Chapter 10

3310 Words
DEIB'S POV HINDI KO magawang ituon ang buo kong atensyon habang nasa Biology 2 class. Iyon ang subject na pinakaayaw ko dahil doon ako mahina. Kahit anong focus ang gawin ko ay hirap na hirap ako. Dumagdag pa sa isipin ko ang announcements ni Migz kaya lalong nawala ang atensyon ko. Paano ko ba yayayain si Kim sa acquaintance party? Pormal ba dapat o tamang papogi lang? Napangiti ako. Hindi ko pa man siya natatanong ay nararamdaman ko na ngayon pa lang ang pagpayag niya. "Mister Enrile!" Nagulat ako nang mangibabaw ang tinig ni Miss Agaser. "I've been calling you for three times now!" "Yes, miss?" napapahiya akong tumayo. "Yes, what? State the meaning of DNA and RNA!" Napakamot ako sa ulo. "I forgot, miss, sorry. I'm tired." "What?" natapik niya ang sariling noo. "Anyone?" inis niyang inalis ang tingin sa 'kin. Pero walang nagtaas ng kamay para sagutin ang tanong ng lecturer. Napapahiya akong naupo. Sa sandaling iyon, kahit pa isipin ko ang party ay kusa nang natutuon kay miss ang atensyon ko. Dahil sa takot. "This is unbelievable! Graduating na kayo, class," nangangaral si miss. "And this is Science and Biology 2. You've been taking this subject for two years now, and yet, DNA at RNA lang hindi ninyo matandaan? Ano ang nangyari sa Science and Biology 1 ninyo? Kaya kayo nag-aaral ay para may matutunan, maintindihan at matandaan, class! You're being unreasonable!" gano'n na agad karami ang sinabi niya. First year ay itinuro ang Science and Biology 1. Chemistry noong second year at Physics noong third year. Science and Biology 2 ngayong fourth year at preparasyon ito para sa mga gustong pumasok sa medical field pagtungtong ng kolehiyo. Paano kong matatandaan 'yon, eh, ilang taon na ang nakalipas. Acid na lang yata ang natandaan ko. Tch. "Leave my class! Go to the library now, and read everything about DNA and RNA! Gumawa kayo ng essay!" halos pumutok ang litid ni Miss Agaser, ang pinaka-terror naming lecturer. Matandang dalaga kasi. "Wala na naman sa mood si dragona," ani Tob habang naglalakad kami papunta sa library. "Loko ka kasi, ginalit mo." "Bakit ako?" nakangusong tanong ko. "Wala namang nakasagot sa tanong niya, ah." "She called you three times, 'dre! Saan na naman ba lumilipad ang utak mo?" Napangisi ako. "Iniisip ko kasi kung paano ko yayayain si Kim sa party, gusto ko siyang maging partner." "Pwede mo naman kasing isipin sa ibang oras 'yon," seryosong ani Lee, nanenermon. "Oras 'yon ng klase, Deib. Tumaas tuloy ang presyon ni dragona." Nginiwian ko siya. "Dapat kasi ay nilambing mo," pang-aasar ko. Si Lee ang paboritong estudyante ni Miss Agaser. Hindi naging mahirap ang seatwork na ibinigay ni Miss Agaser. Kani-kaniyang gawa kaming magkakaibigan at halos sabay-sabay ring natapos. Dumeretso kami sa canteen habang maaga pa. "Enemy spotted!" ani Tob. Agad kaming napalingon ni Lee. Tch. Ang bilis talaga ng mata nitong kumag na 'to. 'Sabagay, hindi naman mahirap makita si Taguro dahil malaking babae. Siguro ay nasa 5'7" ang height niya? At isa pa, chubby siya, kahit maraming kasabay ay makikita siya. Tch. Naglalakad si Taguro papunta sa gawi namin. Kahit sa kawalan nakatingin ay nando'n pa rin 'yong walang kwentang reaksyon ng mukha niya. Nakapamulsa ang isang kamay habang ang isa pa ay may hawak na bote ng mineral. Nagkamali ako nang isipin kong hindi niya kami nakikita. Dahil agad na nanlaki ang mata ko nang magtama ang paningin namin. Kakaiba talaga ang angas sa mga mata niya, wala pa man ay para bang naghahamon na. Tila may kuryente siyang pinadadaloy sa pagitan ng mga tingin namin. "Rematch," bulong ni Tob. Tinapik siya ni Lee para sawayin. Sinikap kong tagalan ang titigan namin ni Taguro pero nabigo ako. Hindi ko kaya. Iba ang dating ng titig niya. Parang kaya niyang punitin ang mga mata ko. Kaya naman tumingala na lang ako sa ere saka tumawa, iyong tawa na maririnig niya talaga. "Kung mamalasin ka nga naman, may makakasalubong ka pang malas." Pero ako lang ang napahiya sa pagpaparinig ko dahil parang walang narinig si Taguro. Nagtuloy siya sa paglalakad. At nang isang hakbang nalang ang layo niya ay dumukot siya bigla sa bulsa. Nang ilabas niya ang kamay ay wala sa sariling napaiwas ako. Sa inis ay sinamaan ko siya ng tingin, nginisihan niya 'ko. "Ano 'to?" tanong ko habang nakatingin sa ziplock na iniaabot niya. Hindi siya sumagot. At sa halip ay isinenyas niyang tanggapin ko iyon. Ngunit aabutin ko na sana iyon nang ilipat niya ang iniaabot kay Lee. Dahilan para maiwan at mahulog sa ere ang kamay ko. "What the hell?" pabulong na asik ko. Pero hindi na ako nilingon ni Taguro, hinarap niya si Lee. "Hindi ko 'yan nagamit pero salamat na rin," malumanay na aniya. Tumingin uli siya sa 'kin bago kami tuluyang iniwan. "Ang lakas ng topak ng babaeng 'yon," asar na asar kong sabi. ""'Oy, Lee, ano 'yan, ha?" nanunukso ang tinig na usisa ni Tob. Ngumiwi ako. "Ano pa? Eh, di 'yong panyo niya. Tch." Sinulyapan ko ang dinaanan ni Taguro. "Hindi ko 'yan nagamit, pero salamat na rin," panggagaya ko sa sinabi ni Taguro nang ipit ang boses ko. "Napakayabang. Tch!" "Bakit hindi niya ginamit?" inosenteng tanong ni Lee, wala sa sarili. Para bang iyon na ang pinakamalungkot na sandali ng buhay niya. "Eh, kasi nga mayabang siya. Tch," angil ko. "Anong konek?" kunot-noong tanong ni Tob. "She's an asshole, 'dre, that's it," tugon ko. "Deib?" pinandilatan ako ni Lee. Hindi ko na siya pinansin. Hindi ko maipaliwanag ang asar ko kay Taguro. Napaka-weird niya. Pa-cool masiyado. Iyong mga maangas na kilos, asta at pananalita niya ay lalaki lang ang gumagawa. Hindi siya maganda kaya 'wag siyang umasta na cool. Tch. Hindi ko malaman kung kailan siya masaya, malungkot, naiinis, naaasar, nagagalit, nagtatanong, o kung ano pa. Kahit nag-aaway na kami ay parang wala lang 'yon sa kaniya. Iisa lang ang ekspresyong madalas kong makita sa kaniya, wala pang kwenta. Ngumisi man siya ay hindi iyon umaabot sa mata. Kakaiba. Sandali kaming nag-snacks nina Tob at Lee. Pabalik na sana kami sa room nang muling mahagip ng paningin ko si Taguro. Nakaupo siya sa Batibot. May hawak na libro at nakapandekwatrong panlalaki habang umiinom ng Yakult. "Tch." Gusto kong matawa. "Sa laki niyang 'yan, nagya-Yakult pa siya? Mukhang may ilalaki pa siya, ah?" Napangisi ako at muling nakaisip ng kalokohan. Sinadya kong paunahin sa paglalakad sina Tob at Lee. Masiyado abala sa binabasa si Taguro kaya naman hindi niya ako nakita. Lumapit ako at dumaan sa harap niya, sinadya kong tapakan nang mariin ang kanang paa niya. Siniguro kong doble ang bigat ko para masaktan siya talaga. Matapos niyon ay nilingon ko siya. Nakita ko kung paanong binitiwan ng labi niya ang maliit na straw. Walang emosyon niyang niyuko upang tingnan ang paa. Saka siya dahan-dahang nag-angat ng tingin sa 'kin. Ngumisi ako. "Ang laki kasi ng paa mo, umaabot sa linalakaran ko." "Deib, let's go," nakalingon na anyaya ni Lee. Tumango ako at nakangising sumunod sa kanila. Ngunit agad din akong natigilan nang may tumama sa batok ko. Nahinto ako at inis na nilingon si Taguro. Nakita ko ang bote ng Yakult sa paanan ko. Mabilis ko siyang sinugod. Hindi pa man ako tululang nakakalapit ay tumayo na siya. "Hinahamon mo ba talaga 'ko?" halos isubsob ko ang mukha ko sa kaniya. Tch! Nakakaasar na ang babaeng 'to. Tsk! "Sige, ano'ng gusto mong mangyari?" seryosong hamon ko. "Pagbibigyan kita." Matagal siyang tumitig sa 'kin bago nagsalita, "Sa 'ting dalawa ay ikaw ang nauna." Tch! Pa-cool talaga, bad trip. "Eh, ano naman? Ikaw ang tatapos, gano'n? Tch." Sa unang pagkakataon ay lumawak ang pagkakangiti niya. Iyon nga lang ay nakakainis pa ring makita. "Kaya 'wag kang magreklamo," aniya. "Dahil kung ano ang ginagawa mo sa 'kin ay ibinabalik ko lang sa 'yo," malumanay pa rin ang pananalita niya. "Tch. At sa tingin mo ay pagbibigyan pa kita?" Ipinakita ko sa kaniya kung gaano akong napipikon, kung gaano ako kaseryoso. "Ihanda mo ang sarili mo dahil matindi pa diyan ang gagawin ko sa susunod na magharap tayo." Ngunit imbes na matakot ay iniharang niya ang kamao sa dibdib ko. "Masiyado kang malapit," kaswal na aniya, wala pa ring reaksyon. "Kayong dalawa," sita sa 'min ni Tob. "Tigilan ninyo na nga 'yan? Lee, awatin mo nga. Para kayong mga aso't pusa." Sabay kaming lumingon ni Taguro kay Tob. Inis kong nilingon uli si Taguro ngunit na kay Tob pa rin ang kaniyang paningin. Nakita ko kung paano siyang ngumisi. "Alin siya sa dalawa?" tanong ni Taguro habang nakaturo sa 'kin. "Yong aso o 'yong pusa?" Kunot-noo kong tinabig ang kamay niya. "Shut up!" Sinamaan niya ako ng tingin. "Hindi ako aso o pusa, Taguro." Nginisihan ko siya. "Kung magiging hayop man ako, iyon ay dahil hayop ako sa gwapo." Nakangiwi siyang tumango, tila napipilitan na lang na sang-ayunan ang sinabi ko. Inis ko siyang tinalikuran at saka ako lumapit sa mga kaibigan ko. "Loko ka, Tob, gagatungan mo pa 'yon." "What?" Natawa siya. "She's so weird, 'dre. Grrr!" umasta siyang kinilabutan pa. "May mapapala na ba ako sa inyo?" bungad ni Miss Agaser nang makabalik kami sa classroom. Nagsipagsagutan ang mga kaklase ko, hindi ko nagawang sumabay dahil sa inis ko kay Taguro. "Siguraduhin ninyo lang," banta niya saka itinuro ang nasa unahan ng linya ko. "Okay, mula sa 'yo hanggang sa dulo, basahin nang isa-isa ang essay na ginawa ninyo." Kinabahan ako, awtomatikong nabura ang kinaiinisan ko. Noon ko lang naisip kung tama ba ang mga isinulat ko. Kagat-kagat ko ang sariling labi habang pinapanood ang mga kaklase kong basahin ang ginawa nilang essay. Bagaman nakikinig ako ay dumaraan lang sa tenga ko ang mga sinasabi nila. Wala akong maintindihan sa sobrang kaba. Napalunok ako nang oras ko na para mag-recite. "DNA means deoxyribo-" "Wait," pinigil ni Miss Agaser ang pagsasalita ko. "I know its meaning already, ilang beses nang nasabi ng mga kaklase mo. Gusto kong marinig ang laman ng essay mo, iyong pinakamagandang laman." "I was planning to say it on the last part, miss," pigil ang inis na sabi ko. "Tss," nangibabaw sa pandinig ko ang pamilyar na ekspresyong 'yon. Awtomatiko akong napalingon sa labas ng classroom. At gano'n na lang ang gulat ko nang makita ko si Taguro. Nakasandal ang parehong siko sa pasimano at deretsong nakatingin sa 'kin. Pinandilatan ko siya ngunit sumenyas siyang magpatuloy ako sa pagre-recite. "Mr. Enrile?" untag ng lecturer. Natuliro ako. "It's a double stranded helical acid-" "Wait!" muli akong pinigil ng lecturer. Inis siyang namaywang. This is annoying! Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam dahil sa sandaling iyon ay napapahiya ako nang todo. Hindi lang sa mga kaklase ko, hindi lang sa lecturer ko, kundi kay Taguro mismo. "Alam ko na ang meaning," idiniin ni Miss Agaser ang sinabi. "Iyong essay mo ang gusto kong marinig ay iyong essay mo. Kung ano ang naintindihan mo sa meaning na sinasabi mo." Halatang galit na siya. "Tsk tsk tsk," narinig ko ang kalatik ng bibig ni Taguro. Nilingon ko siya at nakita ko siyang iiling-iling na tila ba gano'n kadismayado sa 'kin. "Nasa labas ba ang isip mo, Mr. Enrile? If yes, please feel free to leave my class," angil ng lecturer. "No, miss, I'll continue," kunot-noong tugon ko, napapapikit sa sobrang pagkapahiya. Ngunit makulit talaga ang isip ko. Nilingon ko pa rin si Taguro. Sumenyas siyang aalis na saka tinalikuran ako. Napapikit ako sa sobrang pikon, bago nagsimulang mag-recite. Nang matapos akong mag-recite ay hindi ko na nagawang intindihin pa ang mga sinabi ni miss. Ang isip ko ay naglayag na papunta sa kung paano kong magagantihan si Taguro. Maswerte siya dahil may pader na nakaharap sa pagitan nila ni Miss Agaser at hindi siya nito nakita. Talagang pinanood mo pa kung paano akong mapahiya, ah? Hindi mawala sa isip ko ang pag-iling niya. Para bang gano'n na lang katanga ang tingin niya sa 'kin para madismaya dahil hindi ako nakasagot nang ayos. "Sa tingin mo ba ay magiging varsity ako kung boplaks ako?" inis na singhal ko. "Mister Enrile!" sumigaw na si Miss Agaser. Napayuko ako sa pagkapahiya. Nasabi ko na naman ang dapat ay nasa isip ko lang. "What is wrong with you today?" she shouted in frustration. Nagtawanan ang mga kaklase ko. "I'm sorry, miss," napapahiyang sagot ko. "No! I'll talk to your grandfather," angil niya saka kinuha ang mga gamit at lumabas. "Bad trip!" angil ko. "Kasalanan 'to ni Taguro!" asik ko pa. Inis na nagtinginan sa 'kin ang ilan sa mga kaklase ko pero hindi ko sila pinagtuunan ng pansin. Nanguna na akong tumayo at lumabas ng classroom. Nagsunuran ang mga kaibigan ko. "What happened to you?" tatawa-tawang ani Tob, tinapik ako sa braso. "Sira-ulong Taguro 'yon, gusto ko siyang ilampaso sa court sa sobrang bad trip ko," pasinghal kong sabi. Nagtaka siya. "Bakit, anong ginawa sayo?" "Hindi mo pa rin ba makalimutan 'yong ginawa niya kanina? Para kang bata, Deib," napapailing na ani Lee. Nag-igting ang bagang ko. "Hindi 'yon, okay? Kanina no'ng nagre-recite ako ay nandiyan siya," itinuro ko ang lugar na siyang kinatatayuan ni Taguro kanina. Nilingon nila iyon. "Diyan nakatayo ang hambog na 'yon at pinapanood akong mapahiya. Tsk!" Tumawa nang malakas si Tob. "Ano'ng ginagawa niya diyan?" "I don't know! Tsk! At wala akong pakialam!" I'm mad, I'm angry, I'm vengeful, I want revenge! "Sa araw na 'to ay ilang beses niya 'kong ipinahiya," bulong ko sa sarili. Naalala ko ang pag-aabot niya ng panyo. Maging iyong pagbato niya ng bote ng Yakult sa Batibot. "Ang weird ngang talaga ni Taguro," napapailing na ani Tob. "Parang siya pa ang nangunguna ngayon, ah? Psh. Pero ang nakakatawa ro'n ay wala pa rin siyang reaksyon." Itinuro ko ang bibig niya. "Yan ang pinakanakakapikon. 'Yong nakikita na sa mukha kong napipikon ako, pero siya wala pa ring reaksyon. 'Sarap batukan." "Hayaan mo na lang, 'dre. Baka hindi niya na ulitin kasi nakailan na siya. Saka halatang naba-bad trip ka na." "Hindi uulitin, eh, sinunod-sunod niya nga ako. Tch. Ano 'yon, kumota lang siya?" Natawa si Tob. "Just don't mind her. Wala ka rin namang mapapala. Gantihan lang kayo nang gantihan. Saka ikaw lang lagi ang lugi, eh, hehehe." "Tch! Ano siya, sinuswerte? Deib Lohr Enrile 'to!" "Deib, let me ask you seriously," nagsalita si Lee. Nilingon namin siya ni Tob at seryoso nga siya. "What?" halos suminghal na tanong ko. "Bakit hindi mo na lang tigilan si Max?" "Bakit ko siya titigilan?" "Dahil babae siya?" patanong na tugon niya, sarkastiko. "Hindi ka naman dating ganiyan, eh. Noon ang pambu-bully mo ay salita lang, ngayon pisikalan na. Hindi na magandang tingnan, hindi na mabuti para sa 'yo at sa lahat." He's really serious. Salubong na salubong ang mga kilay. Tch. Eh, bakit ba kailangan kong magpaliwanag? "Eh, bakit ba nagtatanong ka?" inis na sabi ko. "You're nonsense," angil niya. "Apektado ka ba? May gusto ka talaga ro'n, eh." Sinamaan ko siya ng tingin. "Easy," saway sa 'min ni Tob. "Bakit ba nagkakaganiyan kayo?" sinubukan niyang tumawa pero nabigo siya. Mabilis kasing namuo ang tensyon sa pagitan namin ni Lee. "Lagi namang ganiyan 'yang kaibigan mo," mahinang sabi ko, si Lee ang tinutukoy. Umayos ng upo si Tob at humarap sa 'ming dalawa. Gano'n na lang kaseryoso si Tob nang tingnan ko, ako naman ang gustong matawa dahil hindi ako sanay. Madalang sumeryoso si Tob. Kahit nga walang ginagawa o kausap ay nakangiti siya. Kaya oras na sumeryoso siya ay tumitiklop kami ni Lee. "Alam mo, Deib, dalawa lang 'yan, eh. May point si Lee," panimula ni Tob. "Ang usapan natin ay titigil ka na sa pambu-bully dahil graduating na tayo. No'ng huli ay sinabi mong titigilan mo na si Taguro, ceasefire na 'kamo. Eh, ano 'tong ginagawa mo?" Nginiwian ko siya. "Eh, nasa'n ang dalawa ro'n? Tch." "Dalawa lang kasi 'yan," aniya na ipinatong pa ang kamay sa balikat ko. "May gusto ka kay Taguro-" "Hell no!" mabilis na pigil ko sa sasabihin niya. Tch! Kung gusto ko siya ay hindi ko siya ibu-bully. At mas lalong hindi ko siya sasaktan physically. That's stupid! "And the other one is?" interesadong tanong ko. "O bading ka lang talaga," patuloy niya. Sabay silang natawa ni Lee. Hindi ko makuhang tumawa, inis akong tumitig sa kaniya. Akma ko siyang babatukan nang umilag. "Sira ang ulo mo, eh, 'no?" angil ko. "Tch, bading," sinamaan ko siya ng tingin. "Ang pangit lang sa parte ko na titigilan ko siya matapos niya 'kong ipahiya ng tatlong beses sa loob ng iisang araw, 'dre. Hindi patas. Nakakalalaki, eh." "Ikaw naman ang nauna, 'di ba? Eh, di ikaw na lang ang huminto at magpaubaya," suhestiyon ni Lee, kalmadong-kalmado siya. Na para bang iyon na ang pinakamagandang suhestiyon sa mundo. "Ang corny mo, Lee," angil ko. "Akala ko ba ay kaibigan kita? Best friend pa nga, 'di ba?" "Pero hindi parte ng papel ko bilang best friend mo na sakyan 'yang mga kalokohan mo, Deib." "Kasi may gusto ka kay Taguro? Tch. May gusto ka ba ro'n?" Ngumisi ako. "Umamin ka lang, titigilan ko siya." Hindi siya kumibo. Napapailing na lang siyang nag-iwas ng tingin. Nginiwian ko naman siya saka ako kunot-noong tumingin sa kawalan. Alam ko namang mali rin ang ginawa ko, hindi ako tanga para isiping tama ang lahat ng ginagawa ko. Hindi na rin ako bata para ipaalam pa sa 'kin ang tama at mali. Alam kong may mga mali ako pero hindi naman ibig sabihin no'n ay tama na siya. Nauna nga ako pero, eh, ano? Tch. Gumaganti naman siya kaya siguro ay patas na kami. Saka bakit kailangang huminto ako kung kailan katatapos niya lang gumanti? Palibhasa'y hindi nila alam kung anong pakiramdam nang mapahiya sa mismong kaaway. "Alam mo namang ayaw ni Kim nang ganiyan pero ginagawa mo pa rin." Hindi ko inaasahang may sasabihin pa pala si Lee, sa tagal niyang nanahimik. "Baka lalo kang hindi sagutin ng pinsan ko kapag nakarating sa kaniya 'to. I'm not going to tell her anything. Pero hindi lang ako ang may bibig. Kilala ka sa campus at hindi lang kami ni Tob ang nakakakita sa mga kalokohan mo." Sumama ang mukha ko. Hindi ko nagustuhan ang dalawang huling salitang binitiwan niya. Sinabi niya iyon nang para bang ako lang ang may ginagawang kalokohan. Pero hindi ko nagawang sumagot, lalo akong natahimik nang tumayo bigla si Lee. "Mauuna na ako," paalam niya saka naglakad papalayo. Napabuntong-hininga si Tob. "Tsk tsk, 'dre, sana ay hindi tayo ganito." Napapabuntong-hininga naman kami ni Tob na pinanood siya'ng umalis! "What's his problem?" angil ko. "Hindi rin naman siya ganiyan dati. Hindi siya apektado sa mga ginagawa ko. Tinutulungan niya pa nga akong takpan ang mga kalokohan ko kay Kim. Tapos ngayon...tch!" Napakamot ako sa ulo. "Alam mo namang sa 'ting tatlo ay 'yon ang super ego, anghel 'yon. Tsk. Bakit naman kasi hindi mo na lang tigilan si Taguro? Babae nga naman 'yon, 'dre." "Isa ka pa, eh," asik ko. "Gagantihan ko muna siya sa ginawa niya sa 'kin ngayon tapos ititigil ko na. Nakakainsulto kayo, eh!" "Alam mo kasi dalawa lang talaga 'yan." Itinuro niya pa 'ko. "It's either you're gay or you like her. Okay?" "Do you want to die?" seryosong angil ko. Seryoso rin siyang ngumiwi. "Bahala ka. Nasa dalawang 'yon lang ang dahilan para magkaganiyan ka." "Hindi ako magiging bakla, at lalong hindi ako magkakagusto kay Taguro," mariin kong sabi na inilapit pa sa kaniya ang mukha ko. "Gano'n ba ang mga type ko? Tch. May mukha nga, hindi naman maganda. May ugali nga, hindi naman nakakatuwa. Coca-cola body nga, 1.5 liters naman. Tch." Nagkibit-balikat siya, bahagyang natawa pero hindi na kumibo. Tch. Parang ang lumalabas ay ako lang ang may mali. Hindi ko naman talaga gagawin 'yon kung hindi niya ako tiningnan nang masama. At kung hindi siya gumaganti. Kasalanan talaga 'to ni Taguro. Pati si Lee ay na-bad trip na sa 'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD