Sobrang lakas ng ulan kanina sa school. Ngayong nasa sasakyan na kami ay hindi na masyado. Patak-patak na lamang pero ang iniwan nitong lamig at gulo ay hindi pa rin nawawala. Dagdagan pa ng lamig ng aircon ng kotse ay talagang tumataas ang mga balahibo ko. Ngunit... kung ako nga itong tuyo ang mga damit ay nilalamig, paano pa kaya siya na paniguradong kanina pa babad sa ulan? Siguradong natuyuan na rin siya ng likod at baka maaari pang magkasakit kinabukasan. Inalis ko ang tingin sa kanina pang pinanonood na mga patak ng ulan na nagpaparami at dumadausdos sa bintana ng kotse. Kinagat-kagat ko ang aking pang-ibabang labi, naghihintay ng tamang tiyempo na ibaling naman sa kaniya ang tingin. At nang iyon nga ang aking ginawa, tumaas na naman ang aking mg

