MAQI’S P.O.V. NANLALABO ANG MGA mata ko nang idilat ko ito. Naramdaman ko kasi na gumagalaw ang kinalalagyan ko ngayon. Napatingin ako sa mga paa ko na nakagapos maging ang mga kamay ko ay nakatali sa likod ko habang nakahiga ako sa isang backseat ng upuan. Sumigaw ako ngunit may nakalagay palang isang panyo sa bibig ko. Nagpupumiglas ako sa mga tali ngunit hindi ko maalis. Napatingin ako sa paligid ngunit tanging kalangitan lang ang nakikita ko. Nasaan ako? Bakit gumagalaw ang kinalalagyan ko? Ang huli kong natatandaan ay bigla akong nahimatay nang makainom ako ng isang juice sa bahay ni Claudia King. Nasaan siya? Bakit ako narito? Pinilit kong makaupo at pawis na pawis ako nang magawa ko iyon. Napatingin ako sa labas at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Mr. Matsumato! May

