"Naiintindihan mo ba, Archie?" tanong ko, sinusubukang pigilan ang bawat paghikbi. "Naiintindihan mo ba ang mga sinasabi ko?" Kailangan ko pang ulitin ng dalawang beses iyon dahil nanatili lamang na mga titig niya sa akin. Naroon pa rin ang gulat sa kaniyang mga mata na kanina sa unang mga segundo ay talagang ebidenteng-ebidente. Ngayon ay mukhang papahupa na iyon sa bawat segundong lumilipas. At sa tuwing lilipat ang oras, pakiramdam ko ay unti-unti na rin akong nanghihina at nawawalan ng pag-asa. Oo, hindi nga ako humihingi ng kapalit. Kailan may ay hinding-hindi ako manghihingi ng kapalit. Tanggap ko na kasi sa puso kong ako lamang ang nagmamahal dito kahit na... may nasabi na si Archie tungkol sa kaniyang mga nararamdaman para sa akin noon. Ngunit... masama na bang maghangad ng kas

