bc

Clarity

book_age18+
723
FOLLOW
2.3K
READ
billionaire
goodgirl
independent
drama
bxg
heavy
city
betrayal
first love
naive
like
intro-logo
Blurb

Hindi madaling sumuko ang isang Clara Salvacion, tubong Norte. Para sa kaniya, ang hirap ng buhay ay kayang daanin sa lakas ng loob at determinasyon. Kaya nang sumabak sa Kamaynilaan, akala ni Clara ay kakayanin niya ang lahat. Ang pagtatrabaho bilang maid sa mag-asawang Delgado. Ang pag-aaral ng kolehiyo. At ang bawal na pag-ibig para sa kaniyang amo.

Sabi nila, ang isang kalapating mataas ang lipad, mas masakit ang bagsak. Ilang beses nang nadapa at bumagsak si Clara. At hinding-hindi siya susuko hanggang hindi nakakamit ang mga pangarap.

Kahit puso niya pa ang kapalit.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
            “Clara! Ano ba, Clara?! Bubuksan mo ba ang pinto o hindi?!”             Napabalikwas ako sa kama nang marinig ang matinis na boses ni Madame Sofia. Sa bilis kong bumangon ay nakalimutan kong double deck na pala ang higaan ko! Tumama ang noo ko sa bakal!             “A-Aray!” Sinapo ko ang ulo.             Sinusubukan ko namang masanay sa bagong pamumuhay pero may mga oras talagang akala ko ay nasa probinsiya pa ako kung saan dating nakatira. Malayong-malayo ang maliit naming bahay sa magarang mansyon ng mga Delgado.             “Clara, ano ba?! Buksan mo sabi!” mala-tigreng sigaw ni Madame Sofia.             “M-Ma’am! Gising na po ako!” taranta kong sagot.             Nagkukumahog akong bumangon sa kama, hindi alintana ang aking bagong gising na itsura. Dinaanan ko sa salaming magulo ang aking hanggang baywang na buhok at naniningkit ang bilugang mga matang busog sa tulog. Kahit ang manipis kong bestidang pantulog ay hindi ko rin napalitan sa pagmamadali.             Nang buksan ko ang pinto ay isang galit na Madame Sofia ang nakaabang sa akin. Mas tumapang pa lalo ang kaniyang mukha dahil sa plakadong kilay na nakataas.             “Clara naman! Lagi na lang akong late sa trabaho ko dahil sa kapalpakan mo!” bulyaw niya sabay tulak ng dalang damit sa aking dibdib. “Plantsahin mo iyan. Ngayon na.”             “P-Pasensiya na po! Nilinis ko po kasi ang swimming pool kahapon kaya napagod ako–             “Paplantsahin mo ba o hindi?!”             “Opo!” Tumango ako at tumakbo patungong laundry area.             Habang hawak sa isang kamay ang blazer ni Madame Sofia, ang aking kabilang kamay naman ay inaayos ang aking buhok at kinakapa ang aking mga mata. Hula ko ay parang kinalaykay ng manok ang buong pagkatao ko dahil bagong gising pa lang.             Napatigil ako sa pagtakbo nang makasalubong ang asawa ni Madame Sofia sa dirty kitchen. Nakatungko ang isang braso nito sa ref, astang pinarurusahan. Sa kaniyang kabilang kamay naman ay hawak ang isang tasa ng umuusok na kape.             Lumaki ang mga mata ko at kaagad na niyakap sa dibdib ang damit na dala. “M-Magandang umaga po, Sir… Archie…”             Bahagyang kumunot ang kaniyang noo nang bumaling sa akin. Umayos ito ng tayo at inilapag ang tasang hawak sa lamesa. Katulad ng kaniyang asawa ay pormal din ang kaniyang suot, presko sa puting long sleeves at halatang papasok na sa trabaho.             Napalunok ako nang magtama ang aming tingin. Ang lumalagutok na high heels ni Madame Sofia sa kanilang marmol na sahig ay walang binatbat sa lakas ng mga kabog ng aking dibdib.             Tumaas ang kilay ni Archie at bumagsak ang tingin sa aking mga hita. “Magandang umaga rin…”             Hindi ko alam kung ano pang ginagawa ko sa kaniyang harapan. Parang napako ang aking mga paa na nakalimutan ko ring suotan ng tsinelas. Nanumbalik ang mga kunot-noo ni Archie kaya naman umawang ang aking bibig.             “Kumain ka na ba?” tanong niya.             “H-Hindi pa… Inuutusan pa ako ni Madame Sofia…” Kinagat ko ang pang-ibabang labi.             Dahan-dahang tumango si Archie, ang mga mata ay sinisipat ang damit ng asawa na nakalapat sa aking dibdib. Para akong nauubusan ng hininga.             “Pagpasensiyahan mo na ang asawa ko,” aniya.             Hindi ako kaagad nakasagot. Ilang segundo ako nitong pinakatitigan bago tumalikod at kinuha ang coat na nakapatong sa likod ng upuan. Unang tingin pa lang ay kabisado ko na iyon. Alam kong ang pamilyar na yari ng mamahaling tela ay ako rin ang naglaba at nagplantsa noong isang linggo.             Sa pagkakataong iyon, alam kong dapat ay naglakad na ako palayo. Dapat ay sumunod na ako sa utos ni Madame Sofia, ang kaniyang asawa. Ngunit para bang babagsak ako sa kinatatayuan sa oras na gumalaw ako o huminga man lang.             Bakit ako pa ang balisa sa aming dalawa?             Bakit ako pa ang astang naghihintay?             Hamak na mas matangkad sa akin si Archie pero dahil nakatalikod ay hindi niya nakita ang aking hirap na pagtingala. Dumapo ang aking tingin sa kaniyang batok. Hindi ko pa nakitang lumagpas doon ang kaniyang itim na itim na buhok dahil kailangang laging mukhang disente sa kumpanyang pinamumunuan.             Bahagya akong napapikit nang maamoy ang kaniyang mamahaling pabango. Ganoong-ganoon ang naaamoy ko sa tuwing lalabhan ang kaniyang mga polo. Lalo na sa bandang kuwelyo. Sa dalawang buwan kong paninilbihan sa mag-asawang Delgado ay una kong nakabisado ang pabango ni Archie. Lalaking-lalaki. Parang hindi siya narurumihan kahit buong araw na wala sa bahay.             “Kamusta ang pag-aaral mo?” Pagkatapos suotin ang coat ay bumaling siya sa akin.             “Uh, ayos lang…” Uminit kaagad ang aking mga pisngi.             “Papasok ka na ba?” tanong niya.             Tumango ako at yumuko. Halos manliit ako sa tahimik ngunit pirmis na mga tingin ni Archie. Pakiramdam ko ay nababasa niya ang mga iniisip ko at naririnig ang mga t***k ng puso ko.             “You should eat breakfast first. Magbaon ka para hindi ka na gumastos ng pananghalian sa school.” May pinalidad ang kaniyang boses. “Kung may kailangan kang bayaran, huwag kang mahihiyang magsabi sa akin.”             Tumango ulit ako, nakababa pa rin ang tingin. Iyon naman talaga ang lagi niyang bilin sa akin. Simula noong enrollment ko, sa mga project ko, sa mga schoolwork…             “Clara…” magaan niyang tawag, taliwas sa matalim na pananalita ng asawa.             Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin. Sabay ang kaniyang pagtiim-bagang at paglingon kay Madame Sofia na naroon sa sala. Isang marahas na mura ang kaniyang pinakawalan bago ibinalik sa akin ang tingin. Wala pang isang segundo nang makita ko itong humahakbang patungo sa aking gawi!             “Tungkol sa nangyari sa atin noong isang kagabi…” Umigting ang kaniyang panga.             Lumaki ang aking mga mata. Pakiramdam ko ay huminto ang aking mundo at tuluyan nang mamamatay sa oras na magsalita siyang muli.             “Archie! Where the hell are you?! We’re already late!” Bago pa man ako makasagot ay dumagundong na ang boses ni Madame Sofia.             Hindi man lang natinag ang mariing tingin ni Archie sa akin. Ako ang panay ang lingon sa sala kung saan maaaring makita kami ng kaniyang asawa. Ako ang naubusan ng dugo dahil sa pinaghalong kaba at saya dahil posibleng naalala niya.             Naalala niya ang gabing pinagsaluhan naming dalawa. Naalala niya ang bawat kabig at tulak. Naalala niya kung paanong pangalan ko lang ang kaniyang sinambit. Naalala niya kung paanong minahal ako kahit sa isang gabi at sa isang saglit lang.             Naalala niya ako.             Pero…             “Kalilimutan ko.” Pinilit ko ang sariling magsinungaling. “H-Hindi ko sasabihin kay Madame Sofia. Tahimik lang ako! Makaaasa ka na hindi–             “Paano kung ako ang hindi makalimot?” maanghang na hamon ni Archie.             Para akong tinamaan ng kidlat.             “Archie, ano ba?! Let’s go!” muling sigaw ni Madame Sofia.             Sabay namin itong ilingon. Lalo akong ginapangan ng kaba.             Sunod-sunod na napamura si Archie. Hinilamos niya ang dalawang palad sa mukha pagkatapos ay tiningala ang kisame. Ako ang unti-unting pinapatay habang nakikita siyang nahihirapan.             “M-Mauuna na ako,” pilit kong sabi sabay pihit patungong laundry area.             Isang hakbang pa lamang ang nagagawa ko ngunit marahas ako nitong hinablot sa braso. Pumikit akong mariin. Halos bumigay ang aking mga tuhod dahil sa panghihina.             “Clara, kailangan nating mag-usap,” bayolenteng bulong ni Archie.             “Bakit pa?” mahina kong sagot.             “I’m not what you think I am. Mag-usap tayong dalawa para maintindihan mo.”             “Maintindihan ang alin, Archie?” hirap kong bulong.             Nang ibukas ko ang mga mata ay si Madame Sofia kaagad ang aking hinanap. Palakad-lakad ito sa sala, ang takong ay lumalagutok sa sahig. Nanginginig man ay pilit kong inalis ang kamay na nakakapit sa aking braso.             “M-May gagawin pa po ako, Sir Archie–”             “Cut the crap. Hindi ganiyan ang tawag mo sa akin kapag tayong dalawa lang–”             “Hindi ito pwede…” Naging desperado ang aking pagpupumiglas.             Mas malakas sa akin si Archie, hindi ko pwedeng makalimutan. Kayang-kaya akong igapos sa kung saan. Kayang-kaya akong ibato kung gugustuhin. Habang kinakalag ang kaniyang mga kamay sa akin ay para bang nakikipaghabulan ako sa kamatayan. Panay ang sipat ko sa kaniyang asawang kanina pa pabalik-balik sa sala. Isang maling lingon lang ay tiyak na mahuhuli kami.             “Clara!” gigil na bulong ni Archie.             Wala siyang nagawa kung hindi ang pakawalan ako. Umahon kaagad ang aking mga luha, yakap pa rin ang damit na paplantsahin. Muntik nang mapunit ang aking bestidang suot at mas lalo pang nagulo ang buhok. Hinihingal man ay pumungay ang mga mata ni Archie. “I... I’m sorry. I was just frustrated…”             “Clara! Nasaan na ang damit ko?” tawag ni Madame Sofia.             Nagkatinginan kami ni Archie. Tuluyan nang nawala ang tapang sa kaniyang mukha.             “Aalis na ako,” mahina kong paalam.             Umigting ang kaniyang panga at hindi na sumagot pa.             Dumiretso ako sa laundry area at hindi na muling lumingon. Tahimik ang aking mga luhang tuloy-tuloy ang pagbuhos. Iyon lamang ang mga segundong malaya ako dahil kailangang magtrabaho. Hindi hihinto ang oras dahil lang napupuno ako ng sakit. Kaya pinupunit man ang puso, mabilis kong inunat ang pakabayo at kinuha ang plantsa.             Nagsimula na ako sa gawain ngunit wala pang ilang minuto ay narinig ko ulit ang boses ni Madame Sofia.             “Oh, come on! Don’t tell me you didn’t secure the deal! Ang tagal-tagal na nating gustong bilhin ang planta ng mga Diaz! Ano na naman ba ang dahilan mo, Archie?!”             “Ikaw lang ang may gusto noon. Dati ko pa sinasabi sa’yong hindi ako boto sa mga Diaz dahil sa kanilang pamamalakad. I’m sorry but you can’t change my mind.”             “Kung makapagsalita ka ay parang ang linis ninyong mga Delgado. How funny!”             “Don’t change the subject, Sof…”             “Bakit, Archie? Takot ka bang marinig ang katotohanan? Namatay ang Papa mong naliligo sa pera ng taumbayan habang ang mga kapatid mo naman ay nilayasan ka! Kaya tayo ang namomroblema ngayon kung paanong bubuhayin itong lintik na negosyo ninyo!”             Numipis ang aking mga labi dahil sa mga narinig. Ilang dipa man ang pagitan ay parang tinamaan din ako ng sakit na dala ng mga salita ni Madame Sofia.             “I’m having a f*****g headache today so don’t start with me.” Bumaba ang boses ni Archie.             Sa halip na tumigil ay narinig kong bumunghalit ng tawa ang kaniyang asawa. “Or what, honey? Sasampalin mo ako? You do know that you can’t shut me up because all I’m telling is the truth. Masakit ba?”             “Hindi kita pinagbuhatan ng kamay kahit minsan...”             “Hindi natin alam. Baka sa panaginip mo. Baka nga pinatay mo pa ako dahil sawang-sawa ka na sa pagmumukha ko. Huwag kang mag-alala. Ako rin naman ay suklam na suklam na sa’yo. Why did I even marry someone like you?”             Tuluyang tumigil ang aking kamay sa pagtulak ng plantsa. Natulala na lang ako sa kawalan.             Bakit ganoon? Halos araw-araw ko silang naririnig na nagbabangayan. Kahit ang pagkain ay hindi nirerespeto kapag pinag-aabutan ng away sa hapag. Pero… bakit ganoon? Ako pa ang nasasaktan para sa kanilang dalawa.             Saksi ako sa kanilang tunay na estado kahit dalawang buwan pa lamang ako rito. Masalimuot. Magulo. Daig pa ang digmaan ng dalawang bansa. Araw-araw akong saksi sa kanilang giyera, walang magawa kung hindi ang manood at manahimik. Hanggang kailan ba ako mananatili sa gitna?             Bumukas ang pinto ng laundry area. Iniluwa nito si Madame Sofia na napaawang ang bibig.             “Clara! Ang damit ko!” sigaw niya.             Napatalon ako sa gulat. Kaagad kong inangat ang plantsa!             Sabay kaming nagpakawala ng isang malalim na hininga nang makitang wala itong marka. Sinamaan ako kaagad ng tingin ni Madame Sofia. Dire-diretso itong nagmartsa patungo sa aking gawi sabay hablot sa blazer.             “Muntik nang nasunog! Wala ka talagang kwenta!” bulyaw niya sabay lapag ng isang mas malaki at makapal na coat. “Iyan naman ang plantsahin mo. Kapag nasunog iyan, Clara, sisisantehin na talaga kita!”             “O-Opo! Sorry po!”             “Dalawang buwan ka na rito pero tanghali ka pa rin gumigising. Para kang prinsesa! Aba naman, Clara, katulong ka rito kaya umasta kang katulong. Hindi iyong ako pa ang nauunang magising sa’yo.” Panay ang litanya ni Madame Sofia habang taas-baba akong minamata.             “Sofia.” Mariin ang boses ni Archie mula sa pintuan. “Tama na. Kanina mo pa sinisita iyang bata.”             “Anong bata? Dise-otso na ito kaya dapat lang na matuto kung gustong magtagal dito sa atin,” laban ng kaniyang asawa. “At pwede ba? Huwag mo ngang pinagtatanggol itong si Clara. Sinasanay mo kaya lumalaki ang ulo at nagiging pabaya sa trabaho! Pare-pareho kayo!”             Napalunok ako ngunit hindi na nag-angat pa ng tingin. Binilisan ko na lang ang pamamalantsa at inabot kaagad kay Madame Sofia. “Ito na po.”             “Salamat naman at pwede na kaming pumasok!” irap niya. “Pagkatapos mong magligpit dito ay diligan mo ang mga halaman. Linisin mo rin ang sala dahil may mga bisita kami mamaya.”             Tumango-tango ako. Diskumpyado lang itong umiling pagkatapos ay tumalikod na. “Ang bata-bata kasi ng kinuha… Sayang lang ang pinasusweldo…”             Pinaglaruan ko na lang mga daliri. Nang sinubukan kong mag-angat ng tingin ay naabutang tiim-bagang si Archie sa asawang papalapit.             “Gregory Diaz is already waiting for us. I called earlier and requested a reconsideration. Apologize to him–”             “You did… what?” Tumaas ang boses ni Archie.             “Tinawagan ko si Greg at pinakiusapang kung pwede ay ibenta sa atin ang planta. Mabuti nga at pumayag–”             Nang marinig ang sarkastikong halakhak ni Archie ay nanginig ang aking mga labi.             “Sige, Archie. Sige! Tumawa ka! You call yourself a CEO but you don’t even have the balls to make a tough decision!”             “I already did. At ang desisyon ko ay ang hindi makipag-areglo! Wala akong panahon sa mga taong katulad ng mga Diaz. But... it’s not surprising anymore that you went behind my back again. Because, Sofia, honey, you do not respect me in the company the same way that you do not respect me here in our goddamn house!”             “Alam mo kung bakit?” Humina ang boses ni Madame Sofia bago umakyat at nangibabaw muli. “Because I hate you. I f*****g hate you so damn much, Archie! God, I can’t even remember why I loved you before. Sawang-sawa na ako sa buhay ko kasama ka. Sawang-sawa na ako sa kasal natin. Sawang-sawa na ako sa’yo, Archie!”             Pagkatapos ng kaniyang deklarasyon ay napuno ng katahimikan ang kusina. Nanlamig ang aking sikmura sa mga narinig. Mula sa aking kinatatayuan ay kitang-kita ko kung paanong kinalma ni Archie ang sarili.             Sinapo ni Madame Sofia ang noo at bumuntong-hininga. “I had a tough night, I’m sorry. Hindi kasi pumayag ‘yung isang investor natin… Let’s go to work?”             Wala itong napala dahil seryoso lamang ang mukha ng asawa. Pumungay ang aking mga mata, nananakit ang dibdib. Isang buntong-hininga pa ang pinakawalan ni Madame Sofia bago tumalikod at umalis.             “Bahala ka! Papasok na ako! See you at the meeting!” pahabol nitong sigaw.             Pagkatapos ay dumating na naman ang isang mahabang katahimikan. Puso ko ang nadurog.             Araw-araw na ganito. Walang hanggang sigawan at sakitan. Mga bagay na hindi mababawi ng isang sorry lang.             Dahan-dahan akong naglakad patungo sa direksyon ni Archie. Umigting ang kaniyang panga nang magtama ang aming tingin. Nagbigay ako ng isang malungkot na ngiti.             Hindi na ako nagulat nang tinatlong hakbang niya ang aming pagitan. Hindi ako umiwas nang lumapat ang kaniyang mga labi sa akin.             Malalim kaagad ang atake ng kaniyang halik. Mainit at marahas. Kinukuha ako nang buong-buo, walang pinalalampas. Sa bawat hagod ng kaniyang mga labi ay naramdaman ko ang bigat na araw-araw niyang dala. Nagpaubaya ako at sinubukang kuhanin iyon mula sa kaniya.             Pagkatapos ay humiwalay si Archie at mahigpit akong niyakap. Lalong nadurog ang puso ko.             Yumakap ako pabalik dahil iyon lang naman ang pwede kong gawin. Ang yakapin siya at iparamdam sa kaniya na hindi siya nag-iisa. Iyon ang mas malaking serbisyo ko bukod sa pagsilbihan silang mag-asawa.             Pero sa anong kabayaran?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.9K
bc

His Cheating Heart

read
41.7K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
269.8K
bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
316.1K
bc

The ex-girlfriend

read
139.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook