Kabanata 33

2705 Words

            “Saan kayo galing?”             Nangyari ang lahat ng iyon sa iisang pagkakataon: ang pagbukas namin ng pinto, ang pagsalubong ng pamilyar na boses at ang pagkawala ng aming mga ngiti. Agad kaming nagkatinginan ni Archie, ang kung ano mang pinaguusapan kanina ay tuluyan nang naglaho.             Ilang segundong pagsulyap sa akin ay ibinaling din niya ang mga mata sa naghihintay na asawa sa sala.             “Sofia...” Umigting ang panga ni Archie.             Napalunok ako at dahan-dahan din itong nilingon. Mula sa pintuan ay tanaw na tanaw ko si Madame Sofia sa sala, prenteng nakaupo sa couch at may hawak na isang baso ng pulang alak. Kakulay nito ang kaniyang suot na manipis na roba... na halatang nagkaroon na ng mga lamat at lukot marahil sa matagal na paghihintay.    

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD