Chapter 3

1636 Words
Malapit na mag-eleven nang makababa sila sa third floor. Malawak na open hall ang third-floor at di na magkamayaw ang mga tao roon. Napaka-ingay at napakagulo. Nang makapag-log in sina Krezia ay di niya maiwasang mapansin ang malalalim na paghinga ni Vince habang lilingon-lingon sa paligid at ang matinding pamamawis nito kaya't lumabo na ang salamin. "Vince, wag kang bibitaw sa kamay ko." Turan ni Krezia kay Vince at saka hinila na ito papasok. Si Krezia na ang naghawak ng ID ni Vince para mas sigurado. Nang makapasok ay agad na napansin ni Krezia ang pamilyar na boses na kilalang-kilala na niya. "Lumayo ka!" malakas na sigaw ni Leo sa isang babae na ayaw bumitaw sa pagkakahawak sa braso nito. "LEO!" tawag ni Krezia rito dahil malabong makarinig ito kung di lalakasan sa dami ng tao sa hall. "ZIA!" masayang sagot ni Leo at mabilis na tumakbo papunta kay Krezia pero agad na sumama ang mukha nang makalapit. "Ayos ang porma, mukha kang matino," panloloko ni Krezia kay Leo. "Ikaw nga mukha kang tao," nakasimangot na sagot ni Leo habang nakatitig sa mga kamay ni Krezia at Vince. "Siya ang kasama mo?" turo ni Krezia sa babae na parang naka glue ang mga kamay sa braso ni Leo. "Oo. Eh ikaw, yan ba?" pabalang na tanong ni Leo na di pa rin inaalis ang tingin sa mga kamay nina Krezia. "Grabe, parang di tao kung makatukoy. Si Vince," "Tsk!" ismid ni Leo. "Eh siya, anong pangalan niya?" "Hi, ako si Janna!" masayang sambit ng babae at nag-abot ng kamay para makipag-shakehands. "Hello! Ang hirap ng exam no?" sabi ni Krezia pagkatapos bumitaw sa shakehands. "Ah, actually, di ako nag-exam. My family owns the fourth largest stocks sa company na to, kaya no choice ako kundi magtraining as soon tagapag-mana. Kagaya nitong si Leo, right? Magkababata kami," Napataas agad ang kilay ni Krezia at napangisi ng konti. "Oh, ano nginingisi mo riyan?" bwisit na sabat ni Leo. "Wala!" pagsuko agad ni Krezia. "Anong…" magsasalita pa sana si Leo pero natigil na ito. "Everyone! Welcome!" isang malagong na boses ang nagpatahimik sa buong hall. Sabay-sabay ang lahat na bumaling sa stage kung saan nagmula ang boses. "I am Phil, your Head Trainer, and I am pleased to announce that only 20 of you passed the first challenge of this training week! So that means, 10 pairs remain, and the rest, pwede na kayong umuwi," diretso at walang paligoy-ligoy na usal nong Phil sa unahan. Matagal na katahimikan ang nangibabaw sa buong hall bago magsimula ang di magkamayaw na iyakan. "s****m! Unang sigalot sa pagkakaroon ng maayos at pantay na working environment. Sampung pares lang ang nagtagumpay. Ang sampung pares na dumating rito ng magkasama at sabay na naglog-in na walang tanong at naging reklamo sa room scheduling ay ang pares mula sa mga room 201, 303 , 106, 708, 535, 642, 412, 124, 832, at 504." Napanganga na lang si Krezia ng marinig ang room nila at wala sa sariling nayakap si Vince na ni isang salita ay di manlang ginawa simula nang makarating sa hall. "Sabi ko na! Ang lakas talaga ng kutob ko!" sigaw ni Krezia at mabilis rin naman bumitaw sa yakap nang marealize ang ginawa. "Wow! Marunong ka pala non?" nakataas ang kilay na tanong ni Leo habang masama ang tingin kay Vince. "Ako rin. Tagumpay kami eh." "Bakit di yang katabi mo yakapin mo? Siya ang kapares mo di ba?" nakangiti na sambit ni Krezia at hindi pa rin binibitawan ang kamay ni Vince. “Mamamatay muna ko bago ko yakapin iyan!” masungit na sagot ni Leo na kung pwede na itulak si Janna ay ginawa na. "Ayos, Vince! Tagumpay tayo!" thumbs up ni Krezia kay Vince. Si Vince pangiti-ngiti lang at di alam ang sasabihin. "Ang sampung pares na nabanggit ay may nakalaan na welcome reward. Mag-enjoy kayo dahil bukas, at sa mga susunod na araw, matinding mga pagusbok pa ang haharapin ninyo hanggang dalawang pares na lang ang matira at makuha sa huli. Goodbye and see you!" paalam nitong Head Trainer. At di nga naglaon ay may grupo ng mga kababaihan at kalalakihan ang sumundo kina Krezia at inilibot sa buong building. "Di na malamig ang mga kamay mo," bulong ni Krezia kay Vince saka bumitaw na sa pagkakahawak. "Salamat. Sobra ang nerbiyos ko kanina," bulong pabalik ni Vince kay Krezia habang naglalakad sa ika-10th floor. "Kailangan ko masecure ang pwesto ko rito kaya kailangan kong makisama ka ng maayos, ha!" seryosong wika ni Krezia habang diretso lang ang tingin. "Ako rin naman!" "Aasahan ko iyan!" ngiti ni Krezia saka saglit na nilingon si Vince. Nang matapos ang tour, kumain lang sila sa restaurant sa first floor. Di na tumitigil sina Leo at Janna sa pag-aaway. Tapos wala namang ginawa sina Krezia at Vince kundi magtawanan. Pagkatapos ng dinner ay naghiwa-hiwalay na sila. "Ang mga damit mo, ibigay mo sakin, isasabay ko sa pag-laundry sa second floor," usal ni Krezia habang inaayos ang kama na pagtutulugan. "Inayos ko na rin ang mga gamit mo." Di naman sumagot si Vince kaya lumingon si Krezia rito. "Oy, chill ka lang!" sabi ni Krezia nang mapansin ang namumulang mukha ni Vince. "Kasi, baka di ka kumportable na…" "Vince, isipin mo lang na nag-cacamping tayo. Saka, lumaki ako kasama ng mga kuya ko kaya wala kang dapat ipag-alala. Matulog ka na at magpapa-laundry muna ako," sabi ni Krezia nang matapos ayusin ang division ng kama. Napakalaki ng laundry area ng building kaya di mahihirapan si Krezia. Mabilis siyang matatapos. Nang mailagay ang mga damit, naupo si Krezia sa bench sa harapan ng laundry machine. "Gusto mong kape?" alok ni Vince na kinagulat ni Krezia. "Sabi ko di ba matulog ka na," "Kakahiya eh," "Tsk!" Nagkwentuhan lang sila roon at agad rin namang nakabalik sa kanilang kwarto. Kinabukasan, maaga silang nagising sa announcement. Mabilis silang nagtungo sa first floor at naroon na nga sina Leo. "Buti ka pa, may tulog," matamlay na bati ni Leo. "Oh, eh bakit ikaw?" sagot ni Krezia. "Sa tingin mo, makakatulog ako sa kasama ko? Mamaya gapangin pa ako nito at pagsamantalahan!" gigil na turan ni Leo, na bakas nga ang puyat sa mga malalamlam na mata. "Excuse me? Baka nga ako ang gapangin mo!" bulyaw naman ni Janna pabalik. Umiling na lang si Krezia habang nakangiti nang maalala ang pwesto nila ni Vince nang una siyang magising. "Ok, andito na ba lahat?" biglang singit ng head trainer na si Phil. Sumang-ayon naman ang lahat. "Ngayon, kada pares ay may naka-assign na site na bibisatahin. Bago matapos ang araw, magpapasa kayo ng progress report. Eto ang mga plano at site location. Good luck!" saka umalis na rin itong Phil. Sina Krezia, napanganga na lang. "Paano ang sasakyan?" tulalang tanong ni Krezia. "Tsk! Malamang, sakin." Naka-cross arms at nagmamayabang pa na wika ni Leo. Nang makarating sa construction site, agad na sinunod nina Krezia ang protocols bago pumasok sa site. "Teka," pigil ni Vince kay Krezia. "Bakit?" tanong ni Krezia. Di na sumagot si Vince bagkus ay lumuhod na ito at itinali ng maayos ang sintas ng safety shoes ni Krezia. Chineck rin nito ang hard hat niya. "Sige, tara na!" mapagkumbaba na aya ni Vince. "Salamat," wika ni Krezia bago naglakad kasunod ni Vince. "Seryoso? May sakit ka ba?" biglang sabat ni Leo sa likuran na halatang iyamot na iyamot na sa kasama nito na si Janna. Magkasama pala sila sa iisang site. "Ikaw, pag di ka tumigil, makakatikim ka na!" bulong pabalik ni Krezia. "Yan ang totong Zia. Anong nangyayari?" "Manahimik ka na lang!" Lumipas ang maghapon at nakabalik na sila sa building na pinagti-trainingan nila. "Welcome back, trainees! Di na ako magpapaligoy-ligoy, may isang team rito ang magpapaalam na!" wika nong Phil. Bakas ang pagtataka sa mukha ng lahat dahil lahat naman ay nakapagpasa ng report. "Sir, nakapagpasa naman ang lahat," sabi ng isang lalaki sa kabilang grupo. "Hindi naman report ang usapan rito dahil nakapadali gumawa ng kapirasong papel. Ang totoong basehan rito ay kung paano kayo nakisalamuha sa mga tao sa mga designated sites ninyo, at kayo sa room 106 ang pinakapangit ang feedback mula sa mga trabahador roon. Tandaan ninyo, sila ang buhay natin. Kapantay natin sila, walang mababa at mataas." "Kung nagkataon, maaalis pala sana kami," bulong ni Leo. Natawa na lang sina Krezia at mabigat ang mga katawan na umakyat sa kani-kanilang room. Pagod na pagod sila. "Mauna ka na matulog, at magla-laundry muna ako," usal ni Krezia nang lumabas sa banyo at nakapagpalit na ng damit. Tumango lang si Vince sabay pumasok na sa banyo. "Ikaw pa talaga ang nagla-laundry ng damit niya?" bulalas ni Leo mula sa likuran ni Krezia. Nakatulala lang si Krezia sa laundry machine habang nakaupo sa harapang bench at nag-iintay sa nilalabhang mga damit. "Tahimik! Inaantok na ako," ungot ni Krezia at bahagyang umusog nang umupo sa tabi niya si Leo. "Ano ba talagang meron? Kakikilala mo pa lang sa kaniya pero ganyan ka na makitungo," seryoso at bakas ang lungkot sa boses ni Leo. "Hindi ko rin alam eh. Basta nang makita ko ang may mga butas at medyo luma nang mga damit ni Vince, lahat ng tapang ko, nahiya bigla. Alam mo na may special spot sakin ang mga taong mahihina. Pakiramdam ko parang kailangan ko silang protektahan, gabayan, alagaan," buntong-hininga ni Krezia. "Naaawa ka?" "Hindi naman sa awa, basta. Simula nang kupkupin kami ni Lola nang iwan kami ni Papa, pakiramdam ko, lahat ng nangangailangan dapat talaga tulungan," "Pag ba, naging mahirap ako, tutulungan mo ko?" "Tsk! Kung kaya mo maging mahirap!" "Wow naman! Iba ka talaga!" "Pwede, tumahimik ka na lang? Kahit anong gawin mo, hanggang ganito lang tayo. Saka, wala akong balak, pangarap muna," wika ni Krezia saka isinandal ang ulo sa balikat ni Leo. "Gisingin mo ako pag tapos na ha!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD