C-3: TRAGIC DEATH
_
"Hindiii!"
"s**t! Ayaw gumana ng break.."
"Hon, anong gagawin natin a-ang anak nat... ahhh!"
"Kumalma ka lang diyan, humawak ka ng mahigpit at tumahimik..."
"s**t, s**t!" Natataranta nang tugon ng binata, wala itong magawa ng mga oras na iyon.
Hindi gumagana ang break na kanina lang maayos pa nitong nakokontrol.
Kawalan ng pag-asa ang mababakas sa mukha ng lalaki nang muli nitong lingunin si Erika. Matinding takot naman ang nakarehistro sa mukha ng babae.
Subalit wala na siyang magawa upang pigilan pa ang kanilang sitwasyon, kung paano at ano ang kahihinatnan ng lahat... Hindi nito alam!
Ang mga sumunod na pangyayari ay labis na nagpayanig sa buo nitong pagkatao.
Dahil ang biglang paghampas ni Erika sa salamin sa unahang bahagi ng kanilang sasakyan ay hindi niya napigilan. Hindi niya namalayan na nagtanggal ito ng seat belt kanina.
Pero naramdaman niyang may nabangga sila bago nagpa-ikot-ikot ang sasakyan nila at tuluyan nang bumangga ito sa isang malaking puno.
Doon na sila tuluyang huminto saka pa lang siya nakakilos. Pagkalito, pagkahilo, takot at pangamba ang unang rumehistro sa kanyang kamalayan.
Mahinang daing ng isang babae ang gumising sa liyo pa niyang isipan...
"T-tulong!"
"E-Erika?"
Saka lang nito naalala si Erika, pagtingin niya sa babae nakadapa na ito sa ibabaw ng harapan ng kotse. Duguan puno ng bubog at sugat ang mukha at braso.
Nahihirapan na rin itong magsalita at gumalaw, kung pagmamasdan mo ito halos wala na itong buhay ngunit tila ito lumalaban pa rin at humihingi ng tulong sa mahina at paos ng tinig.
Agad na kumilos ang binata kahit hirap din dahil sa tinamong galos at sugat, lalo na ang nasaktang kanan nitong paa. Pinilit ng lalaki na buksan ang pinto sa gawi ng driver seat.
Palabas na sana ito ng muli itong makarinig ng isa pang boses ng babae kaya saglit na natigilan.
Hindi siya maaaring magkamali dahil pamilyar ang boses.
Biglang nagflashback ang nakaraang pangyayari sa isip ng lalaki saka pa lang nito naunawaan ang lahat.
Hindi!
Nayanig ang buo nitong kamalayan pagkakita sa babae sa labas ng sasakyan.
"Y-yana?!" Nasa isip nito ng makita at makilala ang babae.
Si Yana ang sakay ng sasakyang nakabangga nila kanina ang bulong ng isip nito.
"Hindi ako p'wedeng makita at makilala ni Yana!" Sinikap nito na ikubli ang sarili, mabuti na lang lito pa ang babae at kay Erika naka-focus ang buong atensyon ni Yana.
Marahan niyang binuksan ang pinto sa gawing kaliwa at padausdus siyang lumabas. Hindi siya maaaring makita ni Yana na kasama si Erika.
Dahil masisira ang lahat ng pinaplano niya at mauuwe lang ito sa wala.
Nagpalinga linga siya sa paligid wala pang tao ng mga oras na iyon. Muli niyang pinagmasdan si Erika at saka si Alyana.
Dahil wala na siyang magagawa pa para kay Erika sa kalagayan nito ngayon sigurado siya mahihirapan na itong makasurvive at kailangan pa niya si Alyana.
"Patawarin mo ako Erika, hindi ko pala kayang isakripisyo ang lahat lahat ng pinaghirapan ko para sa'yo. Dahil sa pagkakataong ito mas kailangan ko si Yana kaya siya ang pipiliin ko." Muling bulong nito sa sarili.
Dahan dahang lumabas ng sasakyan ang lalaki, nakatulong ang madilim na paligid at ang tulirong si Yana.
Sinamantala nito ang pagkakataong iyon upang magkubli sa gilid ng kalsada.
Ang buong akala ni Yana ang babaing nakadapa sa labas sa unahang bahagi ng kotse ay ang driver ng sasakyang nabangga niya. Nakita pa niya itong gumalaw at tila humihingi ng tulong.
Subalit ilang saglit pa bigla na lang itong nawalan ng malay kaya lalong nataranta si Yana at natakot.
Pag-silip niya sa loob ng sasakyan natiyak niyang walang ibang kasama ang babae kaya nasiguro niyang ito nga ang driver.
Subalit wala siyang kamalay malay na, mabilis na nakaalis ang imahe ng isang lalaki sa loob upang magtago.
Kasabay ng pangako nito sa sarili na magmula sa araw na iyon. Ang lahat ng nangyaring ito ay sabay sabay nitong buburahin sa isip at maging si Erika o ang ano mang bagay na may kaugnayan sa babae.
Mula ngayon magpo-focus na lang ito sa nag-iisang anak ni Amado Salvador si Alyana Salvador!
___
Magkahalong takot at pagkalito ang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon.
Isa lang ang naisip kong gawin kahit labag man sa aking kalooban...
"Papa... sagutin mo Papa!" Puno ng pangambang sigaw ng isip ko.
"Hello po, Papa!"
"Yana nasaan ka, o bakit nagsisisi ka na ba? Akala mo siguro ganu'n lang kadali..." Hindi na nito naituloy pa ang ibang sasabihin.
Inunahan ko ito ng salita.
"Please... Papa tulungan mo ako, nakabangga ako patay na yata siya! Anong gagawin ko Papa?" Umiiyak na pakiusap ko sa Papa.
"Ha, a-ano?"
_
Kanina lang naisip kong takasan na lang ang lahat para menos problema lalo na at wala pang tao.
Subalit mas pinili kong harapin ang sitwasyon. Hindi ko kasi gustong usigin ako ng aking konsensya kung basta ko na lang iiwan ang babae.
Hanggang sa unti unting dumami na ang mga taong nakikiusyoso at may mga tumulong na rin at tumawag ng Ambulansya lalo na nang pulis na mag-iimbestiga.
Dead on the spot, iyon ang narinig kong sinabi nila. Dahil hindi na rin ito muling nagkamalay pa...
Parang alon lang na sumugpa sa aking harapan ang lahat at hindi ko nagawang pigilan ni ang iwasan.
Katangahan bang harapin ko ang katotohanan na may nagawa akong pagkakamali? Kahit may pagkakataon sana akong tumakas.
Sino ba ang magsasabi na wala akong kasalanan? Patay na siya at napatay ko siya, kasalanan ko!
Nagpatangay na lang ako sa agos, kasabay ng pagdaloy ng luha sa aking mga mata. Hindi ko na alintana ang mga salitang binibigkas ng pulis habang isinusuot nito ang posas sa aking mga kamay.
Naramdaman ko na lang nang bigla akong yakapin ng Mama, kasama na nito ang Papa.
Ang kaninang mahina kong pag-iyak ay nauwe na sa hagulgol.
Parang nagsisisi na tuloy ako kung bakit umalis pa ako sa bahay namin?
Ito ba ang kabayaran sa aking ginawang pagsuway?
"Yana anak, anong ginagawa n'yo bakit n'yo pinoposas ang anak ko, Amado si Yana?" Umiiyak na baling ng Mama sa Papa.
"Mama, Papa!"
Magsisi man ako alam kong huli na, lumuluha akong napatitig sa aking Papa kalakip ang ibat ibang emosyon.
Pagsisisi, paghingi ng tawad at awa ang isinisigaw ng isip ko at sinasabi ng mga mata.
Kung kanina nagawa kong takasan ang kamalasang nangyari sa akin, ngunit sa pagkakataong ito...
Paano na, paano ko ba tatakasan ang insedenteng ito kung nakapatay ako?
"Papa, hindi ko sinasadya..." Saad ko.
"Alam ko anak, lakasan mo lang ang loob mo hindi ka pababayaan ni Papa at ni Mama ha, hindi ako papayag na makulong ka naiintindihan mo ba? Makinig ka anak kakausapin ko lang ang ating abogado at si Lorenzo, hintayin mo kami doon!" Tila ba nakakaunawang pangako ng Papa.
Subalit narinig ko na naman ang pagbanggit niya sa pangalan ni kuya Lorenzo. Mukhang sa kanya na naman kami aasa, kaya dalawang bagay lang ang kahahantungan ko kasalan o kulungan?
Mahigpit na yakap na lang ang naging tugon ko sa kanila, bago ako sumakay ng pulis mobil papuntang presinto.
Bahala na...
Saka ko na lang iisipin ulit ang pagtakas kapag naroon na ako.
___
"Tok, tok!"
"Yes, come in..."
"Excuse me, Sir may mga pulis po sa labas naghahanap po sa inyo." Saad ni Cleo ang matagal ko nang secretarya matapos itong kumatok.
"What is this for Cleo?" Kunot ang noong tanong ko kay Cleo, nang hindi inaalis ang tingin sa harap ng computer. Busy ako ngayon dahil sa tambak na trabaho.
"Eh Sir, gusto daw po nila kayong makausap may nangyari po kasi..." Pag-angat ko ng tingin nahalata ko agad ang pagkabalisa sa kilos ni Cleo.
"Hindi ba sinabi kong busy ako ngayon kaya ayokong maistorbo?"
"Pero Sir, tungkol po kay Ma'am Erika ang sadya nila."
Muling napaangat ang ulo ko sa sinabi nito lalong napakunot ang aking noo.
Nakapagtataka?
Hindi naman talaga ako iniistorbo ni Cleo kapag busy ako maliban kung emergency o napaka-importante nito. Kaya sigurado na may pasalubong na namang problema ang asawa ko.
"Anong tungkol kay Erika, hindi ba nasa Hongkong ang asawa ko, Cleo?" Usisa ko.
"A-ano kasi Sir..."
"Okay sige na, papasukin mo na lang sila!" Iritable nang utos ko, na agad namang sinunod nito.
Parang alam ko na, isang kalokohan lang ang pagpunta nito sa Hongkong.
_
"Mr. Nathaniel Enrique dela Peña?"
"Tariq dela Peña, Sir! Ano po ba ang maipaglilingkod ko sa inyo at nagsadya pa kayo dito. Binigyan ba kayo ng problema ng asawa ko?"
"Ah, h-hindi ho Sir! Naparito kami para sabihing nasangkot po sa isang aksidente ang asawa n'yo. Ikinalulungkot po naming sabihin pero, patay na po siya..."
"Hindi! Niloloko n'yo ba ako?"
Hindi ako makapaniwala, pakiramdam ko biglang may dumagan na mabigat na bagay sa dibdib ko at hindi agad lumabas ang hangin sa loob nito.
Sobrang bigat parang ibig ko na lang mabuwal at huwag nang tumayo pa. Ilang beses ko ring hiniling na sana mali ako ng dinig.
Ngunit tila kay damot ng tadhana.
Dahil sumambulat pa rin sa akin ang katotohanan na wala na nga talaga si Erika. Dahil narito na siya ngayon sa loob ng morgue ng ospital na pinagdalhan nila sa asawa ko.
Isa nang malamig at wala nang buhay na katawan ni Erika ang nakahain sa aking harapan.
Puno ng galos, pasa at sugat ang halos buo nitong katawan partikular sa mukha na halos hindi na ito makilala.
Ang dating maganda nitong mukha na lalong tumitingkad sa tuwing nagme-make up. Pero ngayon hindi na magagawang takpan pa ng kahit anong uri ng pampaganda ang mga tinamo nitong sugat.
Kung pwede nga lang ikaila na hindi ito si Erika, hindi ito ang aking asawa. Paulit-ulit ko itong isisigaw, subalit ang katotohanan ay hindi na magbabago pa...
___
"Put***ina! Sinong gumawa sa'yo nito? Hay*p sila, magbabayad ang sino mang gumawa sa iyo nito, mga hay*p sila...
'Ahhh!"
Para akong isang bulkan na ngayon lang sumabog pagkatapos kong makita ang tunay na kalagayan ng aking asawa.
Sa sandaling iyon gusto ko ring basagin ang mukha ng taong may kagagawan ng lahat ng ito.
Nanginginig ang buo kong kalamnan halos maglabasan rin ang ugat sa aking mga braso habang mariing nakaikom ang aking mga kamao.
Pilit kong pinipigilan ang galit ko subalit naghuhumiyaw sa aking isip...
Kung sino ka mang hay*p ka papatayin kita!
Si Erika ang lahat lahat sa buhay ko pero narito siya ngayon, malamig at wala nang buhay.
___
Makalipas lang ang ilang araw hindi ko na pinagtagal pa ang burol ni Erika. Sapat nang nalaman ng mga malalapit naming kaanak at ilang mga kaibigan ang nangyari kay Erika.
Hindi nakabukas ang kabaong sa burol ni Erika. Dahil ayokong pagpiyestahan pa ng kahit sino ang kalagayan ng asawa ko.
Si Erika ang pinaka-banidosang babae na nakilala ko. Ayaw niyang makita ng iba kahit pa ang pinaka maliit na taghiyawat sa kanyang mukha. Pero dahil sa nangyari ano pang mukha ang ihaharap niya ngayon.
Batid ko na ang lahat ng nangyari at alam ko rin na babae ang nakabangga kay Erika. Subalit nagawa pa nilang palabasin na si Erika ang bigla na lang bumangga sa sasakyan ng babaing iyon.
Si Erika pa ang pinalalabas nilang may kasalanan siya na nga ang namatay! Ang asawa ko pa ang may kasalanan ng sarili nitong kamatayan.
Hindi ko siya mapapatawad! Kung nagawa niyang lusutan ang parusa ng batas, p'wes sa parusa ko hindi siya makakaligtas!
Lalo na at nalaman ko na hindi lang pala si Erika ang dapat kong ipagluksa. Dahil sa isa pang buhay na nasayang at nawala.
Ang matagal na sana naming pangarap, ngunit kasama na rin ni Erika ngayong ililibing ang aming pangarap, na anak...
Hay*p siya, magbabayad siya sa ginawa niya sa iyo at sa ating anak, hindi ko siya mapapatawad!
Ipnapangako ko sa'yo Erika, magbabayad ang may gawa sa inyo nito. Magbabayad siya hanggang sa kahuli- hulihan niyang hininga!
*****
04/16/25
@LadyGem25