“Archie! Lumabas ka riyan! I know you’re in there so get the hell out!” Nag-echo ang ubod ng tinis na boses ni Madame Sofia. “Archie, lumabas ka riyan sabi!” Agad kaming nagkatinginang dalawa, hingal na hingal at basa ang parehong mga labi. Sa pagkakataong iyon ay nawala ang lahat ng nararamdaman ko. Lumipad ang lahat ng nasa utak ko at ang tanging natira lamang ay takot. Solido at konkretong takot dahil ang asawa ni Archie, ang totoong kaniyang maybahay at ang aking boss din ay... nasa labas lang! Hindi ko alam kung ano ang nangyari o kung ano ang maaaring ginawa ni Archie pero tono pa lamang ay ramdam mo na ang kaniyang galit. Umaapaw at umaatikabo. Nangatal ang aking mga labi. Nasaan na ang isang Sofia Delgado na para bang

