MAQI’S P.O.V. “SIGURADO KA NA gusto mo silang makaharap?” sabi ni Gab sa akin habang nakasakay kami sa kotse niya at nakatanaw sa bahay ni Mrs. Walters o mas tamang sabihin na aking tunay na ina. “Yes. Napagtanto ko na kahit ano pa ang nagawa nila ay sila pa rin ang magulang ko,” sagot ko na lang. Napalingon ako sa kanya nang hawakan niya ako sa kamay. Pinisil niya ang kamay ko kaya napangiti ako at muling tumingin sa mansyon ng aking ina. Ilang araw na rin ang nakalipas at napag-isip-isip ko na baka sa kanila ay maranasan ko na magkaroon ng totoong pamilya na mamahalin ako at hindi ikakahiya. “Let’s go,” aya sa akin ni Gab kaya bumaling ako sa kanya at tumango. Ngumiti siya at pinisil ang pisngi ko bago bumaba. Napailing ako dahil ang hilig niyang pisilin ang pisngi ko, namumula na t

