MAQI’S P.O.V. BUMALING AKO NG higa at napakunot ako ng noo nang maramdaman ko na tila nasa ibang higaan ako. Sobrang lambot, mabango, madulas, at ang sarap ihiga ng katawan. Ang lamig pa. Nag-unat ako ng braso at paa bago dumilat. Bumungad sa akin ang isang chandelier na ikinalito ko. Kailan pa ako nagkaroon ng chandelier sa kwarto? Tapos isang painting ng hubad na babae ang nakapinta sa kisame habang may mga ulap. “Good morning, Ate.” Napaupo ako nang may malambing na boses na nagsalita. Napalingon ako sa kaliwa ko at nakakita yata ako ng dyosa. Long brown hair na curly ang dulo, round face, ocean blue eyes na kagaya ng kay Esteban, pointed nose, small lips, at ang kaniyang kutis ay tila kulat ng niyebe. Kung idi-describe ko siya ay isa siyang perpektong diwata. Tapos ang sosyal p

