C-2: Panganib sa Dilim
___
Alam kong madalas na tulog mantika si Hazel lalo na kapag pagud pero bakit naman ngayon pa ito hindi magising?
"Bitiwan mo ako walanghiya ka! Bitiwan mo ako sabi nang, bitaaw!"
"Hmp?"
Bigla niyang tinakpan ang bibig ko upang hindi ako makasigaw, ngunit patuloy akong nanlaban. Babae ako subalit hindi ako ganu'n kahina.
Sinubukan kong pakalmahin ang aking sarili...
Dahil sa pagkakataong ito alam kong walang magagawa ang paghihisterya ko at kailangan kong makapag-isip ng dapat kong gawin.
Pilit akong kumawala, ngunit hindi niya ako hinayaang makaalpas. Nanatiling nakayakap pa rin ito sa akin mula sa aking likuran at patuloy sa pambabastos.
Pilit kong pinatatatag ang aking kalooban sa kabila ng ginagawa nito sa akin.
Nakakadiri man ang ginagawa niyang paghalik sa batok at leeg ko. Ngunit kailangan ko pa rin itong tiisin upang mapanatag ang loob nito.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras dahil alam ko habang tumakbo ang bawat segundo kasabay rin nitong nauubos ang pag-asa ko.
Ang kailangan ko lang makakuha ng bwelo, para magawa ko ang naiisip kong gawin.
Ngayon na...
Naalarma ito kung kaya't bahagyang lumuwag ang pagkakahawak sa akin.
Mabuti na lang sa Papa ako nagmana ng height at sa idad na bente tres nasa 5 ft 9 inches na ang taas ko.
Kaya kahit mas mataas pa rin ito sa akin, hindi naman ako papayag na madehado.
Lumalakad ang oras at mahalaga ang bawat segundo kaya sinimulan ko nang ipunin ang aking lakas...
In split second...
Buong tapang akong yumuko at sa pagitan ng dalawa kong mga paa mabilis na hinila ko ang isang paa ng lalaki, gamit ang dalawa kong kamay.
Nawalan ito ng balanse at tuluyang bumagsak sa sahig.
Nang makita kong pinipilit pa rin niyang tumayo, hindi ko na pinalagpas pa ang pagkakataon upang muli siyang sipain sa kanyang panga hanggang sa muli itong nabuwal.
Hindi ako mahina pinag-train ako ng Papa ng self defense at nakailang session rin ako sa Martial arts. Dahil ang gusto niya maipagtanggol ko ang sarili ko kung kailangan. Ngunit ang buong akala ko noon gusto lang niya akong gawing lalaki.
Ngayon ko lang na-realized na tama ang Papa, dapat kong ipagtanggol ang sarili ko sa ganitong pagkakataon.
Ngunit dahil sa ginawa ko lalo lang nag-umigting ang galit sa akin ng lalaki. Muli pinipilit nitong tumayo ngunit mabuway pa rin ito.
"Put****na kang babae ka!" Nanggigil ito sa galit at pilit nitong pinatatag ang sarili, pilit pa rin itong tumatayo lalo nang makita nito ang dugo na nagmula sa bibig.
Alam kong makakabawi rin ito ng lakas sa mga susunod na sandali. Kaya kailangan ko nang makatakas bago pa man ito makakuha ng tyempo.
Sigurado hindi nito palalagpasin ang pagkakataong makaganti.
Hindi ko pinagsisihan ang aking ginawa. Dahil dapat lang iyon sa kanya!
Hindi na ako nag-isip pa agad kong tinakbo ang pintuan palabas.
"Bumalik ka rito p**yeta kang babae ka, humanda ka sakin kapag inabutan kita, bwisit!" Nanggigil na sigaw nito.
Ngunit tuloy tuloy lang ako sa paglabas ng gate kahit alam kong kasunod ko rin ito.
Subalit bigla rin itong natigilan ng maalala nitong wala itong suot na damit. Kaya bahagya akong napangiti at bago pa ako tuluyang pumasok ng sasakyan.
"Sana rin pagbalik ko hindi na tayo magkita, dahil sa susunod na makita pa kita ulit mas paghahandaan pa kita para naman hindi lang iyan ang maibigay ko sa'yo g*go!" Hindi ko na hinintay na makasagot ito, agad na akong pumasok sa kotse ko at mabilis na pinaandar iyon.
Hindi ko na maaasahan pa si Hazel, hindi ko alam kung bakit naging sila ni Hazel at kung ano ang ginawa niya sa kaibigan ko? Pero sana naman hindi ito masama na tulad ng ginawa niya sa akin.
Ahhh, saka ko na lang ito iisipin at aalamin pagnagkita na kami ni Hazel. Dahil sa ngayon kailangan ko munang isipin ang sarili ko.
Ayoko nang bumalik sa bahay namin kapag bumalik ako patutunayan ko lang ang kahinaan ko. Pag-umuwi ako sa amin mangangahulugan rin iyon ng pagpayag kong makasal kay kuya Lorenzo.
_
Ilang sandali pa ang lumipas...
Ano nang gagawin ko ngayon, saan na ako pupunta? Muli tanong ko sa aking sarili
Nagsimula na namang mangilid ang aking mga luha, magkahalong takot at pangangamba ang bumabalot sa akin.
Ngayong iniisip ko ang kasalukuyan kong sitwasyon. Hindi maiwasang hindi maguluhan.
Paano na ako ngayon?
Tanong na patuloy kong hinahanapan ng kasagutan. Habang lumalaganap na ang dilim sa paligid.
____
"Sigurado ka ba talaga na sa akin 'yan o baka naman sinasabi mo lang para ipitin ako?" Wika ng lalaki na siyang nagdadrive ng sasakyan.
Kasalukuyan nitong tinatalunton ang pababang kalsada.
"Ano bang gusto mong palabasin na niloloko lang kita?" Tugon naman ng babaing katabi nito sa unahan na nasa passenger seat.
"Okay, okay sabihin na natin na, sa akin nga iyan, pero alam mo naman ang sitwasyon natin hindi ba. Bakit hindi ka nag-ingat?" Paninisi ng lalaki sa babae, habang inihihilamos ang kamay sa buong mukha. Tila ba nais na nitong mairita habang patuloy lang ito sa pagdadrive.
"Kung magsalita ka naman parang ako lang ang gumawa nito. Hindi mo man lang ba naisip na mas mahirap ang sitwasyon ko? Dahil tiyan ko ang lalaki at ako ang magbubuntis at ikaw ano bang ganap mo?" Halos tapatan naman ng babae ang pagkayamot na ipinapakita ng lalaki.
"Erika, alam mong hindi pwedeng malaman ng pamilya ko na may relasyon tayong dalawa at ikaw rin. Gusto mo bang mapatay tayo ng asawa mo?!" Muling giit ng lalaki.
"At anong gusto mong gawin ko ha' p'wede ko bang itago na lang ito habangbuhay?" Reklamo ng babaing katabi nito.
"Look, alam mo namang hindi kita p'wedeng panagutan ngayon. Marami pa akong mga plano at makakasira pa 'yan sa mga plano ko. Kaya please hindi p'wedeng malaman ng lahat na ako ang ama ng dinadala mo. Maaari bang ilihim na lang muna natin ito?" Pakiusap ng lalaki sa mahinahon ng tono.
"Hanggang kailan? Natatakot ako, ang akala mo ba hindi agad malalaman ng asawa ko ang tungkol dito. Kahit gustong gusto na niyang magkaroon kami ng anak siguradong malalaman pa rin niya na hindi sa kanya ang bata. Dahil hindi siya tanga kilala ko ang asawa ko!" Giit pa nang babae.
"So, anong gusto mong gawin ko ipagsigawan na nabuntis kita, hindi mo ba kayang gumawa muna ng paraan para lansihin ang asawa mo?
'Para din naman ito sa future natin ah, pansamantala lang naman kapag nagawa ko na ang lahat ng plano ko, maaari na tayong magsama bilang isang totoong pamilya. Akala mo ba wala akong magandang plano para sa ating dalawa, ngayon pa ba ako titigil kung kailan buo na ang tiwala nila sa akin?" Pilit na pinapaliwanag nito kay Erika.
"Ano ba talaga ang plano mo sa babaing iyon, liligawan mo ba siya, pakakasalan ganu'n ba at pagkatapos ano, magsasama kayo sa iisang bubong bilang mag-asawa?
'Habang ako si tanga maghihintay na lang kung kailan mo siya hihiwalayan?!" Sintimyento pa rin ng babae.
"Babe naman, bakit ngayon ka pa nag-iinarte? Alam mo namang kailangan ko lang gawin iyon para mas mapalapit ang loob niya sa akin. Mahirap ba sa iyong intindihin yon ha? Ako rin naman nahihirapan sa tuwing iisipin ko na sumisiping ka sa asawa mo."
"Alam mong matagal nang walang nangyayari sa amin ng asawa ko, kaya nga mas mahirap sabihin na buntis ako. Ang akala lang niya may nangyayari sa amin pero ang totoo lasing lang siya at nakakatulog na siya sa sobrang pagod."
"Yun naman pala, mas mabuti nga kung ganu'n ang nasa isip niya atleast hindi ka na mahirapang palabasin na sa kanya ang bata. Konting lambing lang siguradong maniniwala rin siya sa'yo. Dahil nakikita ko na mahal na mahal ka nang g*g*ng 'yun!" Suhestyon pa nito.
"Pero Hon, ayoko nang patuloy siyang lokohin nakokonsensya na talaga ako, lalo na kapag napakabait niya sa akin. Alam ko rin na may hangganan ang lahat at natatakot ako sa p'wedeng mangyari kapag nalaman na niya ang tungkol sa atin."
"Kaya nga mas dapat kang mag-ingat, isipin mo na lang na ginagawa natin ito para sa future natin lalo na dito sa magiging baby natin." Sabay haplos nito sa maliit pang tiyan ng babae.
Tila nabagbag naman ang kalooban ng babae dahil sa inaktong iyon ng lalaki.
"Hon, talaga bang para ito sa amin ni baby?" Sabay yakap nito sa lalaki habang nag-uumapaw sa tuwa ang puso nito.
"Oo naman saan ko pa ba ilalaan ang lahat ng pinaghihirapan ko kung hindi sa'yo at sa future natin lalo na ngayong magiging tatlo na tayo. Alam mo namang ikaw ang mahal ko kaya nga gusto ko pagnagsama na tayo ay maibibigay ko rin ang lahat ng gusto mo. Hindi ako papayag na mahirapan kayo ni baby sa piling ko." Pilit na kinukumbinsi nito si Erika
Nawala namang parang bula ang mga insecurities ng babe at napalitan ng tuwa at kasiyahan tila nakaramdam rin ito ng kasiguruhan.
After convincing moments...
"Hey, babe! Mamaya ka na lang kaya maglambing ikaw rin, sige ka baka mawala ang konsentrasyon ko sa pagdadrive at ikaw ang i-drive ko!" Sinabayan pa nito ng pagkindat sa babae na lalo pang nagpakilig dito.
Ngunit hindi nakinig si Erika sa halip ipinagpatuloy pa nito ang ginagawang kapilyahan sa binatang katabi.
Ang kamay nitong patuloy na humahaplos sa dibdib ng lalaki ay pinagapang pa nito pababa hanggang sa umabot na sa tiyan ng binata na nagsisimula na ring talaban.
Hindi nito magawang sawayin ang babae, pinagpapawisan na rin ito sa kabila ng malakas na aircon ng sasakyan.
Kaya tuloy hindi nito napansin ang biglang pagsulpot at pag-overtake ng isang motor sa harap nito at nagtuloy tuloy rin sa mabilis na pagdadrive.
Nawalan siya ng control sa manibela at dahil sa kalituhan imbes na brake ang accelerator ang naapakan nito.
Bigla tuloy sumirit ang sasakyan at pumakabila pa sa kabilang lane ng kalsada.
Nataranta na ang lalaki maging si Erika ay nagpanic na rin, mabuti na lang wala pang gaanong dumaraan ng mga sandaling iyon.
Subalit nagtuloy tuloy sa pagbulusok ang sasakyan hindi na ito nagawang pigilan ng lalaki. Tuloy tuloy ito sa pababang kalsada.
___
"Mama... Papa!" Mahinang bulong ko sa aking sarili, habang patuloy na binabagtas ko ang daan. Kasabay sa pagdaloy ng luha sa aking mga mata.
Tuloy tuloy lang ako sa pagdadrive ng walang direksyon at wala ring tiyak na patutunguan.
Madilim na ang paligid kasing dilim ng pag-asa na may iba pa ba akong pagpipilian. Maliban sa daang pabalik muli sa aming tahanan.
Ngunit pilit pa ring tumatanggi ang isip ko. Hindi ako magpapatali sa isang kasal na hindi ako ang pumili.
Dahil iyon na lang ang kalayaan na inaasahan ko para sa aking sarili.
Buong buhay ko ang Papa na lang ang palaging nagpapasya para sa akin.
Paano naman ako, ang mga nais ko at ang kalayaang maranasan din ang tunay na kahulugan ng sinasabi nilang Pag-ibig?
Nahihilam na ang aking mga mata sa luha ng dahil sa matagal na pag-iyak.
Kung sana nadala ko lang ang wallet ko o kahit isang credit card lang, wala sana ako sa sitwasyong ito na parang nangangapa pa rin sa dilim.
Madilim na paligid, mapanglaw na isipan at ang nanlalabong mga mata na hilam na sa luha.
Ito nga ba ang dahilan kung bakit hindi ko na nakita at naiwasan.
Ang isang parating na panganib...
AAHHHHH...
HINDI!
BLAAAG!
*****
05-24-24
@LadyGem25