi ako. "Ginulo mo na 'ko, makakapag-aral pa ba 'ko? Tara, magkwentuhan tayo. Ito ang gusto mo, 'di ba?"
"Hahaha. Sige. Mamaya na lang ako magbabasa." Hindi niya nakuha ang ibig kong sabihin.
Tch. Nagbibiro lang ako, kumagat naman. Napailing ako saka natawa. "Sinali ko sa varsity ng billiards si Taguro," mayamaya ay sabi ko. Hindi ko naiwasang alalahanin 'yong hitsura ni Taguro matapos akong sugurin sa canteen. "Ayaw niya no'n? Instant player siya, hehehe! Wala nang try-out, siya na agad. Saka para na rin magkasama sila no'ng best friend niyang parrot. Tch. Taguro brothers," wala sa sarili kong sinabi.
"What? Eh, paano kung hindi siya marunong mag-billiards?"
"That's no longer my problem, Dein Leigh."
Napamaang siya. "You're being too much, Deib Lohr." Umiling siya nang umiling at binigyan ako ng dismayadong tingin.
"Everything happens for a reason, Dein Leigh," nakangising sabi ko. "So she might as well go with flow."
"Whatever," inilingan niya uli ako. "Sana lang ay mapanindigan mo lahat ng kalokohan mo," she added and smirked. "And stop calling me Dein Leigh, you rude dumbass!"
"Biro lang!" natatawa kong sabi saka muling itinuon ang paningin ko sa libro.
Pero hindi ko na talaga nagawang mag-focus gaya ng plano ko kanina bago magsimulang magbasa. Dahil sa sandaling iyon ay hindi na nawala si Taguro sa isip ko. Nakangiti ko inalala ang nangyaring panunugod niya sa 'kin kanina. Sa isip na lang ako tumawa.