Kinagabihan ay pareho na kaming kumalma ni Archie. Gusto ko ngang humingi ng dispensa dahil sa halip na siya ang dapat na tutulungan ko ay ako pa ang inalo niya. Pero hindi ko rin kasi mapigilan ang sarili kong bumulusok kanina. Nagpaubaya na lang ako sa sakit na nararamdaman ko dahil... nang makita ang matinding pag-aaway nila ni Madame Sofia ay parang bumalik ako sa pagkabata. Naalala ko iyong mga pag-aaway nina Mama at Papa. Iyong kung paano sila magsigawan at magbatuhan ng mga gamit. Ang tanging kulang na lamang ay ang sakitan na mangyayari... na madalas gawin ng aking ama sa aking ina. Akala ko kanina ay iyon na ang mangyayari nang muntik na sampalin ni Archie ang asawa pero sa awa ng langit, hindi naman dahil napigilan. Kapag nangyari iyon ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Baka

