Chapter 4

1204 Words
Kinabukasan, nagising na lang si Krezia na mag-isa na siya sa kama. Dali-dali siyang tumayo at hinanap si Vince. Kahit inaantok pa, sobra ang kaba niya dahil baka mamaya bawas points pa kung maghihiwalay sila. Hindi pwede iyon, sa isipan ni Krezia. Nagmadali siyang naligo at nagbihis ng presentableng damit at bumaba na sa restaurant para sa umagahan. "Krezia." Napahinto si Krezia sa paglalakad nang may humigit sa kaniyang puting blusa at bahagyang napataas ito dahilan para makita ang kaniyang tiyan. Agad na nag-init ang ulo ni Krezia at mabilis na humarap. "Bwisit…" natigil naman si Krezia nang makita na namumutla si Vince na di pa rin bumibitaw sa pagkakahawak sa kaniyang blouse. "Anong nangyari sayo?" nag-aalalang tanong niya. "Masakit ang tiyan ko," namamawis na sabi ni Vince. Saglit na natigilan si Krezia dahil iniisip niya baka malate sila sa training. "Tsk! Tara!" hila ni Krezia kay Vince at bumalik sa kanilang room. "Kanina pa ba sira ang tiyan mo?" tanong ni Krezia habang nagkakalkal sa bag niya. Pero imbes na sumagot ay tumakbo na si Vince sa banyo. Napailing na lang si Krezia dahil tinanggap na niya na malilate talaga sila. "Oh, inumin mo 'to! Tapos pag di mo kaya, wag na natin pilitin," sabi ni Krezia nang iabot ang gamot sa tiyan na baon niya. Uminom si Vince ng gamot at hinawakan na ang kamay ni Krezia. "Tara," mahinang sabi ni Vince. "Pero, di ba…" nag-aalinlangan na tanong ni Krezia. "Ok na to, may gamot na eh. Kailangan natin 'to diba?" ngiti ni Vince kay Krezia. Tumango naman si Krezia at nagtungo na sila sa ibaba. "Ang tagal niyo, kumain na kayo at may seminar tayong pupuntahan pagkatapos ay pupunta tayo sa site dahil magchi-check tayo ng mga materyales," salubong sa kanila ni Leo na nakasimangot na agad dahil magkahawak-kamay na naman sina Krezia at Vince. Isang oras na biyahe bago sila nakarating sa venue ng seminar. Marami ang naroroon kaya sa likurang bahagi na sila nakapwesto. Kaso, di pa nga sila nagtatagal sa seminar, namimikit na agad si Krezia. "Ok ka lang?" bulong ni Vince kay Krezia. "Oo. Bwisit, kalaban ko ang mga ganitong klaseng gawain kahit nong nag-aaral pa ako," ungot ni Krezia na daig pa ang nakainom. "Sige na, makinig ka na!" Three hours ang lumipas at nagising na lang si Krezia sa mahihinang tawa. "K…Krezia, gising na, tapos na," bulong ni Vince. Nang maalimpungatan si Krezia ay laking gulat na lang ni Vince nang i-angat ang tingin ng inaantok na dalaga habang nakangiti pa at sobrang lapit ng mga mukha nila. "Tapos na?" nakapikit pang tanong ni Krezia. "Ah, oo." Namumula na pagpipigil sa tawa ni Vince. "Oh, tapos na kayo?" sabat ni Leo sa kabilang gilid ni Krezia. "Tara na, may pangarap pa, diba?" Nagtungo na sila sa site at ginawa na ang dapat gawin. Lumipas ang mga araw at mas lalo pang lumalim ang samahan nina Krezia at Vince. "Hawakan mo ang kamay ko," humihingal na alok ni Vince. "Iwan mo na ako!" Sigaw ni Krezia, habang takot na takot na nakakapit sa isang metal na tubo ng scaffold. "Hindi! Ayoko! Kahit di na tayo grupo, di ako aabot rito kung di dahil sayo. Di kita bibitawan, promise!" ngiti ni Vince na kahit namumula na rin eh pilit na pinapalakas ang loob ni Krezia. Malakas ang pangangatawan ni Krezia dahil sa mga ensayo niya sa mix-martial arts at matapang sa lahat ng bagay, pero pagdating sa mga heights, lahat ng lakas niya ay nawawala. Ito ang huling obstacle sa pagsubok na ibinigay sa natitira pang sampong trainees. "Iwan mo na ako!" halos naiiyak na si Krezia. Imbes na magsalita pa bumaba ito papunta kay Krezia saka kinuha ang safety harness at ikinabit sa bewang nito. "Sabay tayo!" wika ni Vince at pumwesto na sa likod ni Krezia. Nasa ikalimang palapag na sila at lima na lang ang aakyatin. "Kakabwisit ka!" nanginginig na wika ni Krezia habang takot na takot na humakbang. Lumagpas sa ikaw-anim, ika-pito, mabagal man ay sigurado naman. Hanggang sa makarating sa ika-sampo. "Sabi ko sayo, kaya eh!" mahinahon pa ring wika ni Vince habang nag-aalis ng harness at sobrang proud na nakatingin kay Krezia. Imbes naman sumagot si Krezia ay mabilis na itong tumakbo papunta sa c.r at marahas na sumuka. Matinding takot, kaba, at tapang ang pinilit niya na paglabanan kanina. "Ok ka lang ba?" tawag ni Vince sa labas. "Umalis ka na, ok lang ako," mahinang sagot ni Krezia. "Pero…" di na natuloy ni Vince ang sasabihin nang may mga lalaki na pumasok sa c.r. "Andito pala ang aming paboritong trainee," usal ng isa mga lalaki. "May ipapatikim sana kami sa'yo kanina pero di ka pumunta, nag-intay kami," sabi naman ng isa. "Nasira kasi ang tiyang ko nong nakaraan," kinakabahang sagot ni Vince. Nanlaki ang mga mata ni Krezia at akma na sanang lalabas nang di niya mabuksan ang pinto. Pinipigilan ni Vince ang pinto. "Ah, ganon ba? Kaso, naabala mo na kami kaya sa tingin ko, dapat bayaran mo yon," sabi ng isa pa. "Ahh…kasi…" lunok-laway at namamawis na si Vince sa kaba. Nagtawanan na lang ang mga lalaki saka sinimulan na nilang pagtutulak si Vince at pilit na pinaiinom ng kung ano. Habang si Krezia ay pilit na nagtitimpi dahil kung papatol siya ay baka magka-problema ang lahat. Ilang araw na lang at matatapos na ang training. Buti na lang talaga at may mga dumating na security dahil sa cctv. "Nakainom ka ba? Isuka mo!" nag-aalalang tanong ni Krezia paglabas ng c.r. kay Vince. "Oy, ok lang, hindi! Hindi ako naka-inom," nakangiti pa rin si Vince habang pinapakalma si Krezia. Mabilis na nakarating sa kinauukulan ang mga nangyari at anim na trainee na lang ang natira. Bukas na ang huling araw at isa-isang nabigyan ng assigned topic ang anim para magpresent. Tig-iisa na sila ng kwarto kaya kahit saglit pa lang ay tila naninibago si Krezia na mag-isa siya sa malaking kwarto. Buti na lang at abala siya sa pag-gawa ng presentation bukas. Pero, nagulat na lang siya nang may kumatok. Si Vince. "Bakit?" tanong ni Krezia. "Ah, ano…ok ka lang ba sa pag-estimate?" nahihiyang tanong ni Vince. "Ah, oo ok lang. Ikaw ba?" "Napansin mo ba yong isang beam sa third floor ng plano parang di tama eh. Saka ang bend ng bakal sa sa mga stirrups eh hindi yong usual, baka lang di mo napansin," Napanganga si Krezia sabay madaling sinipat ang plano at mali nga ang pag-solve niya. “Oo nga!” singhal ni Krezia kasi magbabago na naman siya ng report. “Tulungan na kita!” usal ni Vince na pumasok na sa kwarto. Pero parehas sila napatigil nang may maamoy sila na kakaiba. “May naamoy ka ba?” tanong ni Krezia. “Ah oo, eh!” sabi ni Vince. At parang kung anong kidlat ang tumama kay Krezia nang maalala ang mga baon na bagoong, pulang itlog, at tuyo. “Patay! Yong baon ko!” sigaw ni Krezia. At nang mailabas, daig pang yelo ang ibinuhos kay Krezia sa hiya. “Sakto! May makakain tayo habang nagtatrabaho.” Usal ni Vince. Saglit itong umalis at pagbalik ay may dalang kaldero ng kanin. Kaya naubos ang gabi nila sa paghahanda bukas habang masayang-masayang kumakain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD