Sa mga mumunting sinag ng araw ko ibinukas ang aking mga mata. Umaga na pala. Inangat ko ang katawan pero sa halip na ang malambot na unan sa kama ang pinanggalingan ay ang matigas na lamesita kung saan ang istasyon ko kapag nag-aaral. Napahawak tuloy ako sa batok ko na nananakit marahil ay sa matigas na papag na iyon idinantay ang ulo buong gabi. Nang ibinagsak ko ang tingin ay nagmarka roon ang aking natuyong mga luha. Nang tingnan ko naman ang mga damit ay hindi pa rin pala ako nakakapagpalit. Umawang ang aking bibig. Dalawang beses akong napakurap, inaalala ang panaginip kagabi. Pinuntahan ko raw si Archie... Inakyat sa kwarto at pinasok sa banyo... Sabay sabing... “Mahal kita...” Tulala kong sin

