BITTER KISS

1763 Words
C-6: STRAINED KISS ___ Na-shocked ako ng bigla na lang niya akong binitiwan, I did'nt expect that he would do this to me. Mabuti na lamang mabilis akong napahawak sa gilid ng kama. Kung hindi, malamang na sa sahig ako bumagsak. Pagharap ko nakita kong ngingisi-ngisi lang ito na parang wala lang ang ginawa nito sa akin. Bigla kong naitanong sa aking sarili... Nasaan na ang Renz na kilala ko? "Okay, okay kung ayaw mong masaktan hindi na kita sasaktan at hindi na rin ako magpipilit na halikan ka. 'Dahil ang gusto ko..." Lumapit muna ito sa akin at pumuwesto sa aking likuran. Dahil sa kaba hindi ako nakagalaw lalo na nang maramdaman ko ang labi nito na malapit sa aking tainga. Saka lang ito nagpatuloy... "Ang gusto ko ikaw ang humalik sa akin, Alyana!" Marahas rin akong napalingon, napatda at hindi ko alam ang gagawin. "A-ano?" Kung tutuusin wala naman talagang problema kay Renz, gaya ng sabi ng Papa. Gwapo ito, matalino at alam ko rin na malinis ito sa katawan. Kaya mabango at batid ko ring marami ang babaing nangangarap na mapansin nito. Kahit pa noon nag-aaral pa kami marami sa mga naging kaklase ko ang nagpapalakas sa akin ilapit ko lang kay Renz. Subalit iba ang nararamdaman ko at hindi ko magawang kumbinsihin ang sarili ko na tanggapin siya sa puso ko sa paraang gusto niya. Kaya anong magagawa ko? "Ano ba Alyana, naiinip na ako hahalikan mo ba ako o hindi?!" Ulit na salita nito na ikinatigagal ko at muling bumalik ang isip ko sa riyalidad. Desidido ba talaga ito sa gusto nitong mangyari? Nagsisimula na naman tuloy akong kabahan, kaba na kanina pa nagpapahina sa aking sistema. "Hindi pa tayo kasal baka nakakalimutan mo?" Lakas loob na protesta ko, kahit na hindi ako sigurado kung tatanggapin nito ang alibi na naisip ko. "Ano, p*ta halik pa lang ang hinihingi ko sa'yo hindi ang buong katawan mo. Pero kung gugustuhin ko na kunin ka ng buo alam mong magagawa ko 'yun! Ano iyon ba ang gusto mo ha?" Pagkadismaya nito sa sinabi ko. Muli marahas na naman niyang hinila ang braso ko upang mapalapit ako sa kanya. This time, halos masubsob na ako sa dibdib ni Renz kaya wala akong nagawa kun'di itukod ang mga kamay ko sa kanya upang kahit paano magkaroon kami ng distansya sa isa't-isa. "Renz huwag mong gawin sa akin ito please, bitiwan mo na ako!" Sinisikap ko siyang pakiusapan. Baka sakaling makinig siya sa akin, subalit hindi. Dahil tila wala siyang pakialam sa nararamdaman ko. Kaya nagpilit na akong kumawala, binitiwan naman niya ako at walang pakundangang itinulak kaya napahiga na ako sa ibabaw ng kama. Tumama pa ang balakang ko sa gilid niyon ngunit hindi ko na iyon binigyang pansin. Mas sinikap kong makakilos upang iwasan si Renz dahil tinangka nitong sumunod sa akin sa ibabaw ng kama. "Bakit ba ang arte mo magiging akin ka rin naman hindi ba? Dahil wala namang ibang makikinabang sa'yo kun'di ako lang, alam mo kung bakit? Dahil kasama ka sa benepisyo ko. Kabayaran sa 'yun sa paglilinis ko sa mga kalat mo at pag-aayos ko ng mga gusot na ginagawa mo! Kaya deserved ko lang naman na makuha kung ano ang dapat na para sa akin at kasama ka na dun. Dapat nga magpasalamat ka pa sa akin dahil sinagip pa kita. Kung hindi sa talino ko at diskarte sana nasa kulungan ka pa rin hanggang ngayon. Utang na loob mo sa akin ang kalayaan mo, 'yan ang itanim mo sa utak mo! Kaya huwag na huwag mo akong aartehan naiitindihan mo?!" Tungayaw niya sa akin habang dinuduro niya ako. Nanlulumo ako sa ugaling ipinakikita niya sa akin ngayon kaya't nagsisimula na rin akong magtaka at malito. Bakit siya nagkakaganito? "Parang hindi na kita kilala, hindi ka naman dating ganyan. Galit ka ba sa akin Renz?" Sinusubukan ko siyang intindihin, baka meron lang akong nagawa na hindi niya nagustuhan kaya nagbago na siya ng pakikitungo sa akin. "Nagbago, tanga ka ba? Ganito na ako noon pa, kaya kung noong una nagagawa mo pa sa akin ang mga katarayan mo ngayon hindi na ubra sa akin yan! Pinagbibigyan lang kita para makuha ko ang simpatya ng Papa mo. Ngayong nasa akin na ang tiwala niya ako na ang masusunod kaya umayos ka. Hindi na uubra sa akin ngayon ang pagka-spoiled brat mo! Dahil ngayon sigurado na ako na hindi mo na, ako matatakasan. Dahil ikaw rin ang mawawalan kapag ginawa mo 'yun. Kaya kung ako sa'yo gamitin mo na lang 'yang utak mo pakasalan mo ako, kung ayaw mong mawala ang lahat sa'yo. Dahil kun'di ka magpapakasal sa'kin mawawala lang naman ang lahat sa'yo at malamang sa kulungan ulit ang bagsak mo, naiintindihan mo ba?!" Parang nakakasiguro na ito sa sitwasyong kahahantungan ko. Tila may halo na ring pananakot ang tono ng kanyang mga salita. "Tinatakot mo ba ako Renz? Kung alam lang ng Papa na ganyan ang ugali mo. Siguradong hindi ka niya magugustuhan at lalong hindi ka niya pagkakatiwalaan." Hindi na ako nakatiis na hindi siya sumbatan, hindi nga lang ba namin nakita ang tunay niyang ugali? Pero bakit ganu'n mga bata pa kami magkasama na kami, bakit bigla na lang siyang nagbago, anong nangyari sa dating Renz? "Kasalanan ko ba na tanga ang Papa mo at sobra siyang nagtiwala sa akin kaysa sa'yo ha?" Matapos nitong sabihin iyon muli itong humalakhak. Napailing ako at hindi ako makapaniwala na ganito ang tunay na Renz na minsan ay itinuring kong kapatid. "Ang sama mo, sasabihin ko sa Papa ang tunay mong ugali, na isa kang peke at mapagkunwari. Malalaman niya ang lahat ng ito at kung ano ang tunay mong kulay." May pagbabanta ang binitiwan kong salita at saka sinabayan ko ng talikod. Tinangka kong lumabas subalit hindi niya ako hinayaan. Hindi ko inaasahan na magagawa pala niya akong saktan... Pahablot niyang hinila ang buhok ko upang mapalapit ulit sa kanya. Pilit niyang inilapit ang mukha ko sa kanyang mukha, wala siyang pakialam kahit nasasaktan na ako. Pilit kong inaalis ang malaki niyang kamay na mariing nakahawak sa buhok ko. Subalit hindi ko magawa at sa bawat paggalaw ko sobrang sakit ang nararamdaman ko. "Renz, nasasaktan na ako bitiwan mo na ako please!" May kasama nang luha ang pakiusap ko subalit parang hindi man lang ito natinag. Natatakot na rin kasi ako... "Talagang masasaktan ka kapag hindi ka natutong sumunod sa akin!" Banta pa nito. "H-hindi na ako magsusumbong, pangako bitiwan mo na ako." Muling pakiusap ko. "Gaga! Akala mo ba natatakot ako kahit magsumbong ka, bakit sa tingin mo ba sino kaya sa ating dalawa ang mas paniniwalaan ng iyong Papa ha, ikaw ba?" Kumpiyansang saad nito saka ito muling tumawa. Bahagyang lumuwag ang pagkahawak nito sa akin kaya't nagawa kong dumistansya. Nagpatuloy naman ito sa pagtawa, tawang punong puno ng tiwala sa sarili. Tawang bumibingi na rin sa aking pandinig at habang tumatagal nakakairita na, hindi ko na gustong marinig pa. Ngunit tila hindi pa sapat ang dalawa kong kamay para matakpan ang aking mga tainga. "Ano kaya kung pasayahin mo na lang ako para gumaan naman ang loob ko sa'yo. Tama halika na dito sa tabi ko, ano ba 'yun magkaroon muna tayo ng konting practice para sa ating honeymoon. Saan mo nga pala gustong i-spend ang ating honeymoon? Ang sabi ni Tita sa akin kanina gusto mo raw bumalik tayo ng Australia. Kung iyon ang gusto mo, okay sige bumalik tayo doon. Pero ngayon p'wede bang 'yun munang gusto ko ang pagbigyan mo?!" Hindi ako sigurado kung utos ba iyon o pakiusap. Muli nitong inilapit ang mukha sa akin ngunit mabilis akong umiwas. "Renz!" "Aartehan mo na naman ba ako, gusto mo na naman bang masaktan?" Gigil na hinatak na naman niya ako sa braso. "H-hindi, a-ano lang kasi... Alam mo naman na wala pa akong karanasan. Gusto ko lang naman na maging handa ako bago ko ibigay sa'yo ang sarili ko. Alam ko na ikakasal na tayo at tanggap ko na 'yun hindi lang dahil ayokong makulong. Sabi nga ng Papa ikaw lang ang p'wede kong pagkatiwalaan ng buhay ko at alam ko naman na aalagaan ako. Tulad ng dati kung paano mo ako protektahan noon hindi ba?" Tumango naman ito habang marahan kong hinahaplos ang kanyang mukha. Kailangan ko siyang kumbinsihin at mapaniwala sa akin. Dahil ko talaga kayang ibigay sa kanya ang sarili ko. "Mabuti naman at alam mo na ako lang ang pwede mong pagkatiwalaan at asahan." Namumungay ang mga matang saad nito. Mukhang bumibigay ito sa paglalambing ko, kaya mas inigihan ko pa at nilapatan ng lambing maging ang aking tinig. "Ikaw lang naman talaga ang inaasahan ko mula pa noon at alam mo 'yan. P'wede ba akong makiusap maaari bang hayaan mong ipreserved ko muna ang sarili ko hanggang sa araw ng ating kasal? 'Ibibigay ko naman talaga ang sarili ko sa'yo ng buong buo sa araw na iyon. Dahil iyon lang naman ang pwede kong ipagmalaki at ang bagay na p'wede kong iregalo sa'yo sa lahat ng ginawa mo para sa akin. Kaya sana hayaan mo munang ihanda ko ang sarili ko para sa'yo sa araw na iyon, please Renz!" Sadyang inihilig ko pa ang ulo ko sa kanyang dibdib upang makuha ko ng lubusan ang kanyang pagtitiwala. Alam ko konti na lang makukuha ko na ang kanyang loob konti na lang... "Okay, but promise me you will be a good girl from now on okay..." "Yes, of course!" Isang matamis na ngiti ang pilit kong ipinamalas sa kanya. Sadya kong pinasigla ang aking sarili, muli kong ipinamalas sa kanya ang ugali ko noon sa tuwing may hihilingin ako sa kanya. Kahit ibig nang malaglag ng mga luha sa aking mga mata. Ibayong pagpipigil pa rin ang ginawa ko upang hindi ako ipagkanulo nito. Muli namang inilapit ni Renz ang mukha sa akin at alam ko nasa isip niya na halikan ako. Kaya kahit na katiting na pagtutol hindi ko ginawa. Hinintay ko pa nga ang paglapat ng labi ni Renz sa labi ko... Sabi nila ang halik daw ay masarap at walang kasing tamis lalo na kung ito ay ang una mong halik. Dahil iyon rin ang palaging ikinukwento sa akin ni Hazel. Ngunit bakit ganu'n wala naman akong malasahang tamis, puro pait lang ang nalalasahan ko. Sobrang pait na kailangan kong tiisin sa ngayon, kaya hinayaan ko lang si Renz sa ginagawang paghalik sa akin. Subalit ang mga luhang kanina pa nag-uunahan sa pag-alpas ay tuluyan nang nalaglag mula sa aking mga mata. Kasabay ng halik na walang kasing pait! ***** 05/15/25 @LadyGem25
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD