MAQI’S P.O.V. NAKATINGIN AKO SA kisame habang iniisip si Esteban. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umuuwi. Maglalagpas dalawang araw na siya sa pinangako niyang dalawang linggo na uuwi siya. Akala ko ba saglit lang siya? Bakit ang tagal niya? Ayoko namang mag-isip ng iba dahil may tiwala ako sa kanya. Hay! Kahit anong pilit kong matulog ay hindi ko magawa kaya naman bumangon ako sa kama para magpahangin. Pagbaba ko ay tahimik na at medyo madilim, pero lumalabas naman ang liwanag galing sa buwan kaya nagkaroon naman ng kaunting ilaw. Lumabas ako ng bahay at naisipan na maupo sa isang outdoor wooded swing chair na nasa tabi lang ng pool. Napahinga ako nang malalim at dinama ang lamig ng hangin. Napatingin ako sa kalangitan at nakita ko na walang bituin at tila uulan pa. Pero nal

