bc

ANGER with LOVE

book_age18+
3
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
opposites attract
powerful
heir/heiress
drama
bxg
campus
office/work place
like
intro-logo
Blurb

ANGER WITH LOVE

Pakakasal ka ba sa taong hindi ikaw ang pumili?

Nakahanda ka ba sa kasal na hindi nabuo ng dahil sa pag-ibig?

Handa ka bang sumugal sa pag-ibig na puno ng galit?

Saan kaya hahantong ang dalawang pusong pinagtagpo, ngunit hindi nga ba sila ang itinadhana?

Ang kanilang pag-ibig na bagama't puno ng pait, ngunit pilit patatamisin ng totoong pagmamahal.

*****

This is my 3rd official story I hope you like it again and enjoy it... TIA!đź’•

HAPPY READING!

04-16-25

@LadyGem25

chap-preview
Free preview
WEDDING AGREEMENT
C-1: INTRODUCTION _ Nagmadali ako sa pagbaba ng hagdan kaya habol ko pa ang aking paghinga ng makarating ako sa pintuan ng Library na malapit lang sa hagdanan. Saglit na nanatili muna akong nakatayo lang sa may pinto upang ayusin muna ang aking sarili. Pinapatawag daw ako ng Papa at gusto ako nitong makausap para sa isang importanteng bagay. "Papa! Ayoko pang magpakasal?" Pagtutol ko sa nais mangyari ng Papa. Nasa Library kami sa loob ng aming bahay at kasalukuyang nakikipag-talo ako sa Papa. Gusto ng Papa na pag-usapan ang tungkol sa pagpapakasal ko. "Huwag ka nang tumutol pa Alyana, ginagawa ko lang naman ito para din sa ikakabuti mo!" "Papa, buhay ko ito! Huwag n'yo namang panghimasukan ang buong buhay ko?" Pilit ko itong ipinauunawa sa kanya. "Bakit ba ayaw mo kay Lorenzo hija, ano bang hindi mo gusto sa kanya? Mabait, matalino at marangal na tao si Lorenzo. Kung tutuusin maswerte ka pa nga sa kanya anak. 'Matagal nang magkakaibigan ang pamilya natin at pamilya ni Renz, malaki ang tiwala ko kay Lorenzo anak at sa kanya lang kita maaaring ipagkatiwala naiintindihan mo ba?" Kalokohan! Hindi ko na ikinagulat ang malaking tiwala ng Papa kay Lorenzo pero ngayon ko lang na-realize na ang tiwala niya dito ay higit pa pala sa aking inaasahan. Mas may tiwala pa yata ito sa binata kaysa sa akin na anak niya. Alam ko na si Lorenzo ang ideyal na anak na gusto ng Papa. Dahil sabi ng Mama isang anak na lalaki sana ang gusto nito. Iyon rin ang dahilan kung bakit nabaling ang atensyon ng Papa kay Lorenzo at ako naging tila palamuti lang sa bahay. Kung minsan nga pakiramdam ko maging sa pagmamahal ng Papa tila ba kaagaw ko rin siya. _ Si Lorenzo ang bunsong anak ng mag-asawang Alfonzo at Loreta Madrigal na matagal na ring kaibigan at kasosyo ng Papa sa negosyo. Inaanak si Renz ng Papa sa binyag at matanda ito ng tatlong taon sa akin. Kaya para ko na siyang nakatatandang kapatid o kuya. Isang kuya na palaging inaasahan ko, taga bitbit ng gamit ko sa school, taga gawa rin ng mga assignment ko kapag tinamad na akong mag-aral at higit sa lahat tagapagtanggol ko kapag may umaway sa akin. Siguro ito rin ang dahilan kung bakit kahit kailan hindi ako nakaramdam ng insecurities kay kuya Renz. Dahil ang totoo madalas dependent din ako sa kanya. Siya lang naman ang ideal kuya ko, ang the best kuya na maasagan ko at hindi ko gustong masira iyon ng dahil lang sa kagustuhan ng parents namin na ipagkasundo kami. "Papa naman, huwag mo na itong gawin please, magkapatid lang ang turing namin sa isa't-isa." Giit ko sa pag-asang maiintindihan niya ako. Subalit... "Nagkakamali ka hija! Dahil gusto ka ni Lorenzo anak, inamin sa akin ni Lorenzo na matagal na rin siyang may pagtingin sa'yo. 'Kaya lang nahihiya siyang aminin. Dahil alam niyang kapatid lang ang turing mo sa kanya at ayaw niyang magalit ka. Kaya maswerte ka anak dahil mahal ka ni Lorenzo." Habang pinagmamasdan ko ang Papa para akong nawawalan ng pag-asa. Ganu'n ba kasidhi ang kagustuhan nito na ipakasal ako kay kuya Renz? Sa isang lalaking kailanman hindi ko naisip na magiging asawa ko. "Hindi totoo yan, Papa! Ang alam ko may ibang nagugustuhan si Kuya Renz." Pilit akong humahanap ng dahilan. "Ano ka ba hija? Lalaki si Lorenzo at napaka-gwapo pa, kaya natural lang na maraming babae ang magkagusto sa kanya. Huwag mo nang intindihin paAng mahalaga ikaw ang pakakasalan niya ikaw lang!" Giit pa ng Papa. Buong buo ang kumpiyansa nito tiwalang makukumbinsi ako. Iniisip ba nila na papayag ako sa gusto nila dahil wala akong karapatang komontra? Pero buhay ko ito, buhay ko! Puno ng pagtutol na sigaw ng isip ko. "Papa hindi ako magpapakasal sa kanya mas mabuting manatili na lang kaming magkapatid? Tanggap ko naman na gusto mo siyang maging anak at tanggap ko rin na mas may tiwala kayo sa kanya kaysa sa akin. Pero hindi na kailangang ipakasal n'yo pa ako sa kanya!" Puno ako ng pagtutol. Subalit hindi ito natinag kahit yata lumuha pa ako ng bato. Ang Papa na yata ang may pinaka maliit na pang-unawa pagdating sa akin. "Tumigil ka na Alyana, sundin mo na lang ang gusto ko." Pinal na desisyon nito. Ngunit hindi ako papayag! Muli akong nagpakita ng pagtutol sa nais niya. "Hindi mangyayari ang gusto n'yo Papa, hindi ako magpapakasal kay Lorenzo. Mananatiling magkapatid lang kami, magkapatid lang!" Pinakadiinan ko ang aking salita upang lubos niyang maunawaan. Saka ako tumalikod at mabilis na lumakad palayo.. Hindi ko ugaling maging bastos lalo na sa harap ng Papa. Subalit masama ang loob ko, wala ba talagang halaga sa kanya ang kalayaan ko na magpasya para sa aking sarili? "Alyana, huwag ka ngang bastos kinakausap pa kita!" Malakas na sigaw niya sa akin. Ngunit tuloy-tuloy akong lumabas ng Library kahit pa natatakot akong suwayin siya. "Alyana! Bumalik ka, huwag mo akong talikuran Alyana!" Natatakot ako subalit pipilitin kong maging matapang sa kauna-unahang pagkakataon. Binalewala ko ang malakas niyang sigaw kahit tila ito kulog sa aking pandinig. Tinakpan ko ang aking mga tenga, hanggang sa makarating ako sa may hagdanan kung saan nasalubong ko pa ang Mama Alicia. Nabanaag ko ang pag-aalala sa kanyang mukha. Ngunit hindi ko tiyak kung saan ba ito mas nag-aalala? Dahil kahit kailan naman hindi niya ako ipinagtanggol sa Papa. Dahil tulad ko sunod sunuran rin siya sa Papa, kay Amado Salvador. Dahil ang Papa ang Hari sa bahay na ito at kaming lahat ang kanyang tagasunod. "Yana, anak saan ka ba pupunta?" "Please lang Mama, pabayaan n'yo na ako at huwag n'yo na akong tangkaing pigilan pa!" Pakiusap ko kay Mama. "Yana?" "Alyana bumalik ka! Huwag mo akong subukan, magsisisi ka." Narinig kong muli ang sigaw ng Papa na papalapit na sa akin. Kaya agad kong hinila ang kamay ko na hawak ng Mama at nagmadali na akong bumaba ng hagdanan. "Pabayaan mo na muna siya Amado sigurado namang babalik rin siya dito. Dahil wala naman siyang ibang mapupuntahan." Narinig ko pa nang sabihin iyon ng Mama habang nagmamadali akong bumaba ng hagdanan. For the first time in my whole life, ngayon lang ako aalis sa bahay na ito. Mabuti na lang dala ko ang susi ng kotse ko. Kung babalik nga ba ako, bahala na? Basta ang alam ko gusto ko munang lumayo dito. Dahil ayokong makasal kay Kuya Renz, lumaki at nagkaisip ako na kapatid ang turingan namin sa isa't isa. Kahit alam ko na hindi ko siya tunay na kapatid. Gusto kong manatili na lang kami sa ganu'n at ayoko nang mahaluan pa ng ibang kulay ang pakikitungo namin sa isa't-isa. Dahil ayokong dumating ang panahon na magmistula siyang tinik sa puso ko na magbibigay ng kirot sa aking dibdib. Mahalaga siya sa akin at mahal ko siya, mahal ko siya bilang kapatid. ___ Tama ang Mama wala naman talaga akong ibang mapupuntahan. Kaya natagpuan ko na lang ang sarili ko sa tapat ng gate ng isang apartment na okopado ng nag-iisa kong kaibigan at Bestfriend na si Hazel Dominguez. Maaaring nasa loob na ng unit nito si Hazel. Dahil tapos na ang office hour. Nagtatrabaho si Hazel sa isang kilalang Private Accounting firm na pag-aari ng mga Dela Peña bilang isang Book keeper secretary. Dahil sa kwento ni Hazel para ko na ring kilala ang mga Dela Peña. Kahit hindi ko pa naman sila nakikilala ng personal. Lalo na ang mismong Boss nito ngayon, sabi nga ni Hazel ang lalaki ang kabuuan ng pinapangarap nito. Si Tariq Dela Peña, kung minsan nga nadadala na rin ako sa mga kwento ni Hazel tungkol sa Boss nito. Pero s'yempre hinding-hindi ko ito aaminin. Dahil batid namin pareho na may asawa na ito at pamilyado na. Kaya hindi na namin ito dapat pinapantasya pa. _ Ilang minuto na rin akong nakatayo sa tapat ng pintuan ng apartment ni Hazel. Ngunit hindi ko pa rin magawang kumatok, ngayon pa lang kasi ako makikitulog sa ibang bahay. Kaya naman nag-aalangan ako at nahihiya. Hanggang sa may marinig akong bahagyang ingay sa loob, nilakasan ko na ang loob kong kumatok... "Hazel, Hazel! Nariyan ka ba?" Sigaw ko na sinabayan ko ng pagkatok sa pinto. Subalit walang ano mang sagot akong natanggap, sigurado ako na may tao sa loob dahil may naririnig akong ingay. Muli kong inulit ang pagkatok at umasang maririnig din ako ni Hazel. Dahil wala akong maasahan ngayon kundi ito lang wala kasi akong ibang mapupuntahan. P'wede naman akong matulog sa Hotel kaya lang wala akong dalang pera at naiwan ko pa ang wallet ko sa bahay. S'yempre kasama na doon ang mga credit cards ko kaya si Hazel na lang talaga ang pag-asa ko. 'Hazel nariyan ka ba? Hazel, Bes ako to! Bes... Huh?" Aksidenteng napahawak ako sa door knob na bigla na lang bumukas... Tuluyan ko na itong binuksan at tuloy tuloy na rin akong pumasok sa loob. Hindi lang naman kasi ako ngayon lang napunta dito at kabisado ko na rin ang loob ng apartment. Sinundan ko ang naririnig kong tinig sa direksyon na papuntang kwarto. Tiyak na magugulat sa akin si Hazel iyon ang nasa isip ko. Subalit mali pala ako nang pagtapat ko ng pintuan ng kwarto. Bigla na lang itong bumukas... "Ay butiki! Huh! I-ikaw, a-anong ginagawa mo dito?" Laking gulat ko ng isang lalaking walang ano mang saplot sa katawan ang bigla na lang bumungad sa akin. Ngunit parang kilala ko ito, bulong ng isip ko kasabay ng pagtalikod ko. Gusto kong tumakbo ng mga oras na iyon, subalit tila namakat yata ang mga paa ko sa lupa. "Pambihira! Hindi ba dapat ako ang magtanong, sino ka at ano ginagawa mo dito hindi mo ba alam na nakakaistorbo ka?" Saad ng lalaking nakahubad. "A-anong sinasabi mo, si Hazel nasaan ang kaibigan ko?" Nagsasalita ako nang hindi nakatingin, hindi man lang kasi nito tinakpan ang sarili. "Ah, kaibigan ka pala ni Hazel, natutulog na si Hazel. Halika doon tayo sa kwarto, kung gusto mo ikaw na ang gumising kay Hazel?" Anyaya nito sa akin. Kahit hindi ko nakikita malakas ang pakiramdam ko na lumilibot ang paningin nito sa aking kabuuan. Pero kahit paano safe naman ang pakiramdam ko. Dahil naka-skinny jeans at cotton blouse ako this time. Subalit tinangka nitong lapitan ako kaya naman bigla akong napalayo. "Hey! Parang ngayon ka lang nakakita ng lalaking nakahubad ah, huwag mong sabihing virgin ka pa?" Salita nito habang tumatawa. "Hindi lang kasi bastos na gaya mo ang mga kakilala ko!" Nagpakita na ako ng pagkairita sa lalaki. Subalit patuloy itong lumapit at tinangka pa akong hawakan. Batid kong nakainom ito, nalanghap ko ang masasang na amoy ng alak na sumigid sa aking ilong. "Lumayo ka nga! Hazel..." Pasigaw nang pagtawag ko kay Hazel, ngunit tila hindi ako nito naririnig. "Hmmm, mukhang virgin ka pa nga! Maganda ka at mukhang mabango ang tanga naman yata ng mga kakilala mo? Hindi man lang sila nagkainteres na tikman ka." Sinasabi nito iyon habang harapan na akong inaamoy. "Paano ka nagustuhan ni Hazel? Hindi lang pala bunganga mo ang bastos pati utak mo!" Ganting sigaw ko, wala akong pakialam magalit man ito, totoo namang bastos ito. "Gusto mong malaman? Halika, ipatitikim ko sa'yo kung bakit hindi na makabangon ngayon ang kaibigan mo. Saka masasagot ang tanong mo!" Ang sumunod na pangyayari ay hindi ko inaasahan na magagawa nito sa akin... Hinablot nito ang braso ko kasunod ang marahas na halik. Pilit akong nanlaban ngunit malakas siya. Subalit hindi ako makakapayag na magtagumpay siya. Hindi! "Hazel, tulungan mo ako Haz.. hmp!" "Huwag mo na siyang tawagin pa nakatulog siya sa sobrang pagud at sarap. Hindi pa siya magigising kaya hindi ka niya maririnig! Kaya i-enjoy na lang din natin ang gabing ito." "Bitiwan mo nga ako walanghiya ka, ahhh! Bitiwan mo ako sabi, bitaaw!" ***** 03-08-24 @LadyMG

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.0K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook