Nakarating na nga kami sa bahay pero isang malaking palaisipan pa rin ang lahat. Takang-taka pa rin ako kung bakit niya ko sinundo. Minsan lang yata ginawa ni Archie iyon sa akin e, noong bumili lang kami ng iilang mga kakailangan kong gamit sa school. Ngayon na lang ulit naulit. Naalala ko rin tuloy ang iyong sinabi niya kanina na kapag maaga siyang makakauwi ay iyon nga ang kaniyang gagawin, ang sunduin ako. Ayos lang naman sa akin. Pero... hindi irn naman kami nakapag-usap e. May tumawag kasi kaagad kay Archie, saktong pagkahatid sa akin sa bahay. Kinagabihan ay iyon pa rin tuloy ang laman ng isip ko. Partikular na iyong pagpunta ni Archie sa aking school at ang pagkikita nila ni Rodel. Si Rodel, una pa lang ay tantiyado ko nang medyo ayaw niya sa mga Delgado... o baka sa mga mayaya

