Chapter 2

1393 Words
Bukas na libro ang buhay ni Krezia. Kulang na lang kasi, kahit pagpunta sa banyo ay malaman na rin ng mga tao sa buong barangay nila. Bukod sa nakakatuwang kulot na buhok, matangos na ilong, medyo may kaputian na balat, matangkad, hazel-brown na mga mata, maninipis na mga labi, kay gagandang mga ngipin, at balingkinitan na pangangatawan, hinahangaan ng mga tao ang taglay na talino at abilidad ni Krezia. Mula, elementarya hanggang hayskul, nagtapos si Krezia bilang valedictorian. Pagdating naman ng kolehiyo, bagamat di nakapagtapos ng may mataas na parangal sa kursong civil engineering, sa mix-martial arts siya tumatak. Kung saan niya nakilala si Leo. Sa loob ng limang taon, silang dalawa ang kinilala na pinakamagagaling sa larangan ng mix-martial arts. Mailap ang ugali ni Krezia sa ibang tao. Kaya nang magkalaban sila ni Leo ay agad na namangha itong binata sa kaniya. Di naglaon ay marami ang nainggit kay Krezia. Pero para rito kay Leo, challenging. Hanggang ang paghanga ay lumalim at nagkagusto na ito kay Krezia pero inisip na lang ng binata na wag na lang ipaalam dahil baka pati pagkakaibigan ay mawala kung mag-aasam ng sobra. Alam rin kasi nito na mas higit ang nais ni Krezia na matupad ang mga pangarap sa pamilya. Kaya, hanggat di pa natutupad ni Krezia ang mga pangarap ay matiyagang umaalalay si Leo sa abot ng makakaya. "Andito na tayo," usal ni Leo kay Krezia na nakatulog na sa halos mahigit tatlong oras na biyahe. "Ah, andito na ba. Sige, salamat." Inaantok na pasalamat ni Krezia kay Leo na pumihit pa patagilid ng higa dahil tinatamad pang bumaba. "Gising na! Mali-late ka!" pagbabanta ni Leo kahit sa loob-loob naman ay nag-eenjoy pa titigan si Krezia. "Tsk! Sige. Sa tingin ko naman ay bayad na ako sa pamasahe paparito," usal ni Krezia habang nag-uunat at nakapikit pa rin ang mga mata. "Ano?" kinakabahang tanong ni Leo. "Wag ako. Enjoy na enjoy ka na titigan ako kahit diyan sa side mirror. Itigil mo na, Leo. Di kita magugustuhan pabalik," walang kagatol-gatol na usal ni Krezia habang inaayos ang buhok. "Alam ko naman yon. Kaya itigil mo na rin ang pagmamaganda," pilit na tinatago ang sakit na sagot ni Leo. "Pag ikaw, nakahanap ng katapat mo, at di ka nagawang mahalin pabalik, wag kang iiyak-iyak sakin." Magkasabay silang bumaba ng kotse at pinagtulungan na ibaba ang mga gamit. "Teka, bakit ang daming gamit?" bulalas ni Krezia. "Bakit, ikaw lang ba magti-training?" sagot ni Leo. "Ha?" "Zia, di man ako ipinanganak na kasing talino mo, mayaman naman ako. Kung tutuusin nga di mo na kailangan mag-training eh," pagmamayabang ni Leo na preskong-presko sa sarili habang nakatingin sa napakataas na building sa kanilang harapan. "Wow, iba talaga. Lubayan mo ko, di ko kaya ang ganiyang kayabangan," kunot-noo na pag-reklamo ni Krezia. "Pero sa totoo lang, alam ko naman kasi na masyado kang ligawin ng g**o, kaya naisip ko, baka mamiss mo ko," biro pa ulit ni Leo kay Krezia na naging sanhi ng mas pag-asim ng mukha niya. Ibang kurso ang tinapos ni Leo. Pero dahil, mapera, nagagawa ang kahit ano lalo at para kay Krezia. Marahas na hinila ni Krezia ang kaniyang mga gamit at iniwan na si Leo saka naglakad patungo sa building. May mga babae at lalaking naka-uniporme ng kulay dark-blue and sumalubong kay Krezia sa entrance . "Ms. Krezia Elliazar, trainee number 56, sa room 504 po kayo naka-assign. Planning and Design, tama ho ba?" magalang at propesyunal na tanong ng babae sa pinaka-unang hilera ng pila. "Opo," sagot ni Krezia na maghang-mangha sa eleganteng interior design ng building ng kumpanya na pagti-trainingan niya. Dagdag pa nga ang high-class na pakikitungo ng mga empleyado rito. Laking paghanga niya sa kaniyang sarili sa oportunidad na nakuha nang makapasa sa exam na ibinigay nitong KVN Building Corp. Madami ang humusga na kesyo babae siya pero alam niya sa sarili na kaya niyang makipagsabayan kahit sa larangan na ang higit na namamayagpag ay mga kalalakihan. "Welcome, Ms. Elliazar. Let's build a stronger future," bati ng lahat sa kaniya. Agad siyang nagtungo sa fifth floor, lulan ng elevator at matiyagang nakipagsiksikan sa maraming tao. Pero kahit ganon ay maingat niyang hinawakan ang key card at ID na iniabot ng babae kanina. Pagkalabas ng elevator ay mabilis niyang nahanap ang Room 504 at pumasok rito. "Ayos, maganda," bulong ni Krezia sa sarili habang tahimik na hinahangaan ang kwartong kaniyang titirhan sa loob ng isang linggo. "Oo, tama ka. Maganda nga," usal ng isang lalaki sa likuran ni Krezia na kaniyang ikinagulat. Hindi pamilyar ang boses at dahil alam niya na mag-isa lang siya sa kwarto ay agad niyang ibinalibag ang lalaki sa sahig sa pamamgitan ng simpleng steps sa mix-martial arts na natutunan niya as self-defense. Pero imbes na gumanti ang lalaki ay napalaki na lang ang mata ni Krezia nang humingi ito ng paumanhin. "So…sorry…nagulat kita," impit ang boses ng lalaki habang inaayos ang salamin na suot nito. "Sino ka? Bak…" naalintana ang sasabihin ni Krezia nang may isang anunsiyo mula sa maliit na speaker ng kwarto ang umalingawngaw. [Good day, Trainees! Inaasahan ang lahat mamayang ika-labing-isa ng umaga sa third floor pagkatapos na maiayos ang mga gamit at makapagpahinga. Magsuot ng semi-formal attire!] Dinig mula sa kabi-kabilang kwarto ang kaguluhan nang matapos ang announcement. Maging si Krezia ay nagkukumahog na tumakbo patungo sa kama at binuksan ang maleta para maghanap ng masusuot. Nalimutan na niya ang lalaki na kaniyang inihampas sa sahig. "Eto…ah eto na lang, sige, ok na ito," wika ni Krezia sa sarili saka madaling dinampot ang towel at ilang toiletries na gagamitin sabay takbo sa c.r. "Ahm, teka…"aawat pa sana ang lalaki na katatayo lang mula sa pagkakahiga sa sahig pero binangga lang ni Krezia ito. "Tabi!" maawtoridad na usal ni Krezia. Isang oras na lang at magi-eleven na rin naman kaya mas maigi na rin na handa na, sa isip-isip ni Krezia. Baon niya ang ekspektasyon ng lahat ng kaniyang pamilya kung kaya't di maaaring may masayang na pagkakataon. "Excuse me," turan na naman ng lalaki nang makalabas sa banyo si Krezia pero nilagpasan lang ulit ito. Nang matapos si Krezia sa paghahanda ay ipinusod lang ng maayos ang buhok at akma na sanang lalabas ng kwarto pero, natigilan siya. Umiiling pa siyang pumihit paharap sa lalaki. "Trainee ka ba?" bakas sa boses ni Krezia ang pagsuko nang tanungin ang lalaki na nakatayo pa rin sa iisang pwesto kanina pa. "Ah, oo," masiglang sagot naman ng lalaki. "Eh bakit di ka pa nag-aasikaso?" nagtitimpi ang boses ni Krezia na kahit siya ay di maunawaan ang sarili sa kakaibang pakikitungo sa lalaki. "Pinatapos na kasi…" "Vince Zandallo, trainee 57, room 504," mabagal na basa ni Krezia sa ID nitong lalaki na natigil na sa sasabihin. "Ah, Vince ang pangalan ko. Nice to meet you. Ikaw, anong pangalan mo? Mukhang magka-room tayo…" "Nabasa ko nga. Hm. May kutob ako, at sa tingin ko, kailangan mo na maghanda. Iintayin kita, bilisan mo!" bulyaw ni Krezia kay Vince. "Ha?" "Ano, ako pa magbibihis sayo?" mataray na bulyaw ulit ni Krezia. "Ah, hindi-hindi!" aligagang sunod ni Vince na nagkanda-kalat-kalat na ang mga damit sa maleta sa paghanap ng susuotin. Maiiyamot na sana si Krezia, pero agad na lumubag ang loob niya nang makita ang mga gamit ni Vince. "Tulungan na kita," buntong-hininga ni Krezia saka binuhat ang maleta nito sa kama at siya na ang namili ng susuotin. "S…salamat," wika ni Vince. Umiling-iling na lang si Krezia at madaling dumampot ng sa tingin niya ay babagay kay Vince. "Ito, suot mo na. Bilisan mo," kalmado na ang boses ni Krezia. Mabilis naman nakapagbihis si Vince. Napangiti pa si Krezia nang mapansin ang malaking pagbabago sa itsura ni Vince nang makapag-suot ng polo. "Ok na, ba?"nahihiyang tanong ni Vince. "Oo. Eto, marunong ka ba magsuot ng necktie?" "Ahhh…" "Sige ako na, baka matagalan pa tayo." Mabilis na putol ni Krezia kay Vince. Habang inaayos ang necktie, di mawari ni Krezia ang nararamdaman habang sinisipat si Vince. Kung tutuusin ay gwapo itong Vince. Maganda at medyo singkit ang mga mata, matangos ang ilong, makapal ang mga kilay, maganda ang mga labi kaya maganda kung ngumiti iyon nga lang, mas matangkad pa si Krezia rito. Pero, mababakas ang magandang pangangatawan nito. "Ayos na. Tara!" sabi ni Krezia at pansin ang pamumula ng mukha ni Vince nang haplusin pa niya ang buhok nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD