KABANATA 013

2191 Words

Ang ulan ay nagsimulang pumatak nang marahan sa salaming bintana ng aking silid, ngunit ang lamig na dulot nito ay hindi maikukumpara sa panginginig na kanina pa nanunuot sa aking mga buto. Hawak ko pa rin ang maliit at kalawanging susi sa aking kanang palad. Ang dulo nito ay bumaon na sa aking balat dahil sa higpit ng aking pagkakahawak, habang ang kapirasong papel na naglalaman ng address sa Maynila ay nananatiling nakalapag sa ibabaw ng aking kandungan. "Ang lalaking nagligtas sa iyo ang siya ring lalaking pumatay sa totoong pagkakakilanlan mo." Paulit-ulit na umalingawngaw ang mga salitang iyon sa aking isipan, parang isang sumpa na dahan-dahang lumalason sa tiwala na unt-unti ko nang ibinibigay kay Lander. Naalala ko ang kanyang mga mata kagabi sa silid-aklatan at ang matalim at nag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD