Chapter 7

1042 Words
Lahat ng excitement, kaba, at pag-asa ni Krezia ay tila naglaho ng ganon-ganon na lamang. Pakiramdam niya, talo na agad eh wala pa namang sinisimulang laban. "Si Vince?" rinig ni Krezia si Leo na gulat na gulat rin. Madaling umalis si Krezia sa event at lumabas muna para magpahangin at makapag-isip. Balak na niyang magtapat kay Vince tungkol sa kaniyang nararamdaman pero alam niyang malabo nang mangyari iyon dahil sa totoong estado ng kanilang buhay. Naiisip na agad niya na malabong tanggapin ng mayayamang angkan ni Vince ang katulad niyang walang sinabi sa lipunan. "Kita mo ba yon? Grabe, mukha tayong tanga!" bulalas ni Leo habang ginugulo ang buhok mula sa likuran ni Krezia. "Iwan mo na muna ako," malumanay ang boses ni Krezia na pakiusap kay Leo. "Pero…" "Di naman tayo nagtanong di ba? Nag-assume agad tayo. Wala siyang kasalanan." Usal muli ni Krezia na naglakad sa bench sa likod ng malaking puno ng park sa labas ng building. "Umalis ka na muna at matutulog ako." Kaso di pa man natatagal sa pagkakahiga ay naantala siya. "Saan ka pupunta? Sabi ko na at may kakaiba sayo. Noong araw na pinalitan namin ang maleta mo, kataka-taka na sobrang gagara ng gamit mo, eto pala ang rason. Kaya pala kabilis namin naalis dahil sayo." Bulyaw ng isang lalaki na pamilyar na kay Krezia ang boses. "Siguro, sinadya mo magmukhang mahina. Pinaglaruan mo kami. O ano, ayos ba?" bulyaw naman ng isa pa. "Di ko alam sinasabi niyo," nanginginig ang boses ni Vince. Nag-init ang ulo ni Krezia sa lahat ng naririnig. Narinig niya ang pagbagsak ng katawan ni Vince sa concrete ground at ang mahinang hinagpis nito. "Ano, ok na ba? Tapos na ba ang mga kabaklaan niyo?" singit ni Krezia habang naglalakad papalapit sa mga lalaki at kay Vince. "Krezia? May sasabihin ako," ungot ni Vince at mabilis na tumayo mula sa pagkakabagsak. "Ako muna. Medyo mainit ang ulo ko eh. Kailangan ko muna manakit. Don't worry, self defense to kaya saan mang anggulo ay sila ang dehado," wika ni Krezia saka inalis ang suot na heels at pinunit ang palda ng mahabang dress. Walang nang sali-salita at binugbog na ni Krezia ang apat na lalaking nambubully kay Vince simulat-sapul. "Krezia! Tama na!" sigaw ni Vince. "Tanggap naman na ako. Tatanggalin mo ba ako?" sigaw pabalik ni Krezia, hawak-hawak ang leeg ng isang lalaki at mabilis na sinipa ang lalaking nagtangkang sipain siya mula sa kaniyang likuran. Samantalagn si Vince, di mapaliwanag ang pagkagulat sa nasasasksihang pakikipaglaban ni Krezia na di manlang ata papawisan sa mga kalaban. "Hindi!" sagot no Vince. "Eh di ayos!" Di manlang nakaporma ang mga lalaki. Isa-isa itong nagkumahog paalis nang dumating ang mga security dahil nireport ni Krezia ang mga ito na trespassers. "Ok ka lang ba?" tanong ni Krezia kay Vince. "Oo, ikaw ba?" sagot ni Vince. Naalintana ang kanilang usapan nang mag-ring ang phone ni Krezia. Pagkasagot ng tawag ay agad na tumakbo si Krezia palayo ng walang pasabi. "Anong problema?" habol ni Vince. "Si Lola," mangiyak-ngiyak na wika ni Krezia. "Intayin moko, kunin ko lang kotse ko," usal ni Vince. "Wag na! Magji-jeep na ako. Matatagal pa!" aligaga na sagot ni Krezia. Napailing na lang si Vince sabay kinuha ang mga kamay ni Krezia. "Sasamahan na kita," wika ni Vince habang tumatakbo sila papunta sa tabing kalsada at madaling pumara ng jeep. "Puno na ho," sigaw ng driver. "Kuya, backseat!" pakiusap ni Krezia. Sumuko naman ang driver at pinasakay na sila. "Kumapit ka ha!" wika ni Vince kay Krezia nang makaupo sa backseat. Nakapwesto paharap si Krezia kay Vince na bakas ang kaba habang nakasabit sa jeep. "Ikaw ang kumapit!" usal ni Krezia dahil may matanda na nakiusap na umupo na rin lang kahit sa backseat para lang makauwi kaya no choice kundi sumabit si Vince. Nagulat na lang si Vince nang yumakap sa kaniyang baywang si Krezia. Ang isang kamay ni Krezia ay nakahawak sa metal na hawakan ng jeep sabay ang isa naman ay nakayakap rito para umalalay. Gabi na nang makarating sila sa baryo nina Krezia. "Pumasan ka na sa likod ko, lalala ang sugat mo sa paa, ayokong absent ka agad sa unang araw," alok ni Vince na agad naman pinasan si Krezia kahit wala pang sagot. Sa tabing dagat dumaan si Vince kaya sa likuran, diretso sa kwarto ng kaniyang Lola Irma na sila nagdiretso. "Lola," napakahinahon at mahinang bulong ni Krezia palapit sa Lola niyang nakahiga sa kama. Ang kaniyang Kuya Nick ang tumawag. Ayaw raw sana ipaalam ng iba para di siya madistract sa trabaho. "Apo, bakit andito ka? Yong trabaho mo?" mahinang sagot ng matanda na agad na hinaplos ang buhok ni Krezia. "Galing ka ba sa g**o? Bakit ang sapnot ng buhok mo?" "Lola naman eh. Hindi po ko galing sa g**o, nagbiyahe po ko sa jeep kaya magulo buhok ko," "Dapat di kana nagpunta rito," "Lola, ipapaalam ko lang na dapat magpalakas ka kasi, gagawin pa po kitang flower girl," halos mangiyak-ngiyak na si Krezia. 96 na ang kaniyang lola at alam niya na ano mang oras ay maaari na itong magpaalam. "Totoo? Baka niloloko mo lang ako," Tumayo si Krezia at isinama pabalik si Vince. Sabay silang lumuhod sa gilid ng kama at nagmano naman si Vince. Doon na sila nagpalipas ng gabi. Malapit na sumikat ang araw nang magpasya silang umalis kaya't dali-dali na sila. "Krezia, eto oh, gamitin mo na nang mas mabilis!" salubong ng kuya Nick niya nang makalabas sila sa tabing kalsada mula sa dagat. Tumango naman si Krezia at mabilis na sinuotan ng helmet si Vince. "Kapit ng mahigpit, ok?" bilin ni Krezia at pinaharurot na ang motor. Malamig at napakasarap ng hangin habang nag-aagaw ang liwanag at dilim sa mga oras na iyon. Di mapaliwanag ni Krezia ang kaniyang nararamdaman habang nagbibiyahe at nakayakap sa kaniyang mga baywang si Vince. "Krezia! Gusto kita!" hirap na sabi ni Vince sa likuran dahil sa bilis ng pagmamaneho ni Krezia. Tumawa lang si Krezia at nagpanggap na lang na di narinig. "Umayos ka na lang, baka ka mahulog!" sagot ni Krezia pabalik nang lumiko na sa sila sa isang intersection. "Nahulog na!" namumula pa na sagot ni Vince na di mapigilang tingnan ni Krezia mula sa side mirror ng motor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD