Ang bawat hakbang ni Lander Montero patungo sa gitna ng bodega ay tila ba nagpapababa sa temperatura ng buong paligid. Ang tunog ng kanyang mga sapatos sa semento ay may kasamang bigat na kayang magpatigil ng hininga ng sinumang humaharang sa kanyang landas. Ang kanyang basang itim na coat ay nag-iiwan ng mga patak ng tubig sa sahig, parang mga bakas ng dugo na nagbabadya ng isang madilim na katapusan. Sa kanyang likuran, ang kanyang mga tauhan ay nakatayo nang maayos at walang ingay, walang galaw, ngunit ang kanilang mga kamay ay nasa gilid na ng kanilang mga kasuotan, handang rumesponde sa isang senyales lamang ng kanilang amo. Nananatili akong nakatayo sa tabi ng aking kapatid na si Gabriel. Ang aking kamay ay unt-unting lumalamig, ngunit ang init ng aking palad sa ibabaw ng aking tiya

