Chapter 5

1310 Words
"Ok, good luck sa atin," nakangiti na sambit ni Krezia nang maiayos ang necktie ni Vince kinabukasan. "Galingan mo." Sambit naman ni Vince. Matiwasay na nakapag-present ang lahat at inanunsiyo na maaari na munang magsi-uwi ang at intayin na lang ang tawag kung natanggap ba. "Sabi mo malayo ang uuwian mo at di ka naman sigurado kung ok lang sa pamilya mong babalik ka ron, gusto mo sumama ka na muna sakin? Para kung matanggap ka eh mabilis na lang," alok ni Krezia kay Vince habang nagla-log-out sa front desk ng building. "Pero…" "Sige na, wag ka na tumanggi. Wag ka na mahiya," sabi ni Krezia. At di nga naglaon ay nakarating na sila sa baryo nina Krezia kasama si Vince at si Leo…at si Janna. "Ang ganda dito!" palahaw ni Janna. "Tsk, ikaw lang ang di maganda," nabibwisit na usal ni Leo dala-dala ang sangkatutak na gamit ni Janna. "Welcome sa simple naming tahanan," sabi ni Krezia at nang mamalayan ng mga taga-roon ang kanilang pagdating ay daig pang may artista na mga dumating. "Leo, ikaw na bahala sa kanila. Punta na ako kay Lola," utos ni Krezia kay Leo nang maibaba ang mga gamit sa sala. Tawang-tawa pa si Krezia nang dinumog na ng mga tao sina Vince at Janna. Pagka-akyat sa kanyang Lola Irma ay walang kasing saya ang matanda nang makita si Krezia. "LOLA!" "Krezia, apo!" masayang bati ng matanda. "I miss you, Lola!" "Oh, ano kasama mo na ba ang mag-bibigay ng apo sakin?" nakangisi na agad na tanong ng matanda. "Ay grabe naman. Lola, haha, chill lang tayo," "Aba apo, baka di na umabot," “Aabot, lola!” "KREZIA!! Bumaba ka at maghahanda ng ipapakain sa mga bisita mo!" tawag ng nanay ni Krezia kaya't dali-dali siyang sumunod nang makatakas sa matanda. Mag-gagabi na kaya't kailangan na maghanda ng hapunan. At dahil may bisita, alam na ni Krezia ang kalakaran. Mabilis niyang inilabas ang mga babasagin at mga engrandeng kubyertos na inalikabok na ng panahon sa taguan. "Leo, samahan mo sila sa third floor at ihanda ang tutulugan. Nang makapagpalit na rin sila," utos ni Krezia kay Leo dahil ramdam na niya ang ilang ng mga ito sa dami ng tao. Napabuntong-hininga na lang si Krezia dahil mas dumarami pa ang tao. "Ikaw na kaya, at mamalengke na muna ako dali-dali. Sa dami nito, ewan ko na lang," wika ni Leo saka tinapik sa balikat si Krezia. "Utang yon ha," bulong ni Krezia. "Kaya mo ba bayaran?" "Sige lumayas ka na!" sabi ni Krezia at tinulungan nang ihatid ang mga gamit sa itaas. Kaso, di pumayag si Janna na di sasama kay Leo kaya si Krezia at Vince lang ang naiwan para maghanda ng matutulugan. "Ang ganda rito," nakangiting wika ni Vince. "Talaga ba? Feel at home ka lang rito, ok?" usal ni Krezia habang naglalabas ng mga kumot at unan mula sa aparador sa gilid ng kwarto. Napaka-presko ng hangin na sumisimoy sa ikatlong palapag ng bahay kung saan nag-hahanda ng matutulugan sina Krezia. "Ang daming tao rito, kakatuwa lang," sabi ni Vince saka sumunod kay Krezia sa kabilang kwarto. Apat na kwarto ang nasa itaas at malapit na sila matapos nang makarating sina Leo at nagkagulo na sa ibaba dahil luto na ang binili nila. "Kre, baba na kayo, boodle fight daw!" masayang tawag ng isang lalaki kay Krezia. "Sige Kuya Nick, sunod kami." Mabilis nilang tinapos ang pag-aayos at bumaba na si Krezia habang naliligo si Vince. Napuno ng ingay at katuwaan ang gabi. Nagkayayaan na magkantahan habang nag-iinuman ang mga kalalakihan. "Utoy, o tagay!" alok ng tiyuhin ni Krezia kay Vince. "Ah ano po, di po ko umiinom," magalang na pagtanggi ni Vince. "Ay nako utoy, di ka papasa kay Krezia pag mahina ka," sabat ng isa pang lalaki. "Pag sinabing hindi, wag ipipilit," sabat ni Krezia at mabilis na kinuha ang baso na inaabot kay Vince sabay ininom kaso di pa man niya nauubos ang tagay eh inagaw na ni Leo at tuluyang inubos. "Yown oh!" palakpakan ng mga nakaikot sa mesa. "Si Krezia pala ang nanliligaw!" kutya ng mga tao roon. Hanggang lumalim ang gabi, nawlaan na ng malay ang karamihan pero ayos pa rin si Krezia at Leo. Habang sina Vince at Janna, na naka dalawang shot lang eh, wala na sa katinuan. "Pasok na natin 'to," malamlam ang boses na sabi ni Krezia kay Leo habang nakatingin sa dalawa na nakasubsob na ang mga mukha sa mesa. "Ang hina naman pala niyan," nagmamayabang na usal ni Leo. "Di naman ito kagaya mo na sikmurang kapre, kahit ipaubos na lahat ng tubaan sa paligid eh di manlang malalasing," "Eh di bagay tayo!" nangingiti pa si Leo habang pinapasan si Vince. Agad namang sumimangot si Krezia at inalalayan na maglakad si Janna papasok. Pahirapan pa bago sila makarating sa kwarto. "Ikaw na bahala riyan," sabi ni Krezia kay Leo bago tuluyang ipasok sina Vince sa kani-kaniyang kwarto. Pagkatapos maihiga si Janna ay bumaba na si Krezia para maglinis. Inabot na siya ng ilang oras sa pagligpit. Tapos nanood ng t.v para magpaantok. Pero kahit anong nood niya ay di siya antukin kaya nagpasya na siya umakyat sa kaniyang kwarto. "Ah, sa wakas, namiss ko ang kama ko…" bulong niya sa sarili pero natigilan siya nang may lumabas sa kaniyang banyo. "HI!" bati ni Vince na namumula at namimikit-mikit pa rin sa kalasingan. "Teka, bakit andito ka?" duro ni Krezia pabalik. "Ha? Eh dito ang kwarto ko," usal ni Vince saka naupo sa kama. Napasapo na lang si Krezia sa kanyang noo nang mapagtanto na namali siya nang napasukang kwarto. "Di ka pa natutulog?" tanong ni Krezia. "Este, nahihirapan ka pa rin makatulog?" Saka naupo sa tabi ni Vince. "Napansin mo pala?" "Hindi naman kasi ako manhid. Akala ko lang nong una, di ka kumportable pero kalaunan, napagtanto ko na nahihirapan ka makatulog. May rason ba?" "Expectations?" malungkot na sagot ni Vince. "Tara!" biglang tayo ni Krezia saka iniabot ang kamay kay Vince. "Saan?" "Basta!" ngisi ni Krezia kay Vince. At kahit nahihilo ay tinanggap ni Vince ang alok ni Krezia. Di nga naglaon ay masayang naglaro ang dalawa sa tabing dagat na animo'y mga bata. "Hoy, bakit lulusong ka sa dagat eh malamig?" kinakabahang tanong ni Vince kay Krezia. "Tsk! Magandang pang paalis ito ng kalasingan!" sigaw ni Krezia. "Totoo?" lilingon-lingon pa si Vince sa madilim na paligid. "Oo, dali na!" sigaw ni Krezia at daig pang bata na nagtatalon palusong sa dagat. "Ang lamig!" palahaw ni Vince na nakasunod sa likuran ni Krezia. "Oo nga!" nanginginig na usal ni Krezia na bigo nang makahakbang para umahon kasi binalot na ng lamig. "Tsk! Sabi ko na nga ba," sabi ni Vince na hirap na hirap na naglakad papalapit kay Krezia saka madali siyang binuhat na parang prinsesa. Nakailang tumba at dapa sila bago makarating sa tabi na puno ng tawanan at kutyaan. "Napakahina mo!" sigaw ni Krezia nang matumba na naman sila sa ikatlong beses. "Pasensiya na, napakalaki mo," hirap na sagot ni Vince habang binubuhat na naman siya. "Wow! Ibang tao ka pag lasing ha. Tumatapang ka! Bilis! Sobrang nilalamig na ako!" pinapalo-palo pa ni Krezia ang balikat ni Vince. At nang makarating sa tabi ay napaluhod na lang si Vince at nahulog na si Krezia sa pagkakalong. "Grabe, dami kong tawa!" usal ni Krezia na nakahiga na sa buhanginan. "Bumalik na tayo. Baka magkasakit ka pa," alok ni Vince habang inaalalayan si Krezia na bumangon. Tinanggap naman ni Krezia ang kamay ni Vince at magkahawak-kamay pa silang tumakbo pabalik sa bahay. Sa likuran na sila nagdaan, mas malapit at mas mabilis papunta sa kwarto ni Vince na kwarto talaga ni Krezia. "Bibilisan ko lang maligo," sabi ni Krezia na sobrang putla na talaga ng mga labi. "Sige," sagot ni Vince pero bago pumasok sa banyo eh binalutan muna ni Krezia ito ng towel ng di lamigin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD