Nang makatapos ay naupo na si Krezia sa kama at hinintay na lang si Vince na makapagbanlaw.
"Ok na ako. Pasensiya na kung may mga nagawa o nasabi ako nong may tama pa ako," nahihiyang sabi ni Vince nang maupo sa may paanan ni Krezia habang nakatingin ng malayo.
"Tsk, wala yon. Nga pala nasubukan mo na ba makinig ng mga kanta para makatulog?" tanong ni Krezia.
"Oo, pero, hindi talaga," malungkot na sagot ni Vince.
May hinigit si Krezia na drawer sa bed side table at kinuha ang isang kalimba.
"Ano yan?" tanong ni Vince.
"Lagi akong tulog sa umaga kasi hirap rin ako makatulog sa gabi at eto ang tumutulong sakin para kumalma ang isipan ko."
"Ano nga yan?"
"Ah, haha, kalimba!"
At tumugtog na si Krezia.
Di mapigilang mamangha ni Vince sa kakaibang kapayapaan na dulot ng tunog na lumalabas sa instrumento.
"Ok ba?" tanong ni Krezia nang huminto bigla.
"Bakit ka tumigil?"
"Malamang, nialalamig pa rin mga kamay ko." Natatawang saad ni Krezia habang minamasahe ang mga daliri.
At bigla na lang nanlaki ang mga mata ni Krezia nang kunin ni Vince ang kaniyang mga kamay at ikinulong sa pagitan ng mga kamay nito.
"Noong bata pa ako, pinapainit ng Mama ko ang mga kamay ko sa ganitong paraan," sabi ni Vince habang hinihipan-hipan pa ang mga kamay niya at nangingiti pa.
At sa mga oras na iyon, napatulala na lang si Krezia.
"Delikado!" wala sa sariling usal niya habang nabibingi sa matinding t***k ng kaniyang dibdib.
Kinabukasan, naging malamig na rin ang pakikitungo ni Krezia kay Vince.
Pero kahit ganoon, di pa rin mapigilan ni Krezia na sulyap-sulyapan si Vince habang ipinagtutulong ng kaniyang mga kamag-anak sa mga gawain nila roon.
"Oh, inom kayo," alok ni Krezia kina Vince nang magpahinga pagkatapos magpakain ng mga alagang manok, baka, kambing, kalabaw, at mga baboy. "Matuto kayo umayaw, abusado rin kasi ang pamilya ko."
Pagkababa ng inumin ay umalis na rin agad si Krezia dahil magpapa-inom naman ng gamot sa kaniyang Lola.
Nang sumapit ang hapon, ipinagsama naman sina Vince at Leo para manguha ng mga pwedeng magulay.
Sobra ang pagtitimpi ni Krezia sa iyamot na nararamdaman sa kaniyang pamilya.
Kaya nang makabalik ay daig mo pang sinilihan sa pagkakaupo na kay bilis tumayo.
Pero kay Leo siya lumapit.
"Ano, buti kinaya ng maarte mong balat? Pinagod ba kayo nitong mga kuya ko?" sunod-sunod na tanong ni Krezia kahit sa pulang-pula na si Vince siya nakatingin.
"Ako, tantan mo. At pag ako ang nagalit, baka di mo magustuhan," mailap na sagot ni Leo na sobrang pawis rin.
Natahimik naman si Krezia sa inasal ni Leo.
"Mga utoy, magsipalit na kayo at kita ay maghahanda ng hapunan. Naroon na si Janna. Di niyo naman sinabi na kay giliw ng batang iyon," nakangiti na basag ng isa sa mga tiyahin ni Krezia.
"Saang bahagi?" iyamot na saad ni Leo na nilagpasan lang si Krezia na tila mo'y hangin lamang.
May kung anong kirot ang naramdaman ni Krezia sa kaniyang dibdib kaya napagpasiyahan na lang niya na ipunin ang mga pwedeng malabhan roon at nagtungo sa malapit na ilog.
"Oh, anong problema?" biglang sulpot ng isang lalaki sa likuran ni Krezia na ilang minuto nang tulala.
"Kuya Nick?"
"Mula pagkabata, pag may problema dito ka nagtatambay. So, anong problema ng bunso?"
"Namin?" sabay-sabay na usal ng anim pa na lalaki na umupo ng hilera sa magkabilang gilid ni Krezia.
Si Nick at ang anim na pinsan niya ang mga kasama niyang lumaki.
"May tama ka ba kay Leo?" tanong nong isa.
"Ha? Wala ah!" mabilis na sagot ni Krezia.
"Oh, sabi ko sainyo eh. Si singkit ang trip nitong bunso natin," usal ni NIck at nakipag-apir pa sa katabi.
"Tsk! Hindi naman pwede," malungkot na sagot ni Krezia.
"Sabi na eh! May tama nga ang potek! Bakit, inayawan ka ba? Bugbugin na namin!" alok nong isa.
"Malabo, hindi naman niya alam. Saka, marami pang utang," usal ni Krezia saka kinuha ang mga damit at binasa na sa tubig.
"Krezia, kinailangan natin mangutang para mabuhay, pero hindi ibig sabihin na dahil ikaw lang nakapagtapos sa atin ay ikaw lang ang may kargo non. Tumigil ako hindi dahil para makatapos ka, dahil di naman talaga ako matalino na kagaya mo. Naisip ko na magtrabaho na nang makabawas na sa utang na yon. Tulong tayo. Kaya wag mong pigilan ang sarili mong maging masaya dahil pinili natin mabuhay. Ang rason kaya pinilit natin mabuhay ay para maging masaya." Mahabang paliwanag ng kaniyang Kuya Nick.
"Mahirap lang yon," sagot ulit ni Krezia.
"Magsisikap naman kayo ah. May yumayaman naman na mahirap. Lalo at matatalino kayo," sagot naman pabalik ng Kuya Nick niya.
"Takte naman, ang bakla ni Nick! Pero, asahan mo, tutulong rin kami. Ayos ba bunso? Basta, wag papa-score hanggat walang kasal!" sabi naman ng isa niyang pinsan.
Lumawak ang ngiti ni Krezia.
"Sige na, pumunta ka na roon at kami na ang maglalaba nito. Basa na eh," usal ng kaniyang kuya Nick.
At mabilis na umalis si Krezia.
"Ah, pre, may liga sa kabilang barangay, ano, kasali kami…" uutal-utal na wika ng isa sa mga pinsan.
"Maglalaba tayo, o di ka na makakasali sa liga kahit kelan?" nakakatakot na banta ni Nick.
Nang makarating sa bahay ay agad siyang sinalubong ni Vince ng yakap.
Sa mga oras na yon mas lalo ng tumindi ang t***k ng kaniyang puso, parang sasabog na talaga ito.
"Bakit?" tanong ni Krezia nang bitawan siya ni Vince.
"Tanggap tayo!" pulang-pula na sabi ni Vince.
Di mapaliwanag ni Krezia ang saya na nararamdaman niya.
Maging ang mga tao sa mga oras na iyon ay nagsisi-iyakan na rin.
Nang gabing iyon, nagkaroon ng simpleng salo-salo at nagbiyahe na rin sila pabalik sa KVN Corp.
Pagkarating nila ay isa-isa silang inasistihan sa kani-kanilang kwarto.
"Mam, may official welcome party po sa mga bagong hire. Ito po ang damit na susuotin niyo. Fifteenth floor po mam. Congratulations, Ms. Elliazar." Wika ng assistant bago tuluyang naaagpaalam.
"Wow, may paganito pa ha!" ngingisi-ngisi na usal ni Krezia.
Nakasuot ng pastel red and peach dress na dikit na dikit sa katawan si Krezia kaya't litaw na litaw ang kaniyang ganda habang nakalugay ang kaniyang kulot na buhok.
Wala mang masyadong make-up, di matatanggi na nasa kaniya ang mga mata ng lahat.
"Kakabwisit! Ano iyang suot mo?" biglang higit ni Leo kay Krezia sa tabi.
"Ha? Eh ito binigay sa akin eh," sagot ni Krezia. "Maganda naman ako kaya kahit ano babagay."
"Yan ang gusto ko sayo eh, di ka rin mayabang." Nag-cross-arms pa si Leo.
"Si Vince?" tanong ni Krezia.
"Malay ko ron!" ismid ni Leo.
"Si Janna?" tanong ulit ni Krezia.
"Mas ewan ko ron! Mas mabuti nga at nawala na!"
Mamaya-maya nga ay may nagsalita na sa harapan na kumuha ng pansin ng lahat.
"We welcome all newly hired employees to KVN, we want everyone to enjoy and have a great night. You all deserved it. May kaunting announcement lang kami." Wika ng hosts sa unahan.
Nagsipalakpakan at naghiyawan ang lahat pero natigil agad nang may isang lalaki at babae na naglakad papunta sa unahan.
Suot ang magagarang damit, mapapansin agad na angat ang mga ito sa kahit na sino sa gabing iyon.
"Ang nga newly hired employee ay espesyal na itinatalaga kabilang sa team ng newly appointed CEO ng kumpanya na si Mr. Vince Elizaldee Zandallo."
Pagka-announce nga ay tila bumagal ang mundo ni Krezia nang mapagtanto niya kung sino ang lalaki na may magarang kasuotan sa taas ng stage.
"V-Vince?" uutal-utal na bulong ni Krezia.