Mula sa langit ay umihip ang banayad na langit, nilalampasan ang kalawakan ng banayad na tubig upang taluntunin ang aking balat. Tumaas ang aking mga balahibo sa kanilang mga pagyakap. “Bakit mo naman natanong iyan, Clara?” ani Mama sa kabilang linya. Hinawi ko ang kanina pang sinasabog na buhok at isinabay na rin ang aking mga luhang kanina pa bumabagsak. Ang sabi ni Mama… hindi daw nila kasalanan. Hindi… ko kasalanan… Na marahil ay nagmahal lamang ako at hindi iyon napigilan. Pero hindi ko kasalanan dahil ang sisi ay sa aking pinagbigyan at tumanggap ng aking pagmamahal. Si Papa… at si Archie. Hindi ko kasalanan. Pero… bakit ang hirap paniwalaan noon? Bakit ang gusto ko lamang sisihin a

