NARRATOR’S P.O.V. “MR. ESTEBAN, THIS is the files of—” “Get out! Hindi ko kailangan n’yan! Kung hindi naman tungkol kay Maqi ’yan, wala akong pakialam d’yan,” mainit ang ulo na wika ni Gab, kasabay ng paglagok ng martini. Narito siya sa opisina niya habang umiinom na naman ng alak. Simula nang iwan siya ni Maqi ay tila hindi niya alam ang gagawin sa buhay niya. Sirang-sira na siya. Halos haluglugin niya ang buong Pilipinas ngunit hindi niya makita si Maqi. Hinanap na rin niya sa ibang bansa ang dalaga, ngunit tila tinataguan talaga siya nito. “R-remember this . . . When I found you, you’ll regret this . . .” lasing niyang sabi habang nakatingin sa larawan ni Maqi na nakalagay sa isang frame sa table ng office niya. Bumukas ang pinto at pumasok doon si Jam na tulak-tulak ng personal

