MAQI’S P.O.V. HINDI AKO MAPAKALI sa kinatatayuan ko sa sobrang pag-aalala kay Daddy. Mabuti na lang at nakaalalay sa akin si Gab na ngayon ay nasa tabi ko. “Diyos ko, pagalingin n’yo lang siya at makikipag-ayos na ako sa kanya,” sabi ni Mom na kanina pa rin umiiyak. Nakaalalay si Butler Jin dahil mukhang babagsak na si Mom. Pareho lamang kami ng nararamdaman. Para kang pangangatugan ng tuhod nang makita na halos maubusan ng dugo si Daddy dahil sa mismong dibdib siya tinamaan. Mas grabe ang kaba ko ngayon dahil ilang oras nang inooperahan si Daddy ngunit hindi pa rin lumalabas ang mga doktor. Tumingin ako kay Gab na nasa tabi ko habang inalalayan ako sa pagtayo. “Gab, tingin mo, sino ang nasa likod ng pagbaril kay Daddy?” humihikbi kong tanong sa kanya. “I’m not sure, baby. But if my

