MAQI’S P.O.V. SUOT-SUOT KO NGAYON ang T-shirt at ang nakita kong jogging pants ni Esteban. Kaso, maluwag at ang laki ng jogging pants kaya mas binanat ko ang tali at tinupi ang dulo nito para maisuot ko kaysa naman hindi ako lumabas ng kwarto. Balak ko ngang umalis na dahil ayoko nang maabutan pa si Esteban. Dahan-dahan akong humahakbang pababa ng hagdan habang nagmamasid kung may tao ba. Nang wala akong makita ay mabilis akong bumaba ng hagdan, ngunit napahinto ako nang bumungad si Esteban, ngunit ano ’to? Naka-wheel chair? Pero sure akong hindi ito si Gab. Iba ang hairstyle at mas mabangis ang hilatsa ng mukha nito. “Saan ka pupunta?” masungit nitong tanong na kinalunok ko. “S-sino ka?” “Balak mong takasan ang kakambal ko?” galit niyang sabi. Lalo akong kinabahan nang malaman niya

