“Clara! Ganito ang gagawin mo kapag gusto mo silang tawagan–” Sa gilid ng mga mata ko ay napansing ko ang biglaang pagtigil ni Rodel. “Clara? Naiintindihan mo ba?” Bumaling sa akin. Nilingon ko naman siya at tinaasan ng kilay. “Narinig mo ba ang mga sinabi ko?” tanong niya. “H-Ha?” Bahagyang umawang ang aking bibig. Luminga-luminga ako sa paligid sabay tingin sa screen ng computer kung saan naka-open na ngayon ang bago kong gawang f*******:. “Oo… Oo… Sige, ituloy mo…” sabi ko. Kaninang umaga kasi ay hindi nakapasok ang isang naming prof at may sakit. Late na kaming naabisuhang magkakaklase. E sa halip na umuwi ako dahil sayang din iyon sa pamasahe ay naisipan kong sa library na lamang tumambay. Sakto namang naroon si Rodel na inaya kong turuan gumamit ng kung anu-anong site sa in

