bc

Krezia's Vow (Short Story/Completed)

book_age12+
137
FOLLOW
1K
READ
HE
stepfather
lighthearted
assistant
like
intro-logo
Blurb

Wala akong masabi, kundi, sobrang swerte ko na nakilala ko ang isang tulad mo, Vince. Nawalan ako ng amor at paniniwala sa pag-ibig nang iwan kami ni Papa pero binago mo lahat yon. Salamat, dahil…dahil, ah basta, napaka genuine mong tao. Napaka ganda ng mga ngiti mo. Mapagkumbaba ka kahit napakayaman mo. At higit sa lahat, pinaalala mo na ayos lang maging mahina. I love you, Vince Elizaldee Zandallo. - Krezia's Vow

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Hi, Krezia!” “Ah?!” nakakunot at naka-awang ang bibig na buntong-hininga ni Krezia sa sobrang dismaya. “Ang aga-aga, Nelson! Tsk! Wala pang barya ang tindahan namin. Tabi.” “Ah hindi ako bibili. Bumati lang ako, sabi kasi Nanay dalhan daw kita ng ihaw-ihaw,” habol ng lalaki kay Krezia. “Nelson,” sabi ni Krezia saka huminto sa paglalakad at humarap ulit sa lalaki. “Alam ko, umangkas ako sa motor mo kagabi dahil kailangan ko na talaga makauwi, pero hindi ibig sabihin non, ay tayo na!” Mariin niyang pagkakasabi. “Pero…” “Argggh! Nelson itigil mo…Teka, base sa itsura ng mukha mo ngayon, wag mong sabihin na may pinagkwentuhan ka na?” sigaw ni Krezia. “Ah, kay Nanay lang naman,” “Sa nanay mo lang naman? Talaga? Kay Manang Nimfa ? Eh takot na takot sa chismis yon! Sa barangay pa natin?” “Oooh! Ang aga-aga naman nag-aaway ng magkasintahan,” sabat ng isang grupo ng mga babae na dadayo ng ilog para maglaba. “Bwisit!” martsa palayo ni Krezia. “Krezia!” sigaw ni Nelson habang nakabuntot. Natigilan lang si Krezia nang makasalubong niya ang kaniyang kapatid na si Nick na may hawak na megaphone at sa likuran nito ay ang mga pinsan niyang lalaki. “Magandang umaga, Barangay Tabing-Ilog, kung saan ang mga tao ay allergic sa chismis! Dahil puyat na puyat kami sa pagtatanod, marami kaming narinig na gusto naming linawin,” announce ng kaniyang Kuya Nick. “Magtipon tayo! Bilisan niyo, o maiinip ako!” Kani-kaniyang labasan sa kanilang mga bahay ang mga tao roon. Ang iba, akala mo’y pinilit pa pero atat rin naman malaman ang balita. “Kuya, ano yan?” saway ni Krezia. “Kami ng bahala bunso!” usal ng isa sa mga pinsan niya na naglakad papalapit kay Krezia saka umakbay. “Gusto lang namin ipaalam na hindi na po magtitinda ang tindahan namin ng candy dahil wala na kaming pambarya sa 500 ni Nelson na bumibili lang naman ng isang candy sa loob ng sampong taon dahil nililigawan niya raw si Krezia…wala na rin kasing mag-aabot kasi, opo, may trabaho na si Krezia. Sa bayan! Malayo rito at opo, kakahiya man eh, makaka-ahon na ho talaga kami sa kahirapan! Kaya subukan niyo ring gumalaw ng may magbago naman sa inyo at hindi lang chismis ang bumubuhay sainyo. Kaya ho, malabong maging si Krezia at Nelson dahil aalis na po si Krezia dito! Salamat po! Sige bumalik na kayo, nababanas ako sa inyo!” pagtatapos ng kaniyang Kuya Nick. Sa sobrang hiya ay mabilis na tumakbo pabalik sa bahay si Krezia at padabog na umakyat sa kwarto para ituloy ang pag-iimpake. "Krezia apo, halika nga rito," tawag ng isang matanda sa dalagang abala sa pag-iimpake ng mga damit sa maleta. "Bakit po, Lola?" sagot ng dalaga nang itigil muna ang ginagawa at naglakad papalapit sa matanda. "Ipasok mo nga muna itong sinulid sa karayom," mahina ang boses na pakiusap ng matanda. "Oh, eto na po," sabi ng dalaga nang maisuot ang karayom. "Salamat, apo." "Always welcome, Lola," nakangiti na sambit ng dalaga sabay naglakad na pabalik sa ginagawa. "Krezia," tawag ulit ng matanda. "Po, Lola?" malambing na sagot ulit ng dalaga na napatigil sa paglalakad at marahang humarap sa matanda. "Mainit na ba ang tubig na ilalagay sa ililigo ko?" "Opo, Lola. Inilagay ko na sa thermos," nakangising sagot ni Krezia. "Eh, yong bang mga unan ko ay nakasalansan na para sa pagtulog ko mamayang tanghali?" tanong na naman ng matanda na diretso lang sa pagtatahi. "Opo, Lola ko. Nakaayos na rin ho ang mga gamot na iinumin mo sa pang-araw-araw. Nakapamalengke na rin ako ng isang linggong makakain, tapos, naibilin ko na ho ka Kuya Nick ang iba pang mga kailangang gawin habang wala ako," isa-isa ni Krezia, habang nakatingin lang sa matanda. "Apo," malamlam ang boses at maririnig na ang pagbasag ng boses nito habang nakatungo. "Ah, Lola naman eh. Isang linggo lang ako mawawala, tapos uuwi rin. Kung matatanggap ako after training, araw-araw pa rin naman akong uuwi rito," paliwanang ni Krezia at saka mabilis na sumunggab ng yakap sa matanda. "Pag nagkataon Lola, magkaka-apo ka na." Suyo pa niya sa matanda habang nakaluhod sa harapan nito at marahang hinahaplos ang buhok. "Pangako?" biglang sumigla ang matanda at excited na iniangat ang tingin kay Krezia. "Promise! Pero habang wala pa, may mga bago akong biniling libro, nasa kaliwang bahagi ng kama. Panigurado, maalala mo Lola ang matatamis na sandali niyo ni Lolo. Hanggang 10 pm lang ang pagbabasa, ok?" kumindat pa si Krezia saka niyakap ang matanda. "OH, siya sige. Tumalikod ka na at susuklayin ko ang buhok mo," utos ng matanda. "La, naman eh, 25 na ako," "Isa!" At madaling sumuko si Krezia at umupo patalikod sa harapan ng matanda. Masayang siyang tumitig sa labas ng malaking fiber-glass na double-sliding door ng kwarto ng kaniyang lola. Matatanaw ang dagat mula rito, at alam niya na kahit isang linggo lang siya na malalayo ay panigurado na hahanap-hanapin niya ang mapayapa at masarap na samyo ng hangin rito sa simpleng lugar na kaniyang kinalakhan. "Gising na, ok na!" Naalimpungatan si Krezia sa boses ng kaniyang lola. "Nako po, nakatulog na naman ako," ungot ni Krezia na nagmamadaling tumayo at tumakbo sa inaayos na mga gamit. "25 pala ha," nanlolokong saad ng matanda. "Lola kasi, alam naman na kahinaan ko kapag sinusuklay ako," natatawang sabi ni Krezia habang aligaga na sa pagsilid ng mga gamit sa bag. Nang makatapos ay nagdiretso na si Krezia sa ibaba ng bahay habang hirap na hirap sa pagbitbit ng maleta at isang napakalaking bag. "Krezia, ingat sa training. Galingan mo!" bati ng isa sa kaniyang mga tita. "Opo, tita!" sagot ni Krezia habang busy sa pag-cellphone nang maibaba na sa sala ang mga gamit. "Krezia, wag agad mag-boboyfriend ha! Alam mo na, marami pang utang na babayaran," usal naman ng isa pa niyang tita na di na halos maunawaan ang sinasabi sa dami ng kinakain. "Ah opo, tita. Alam ko po 'yon," awkward na sagot ni Krezia. "Krezia, nako, si Manang Sita, may pabaon sayong tuyo at bagoong, saka si Nanang Lena, nagbigay naman ng pulang itlog," singit naman ng kaniyang tito na umakbay pa kay Krezia. "Krezia, inaasahan ng lahat na magiging matagumpay ka. Ang ninong at ninang mo, excited rin, kaya wag mo kaming bibiguin," habilin ng kaniyang ina saka inabutan siya ng pera. "Opo, Ma! Akong bahala," lunok-laway na sagot ni Krezia. "Nako, ang matalino kong apo. Ang mga kasamahan kong lola sa pag-zuzumba, sabi goodluck raw!" beso ng isa niyang lola, nakakabatang kapatid ng lola Irma niya, ang matanda na kausap niya kanina. "Balita ko, marami raw gwapo at mayayaman na engineer sa pagtatrabahuhan mo. Mag-uwi ka ha! Sige, una na ako." Napanganga na lang si Krezia at saglit na natulala sa kaguluhang nangyayari sa paligid niya. Dama na agad niya ang pagod kahit di pa man siya nakakaalis. Parang sasabog na ang kaniyang ulo sa pag-proseso ng lahat. Ang kaniyang pawis ay malamig at tumutulo na mula sa ulo, pababa sa kaniyang leeg hanggang sa kaniyang baywang. "KREZIA!" sigaw ng isang lalaki mula sa pinto na umagaw sa pansin ng lahat. Nagsitahimikan ang mga tao sa loob at labas ng bahay na nag-aabang sa pag-alis ni Krezia. "Ah, hello po. Sunduin ko na ho si Krezia. Mali-late na ho kami!" paalam nitong matipuno, matangkad, maputi, at gwapong lalaki na sumigaw kani-kanina lang habang isa-isang dinampot ang mga gamit ni Krezia at binitbit palabas. "Ba-BYE!" maiksi at nagmamadali na paalam ni Krezia na tila kung pwede nang lumipad agad-agad ay gagawin na niya para lang makalayo sabay patakbong sumakay sa kotse ng lalaki. "Seatbelt," ngiti ng lalaki. "Wag kang ngingit-ngiti riyan, Leo at baka makapanakit ako ng wala sa oras," iyamot at seryosong usal ni Krezia. "Yes, mam!" pagsuko ni Leo at mabilis na pinaharurot ang sasakyan palayo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook