Ang mga sumunod na araw ay di inalintana ni Krezia ang pagod at puyat dahil ang tanging inaasam niya ay ang mga oras na pagmasdan ang mga natatanging ngiti ni Vince.
Bagamat walang pang sagot sa pagtatapat ni Vince, di niya pinapalampas ang mga araw na di iparamdam na gusto niya rin ito.
Hinihintay lang niya ang pagkakataon na mapatunayan ang sarili na karapat-dapat para kay Vince. Sinusuportahan ito sa abot nang kaniyang makakaya.
"Good job, everyone! Kailangan ma-close natin ang deal na ito. Presentation's at 8, see you tomorrow team!" pagtatapos ni Krezia sa kanilang meeting.
Nagsipalakpakan ang lahat at nagpakawala naman siya ng malalim na hininga bago naupo ulit sa swivel chair.
Tiningnan pa niya saglit ang message sa kaniya ni Leo na sabay na maghapunan pero tumanggi na muna dahil pagod siya.
Gusto muna niya magpahinga.
Nagpaikot-ikot pa muna siya sa bangko nang maiwan na lang siya mag-isa.
"Krezia…" biglang usal ni Vince dahilan para tumigil si Krezia sa pag-ikot-ikot sa upuan.
"Vince!" biglang tayo ni Krezia.
"Ah ano, ah,…fiesta sa amin bukas," pulang-pula na naman itong si Vince.
"Oh, tapos?" natatawang sagot ni Krezia.
"Ako na bahala sa sasakyan. Kasama ang team, after ng deal bukas, diretso na tayo,"
"Oh?" di mapigilan ni Krezia ang kiligin habang nahihiya si Vince sa kaniyang harapan.
"Hahatid ko rin kayo pabalik agad," usal ulit ne Vince na kulang na lang eh kainin na ang salita.
"Ano gagawin ko ron?"
"May mga pagkain na ihahanda, may sayawan rin…"
"Oh eh ano nga?"
"Gusto mo ba sumama?"
"Tsk! Daming daldal eh, yon lang naman pala ang tanong. Sige," sagot ni Krezia saka niyaya na si Vince maghapunan.
Nagulat na lang sila nang madatnan nila sina Leo at Janna na nag-aaway sa restaurant na pagkakainan nila.
"Ayos, pagod pala ha!" biglang sumbat ni Leo nang makita sina Krezia at Vince.
"May inom ka?" tanong ni Krezia.
Napailing na lang si Krezia nang di na ito sumagot.
Si Janna, inirapan na rin lang siya.
Kaso di pa man sila nakaka-upo nang may humigit rito kay Vince at pinagsusuntok.
Iyong apat na lalaki na naman. Kaso, may kasama na itong mas marami pa.
Wala sila sa permises ng KVN kaya wala silang matatawagan na tulong agad.
Sumugod si Krezia at pinrotektahan si Vince kaso di niya kaya dahil marami masyado.
"LEO! Tulungan mo!" palahaw ni Janna.
Pero itong Leo nagmamatigas pa.
"Leo, last na to, please!" sigaw ni Krezia.
Masakit man para kay Leo ay tinulungan na niya si Krezia at nakatawag naman si Janna ng pulis na agad rin namang dumating.
"Tayo na!" higit ni Leo kay Krezia na hinigit naman si Vince.
Nakasunod naman si Janna sa likuran na bitbit ang kanilang mga gamit.
Si Leo na ang nagmaneho papunta sa bahay ni Vince dahil maraming natamong sugat nito at ni Krezia.
Pagdating ay inalalayan ni Janna si Vince papasok samantalang nagpaiwan muna si Krezia para kausapin si Leo.
"Ako ng bahala, magpahinga na kayo," usal ni Leo na di manlang tumitingin kay Krezia.
"Salamat," sabi ni Krezia.
"Takte, ang sakit naman ng salitang salamat galing sayo," halos bumasag na ang boses ni Leo. "Pero wala eh, kung saan ka masaya diba, don ako?"
Di na umimik pa si Krezia at hinalikan na lang niya sa noo si Leo.
Sumunod na si Krezia papasok sa bahay ni Vince pero nakasalubong niya si Janna.
"Saan ka pupunta?" tanong niya kay Janna.
"Malamang, sasama kay Leo," sagot nito.
"Wag mo siyang susukuan,"
"Wala naman akong balak!" ismid ni Janna at saka umalis na.
Dali-dali si Krezia na umakyat sa kwarto ni Vince para asikasuhin ang mga sugat pero ramdam ni Krezia na may kakaiba sa kilos ni Vince.
"Umuwi ka na lang!" madiin pero mahina ang boses ni Vince.
"Bakit?" tanong ni Krezia.
"Umalis ka na!"
"Sige, pero bago yon, kailangan ko masigurado na di kana ulit masasaktan. Halika!" usal ni Krezia at hinigit na si Vince pababa.
May nakita palang gym si Krezia at naisip niya na turuan si Vince kung paano ipagtanggol ang sarili.
Sa una mahirap pero nong tumagal, ay nakukuha na rin ni Vince kahit malamig na ang pakikitungo nito sa kaniya.
"Suntok!" sigaw ni Krezia.
"Ayaw ko!"
"Sumuntok ka! Napakahina mo!" bukyaw ni Krezia.
Hanggang sa suntukin na nga siya ni Vince at naglaban sila roon.
Ilang linggo at buwan rin silang ganon hanggang sa isang araw, napangiti na lang si Krezia.
"Ok na! Kaya mo na. Starting this day, I am no longer your employee sir," usal ni Krezia na pinipigil ang iyak. "Ah oo nga pala, imbitado tayo sa engagement nina Janna, bukas raw. Eto ang invitation at resignation letter."
"Teka, hindi kayo ni Leo?" halata ang pagkagulat sa boses ni Krezia.
"Ang hina mo talaga, Vince. Tsk!" ngisi ni Krezia habang naglalakad papalapit kay Vince sabay ng pag-alis ng gloves na ginamit sa pag-eensayo.
Di na niya pinaimik pa si Vince at hinalikan na ito.
"Pasensiya kung natagalan ang sagot ko, pero, gusto rin kita Vince. Ang tagal na!" bulong ni Krezia nang bumitaw sa pagkakahalik.
"To…totoo?"
"Nong gabi na pinagmano kita kay Lola, pinakilala na kita non. Di ko lang sinabi dahil ayaw ko lang na husgahan ako ng pamilya mo na pera lang ang habol ko!" naiiyak na talaga si Krezia habang naalala kung gaano ang tagal na pinigil niya ang kaniyang sarili. "Mahirap lang kami."
Natigil na lang siya nang may magsalitang lalaki sa kanilang likuran.
"Malabo, kasi di naman kita pakukunin ng exam in the first place kung ganong klase ka ng tao," malagong at maawtoridad ang boses na wika ng isang may edad na lalaki.
Pamilyar ang boses kaya't napalingon talaga agad si Krezia.
"Coach!" sigaw ni Krezia na medyo nahihiya pa.
"Krezia!" sambit nitong lalaki habang naglalakad palapit sa kanila at nagsusuot ng gloves.
"Ito po yong anak mo na lagi mong kinukwento samin?"
"Oo, siya yong anak ko na matagal ng may gusto sayo pero napaka torpe, kaya gumawa na ako ng paraan," nakangisi pang saad nito.
Namula naman at nahiya si Krezia sa mga nalalaman.
"Dad, please," awat ni Vince.
"Kelan ba ang kasal?" ngisi nitong ama ni Vince.
"DAD!" grabe na lalo ang pamumula ni Vince.
Nagtawanan na lang sila roon.
Umattend sila ng engagement nina Janna at Leo na napuno lang ng tawanan dahil wala ng ginawa yong dalawa kundi mag-away.
Nang sumapit ang gabi, inanyayahan ni Krezia si Vince sa kanilang bahay at pormal na pinakilala.
At as usual, di lang triple ang dinami ng tao na nakiusyoso. Lahat ng tubaan, tinubaan na, para sa pagdiriwang ng pagkakaroon ng boyfriend ni Krezia.
Di naman ito tinutulan ng marami dahil sinigurado na ng ama ni Vince sa daming baon na makakain at walang katapusan na mga kwento.
Tumakas ang dalawa sa dami nang tao pagkatapos ipakilala si Vince at nagtungo sa dagat.
Naglaro sila roon at masayng binalikan ang mga alaala.
"Tara, maligo!" sigaw ni Krezia.
"Malamig!" sigaw naman ni Vince pero sumunod pa rin.
"Shooot! Ang lamig talaga!"Palahaw ni Krezia.
Nang kalungin na siya ni Vince para umahon sa tubig, may itinanong ito.
"Ano…ah…Krezia, pakasal na tayo?" sobrang hiya at nag-aalangan na tanong ni Vince.
"Kiss muna!" panloloko ni Krezia.
At madali namang tumakbo si Vince papunta sa tabi at ibinaba si Krezia.
May binunot ito sa bulsa at kahit nanginginig na ang kamay sa lamig, hinalikan niya si Krezia at muling nagtanong.
"Will you marry me, KREZIA ELLIAZAR? Ok lang kahit matagalan, nagsisigurado lang," nanginginig na ang boses ni Vince.
"YES! Palaging, oo!" sagot ni Krezia na nilalamig na rin ng sobra.
Lumipas ang panahon, nakabayad na ng utang sina Krezia sa dami ng projects na nakuha nila at nakapagpundar ng bahay para sa kaniyang magulang.
"Let's welcome our maid of honor," announce ng hosts.
At sa dulo nga ng altar, ay nakaluhod si Krezia sa harap ng kaniyang lola.
"Sabi sayo, aabot Lola eh. I love you Lola, maraming salamat sa lahat. Bilang sorpresa, eto po ang first ultrasound ko." Daloy na ang luha ni Krezia habang iniaabot sa matanda ang maliit na picture ng ultrasound niya.
"Salamat rin, apo," usal ng matanda habang umiiyak.
"Siya, tahan na po. Masasayang ang beauty ng pinakamagandang maid of honor ko,"
usal ni Krezia habang pinupunas ang luha nito.
Tumango na si Krezia at inihatid na ng kaniyang Mama ang matanda sa wheel chair nito.
"Now, let's welcome the bride!" sigaw ng hosts at nagsitayuan na ang lahat.
"Oh, tara na!" alok Nick na nagsilbing kaniyang ama.
Samo't-sari ang mga emosyon nang naglalakad na si Krezia palapit kay Vince.
"Wala akong masabi, kundi, sobrang swerte ko na nakilala ko ang isang tulad mo, Vince. Nawalan ako ng amor at paniniwala sa pag-ibig nang iwan kami ni Papa pero binago mo lahat yon. Salamat, dahil…dahil, ah basta, napaka genuine mong tao. Napaka ganda ng mga ngiti mo. Mapagkumbaba ka kahit napakayaman mo. At higit sa lahat, pinaalala mo na ayos lang maging mahina. I love you, Vince Elizaldee Zandallo." Pagtatapos ni Krezia sa kaniyang vow.
"I love you, Krezia Elliazar. Yon lang. Sobrang salamat. Di ako masalita na tao, pero maasahan mo na raw-araw kong ipararamdam iyon sayo."
At sinumulan na nila ang panibagong kabanata ng kanilang buhay ng isang halik.
"Mayaman na kami!" iyakan ng mga kamag-anak niya at oo, puno ang simbahan ng kabaryo ni Krezia.