MY BESTFRIEND PLAN

1961 Words
C-7: BEFORE THE WEDDING ____ "Ano ka ba Bes, kanina ka pa iyak ng iyak d'yan ah? Gusto mo ba talagang lumakad patungo sa altar na maga ang mga mata?" Komento ni Hazel. Narito kami sa loob ng kwarto ko dito rin matutulog ngayon si Hazel. Dahil bukas na ang kasal namin ni Renz, kahapon lang kami muling nagkita ni Hazel mula pa nang araw na iyon. Hiniling ko kasi na si Hazel pa rin ang maging Brides maid ko. Kahit alam ko na tutol ang Papa at si Renz hindi pa rin ako pumayag na tumanggi sila kahit ito na ang huling hihilingin ko. Sino pa ba ang pwede sa posisyong ito? Siya lang naman ang nag-iisang kaibigan ko at bestfriend. Si Hazel ay anak sa pagkadalaga ng kapatid ng dati kong Yaya na si Yaya Diding nag-abroad kasi ang kapatid nito at muling nakapag-asawa kaya naiwan si Hazel sa pangangalaga ni Yaya Diding. Dahil sa tagal na rin ng paninilbihan ni Yaya Diding sa amin kaya naman madali niyang napapayag ang Papa na pumisan si Hazel sa bahay at dahil na rin sa akin para daw may kasama ako palagi. Ngunit nagsimulang magbago ang lahat nang magsimula na rin kaming magdalaga ni Hazel. Dahil lumaki kami na malaki ang pagkakaiba. Kung bakit aloof ako at malayo sa iba siguro dahil na rin sa pagiging over protective ng Papa ko at ni Renz. Kaya ilag ang lahat na kaibiganin ako si Hazel lang ang nakakalapit sa akin at madalas sinasabi ng iba na KJ daw ako at may pagka-nerd kumilos. Pero noon 'yun, noong hindi ko pa binabago ang sarili ko. Dahil na rin sa pangungumbinsi ni Hazel unti-unti sinikap kong baguhin ang aking sarili. Mula sa pananamit, kilos, galaw at pag-aayos tinulungan ako ni Hazel na i-enhance ang beauty figure ko. Ang sabi nga ni Hazel, kagandahan daw na palagi ko na lang itinatago. Ngunit ng dahil din doon mas naging mainit ang mata ng Papa kay Hazel at ganu'n rin ni Renz. Mula kasi noon dumami rin ang manliligaw ko matanda o bata man sa akin. May isang negosyante pa nga na nag-alok ng malaking invesment sa Papa kapalit ng kasal. Ngunit lahat ng iyon kinailangan kong i-reject dahil na rin sa suhestyon ng Papa. Ngayon alam ko na kung bakit gusto ng Papa na tanggihan ko ang lahat ng manliligaw ko at dahil iyon kay Renz. Sinasabi pa nila na masamang impluwensiya si Hazel sa akin. Ngunit palagi kong ipinagratanggol ang kaibigan ko. Si Hazel lang kasi ang kakampi ko sa bahay namin kaya kung pwede nga lang ayoko siyang mawala sa tabi ko. Magkasama na kami simula pa man noong Elementary. Sabay rin kaming nagkolehiyo kasama si Renz ngunit ahead ito sa amin ng dalawang taon. Nagkahiwalay nga lang kami nu'n magsimula na siyang magtrabaho at ako naiwan lang sa bahay. Isang buwan ko rin kayang iniyakan ang aming paghihiwalay. Bago ko pa na-convince ang sarili ko na talagang kailangan naming maghiwalay upang bigyang daan ang kalayaan ng bawat isa. Dahil alam ko naman na hindi ko siya pwedeng itali sa akin habangbuhay. Paraan din yun para matuto na rin daw akong mag-isa. Pero hindi naman kami talagang naghiwalay dahil halos araw araw din kaming nag-uusap, nagkukwentuhan hindi man kami magkita lagi naman kaming magkausap sa phone. Maliban lang nitong huling mga araw mula ng araw na manggaling ako sa apartment ni Hazel. Hindi ko na rin sinabi sa kanya ang nangyari sa akin sa apartment. Dahil sa tingin ko hindi pa niya alam ang tungkol sa nangyari, marahil hindi rin ipinaalam sa kanya nang bwisit na lalaking iyon. At hindi rin kasi nabanggit ni Hazel ang tungkol doon kaya hindi na rin ako nagsalita pa. Ngunit sigurado ako na walang kamalay malay si Hazel sa ginawa ng lalaking iyon sa akin. Siguro sasabihin ko na lang sa kanya sa ibang pagkakataon. Bigla ko ring naalala, nakita ko na nga ang lalaking iyon sa Building rin na pag-aari ng mga Dela Peña. Marahil du'n rin ito nagtatrabaho hindi lang ako sigurado kung kaanak nga ba ito ng mga Dela Peña? _ "Hey, Bes anong nangyayari sa'yo okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala ah, ano ba kasi ang iniisip mo may problema ba, ha?" Seryosong tanong ni Hazel sa akin nang mapansin nito ang pananahimik ko. "Bes, ayoko talagang magpakasal kay Renz tulungan mo naman ako!" Deretso at walang ligoy na tugon ko sa kanyang tanong sa nagpapaawang tono. "A-ano? Pero ang sabi ng Papa mo sa mga kaibigan niya kanina, matagal na daw kayong may pagtingin sa isa't-isa at ngayon lang kayo nagkaroon ng lakas ng loob na iparamdam iyon." Nasa mukha nito ang pagtataka. "Iyon lang ang gusto niyang palabasin sa harap ng lahat para naman hindi mapahiya si Renz at hindi rin sila makahalata na pinilit lang nila akong magpakasal." Nasabi ko na rin ang totoo kay Hazel ngayon lang kasi ako nakatyempo para sabihin ito sa kanya. "Pero mukhang okay naman kayo ni Renz ah? Hindi ko nga nahalata na napipilitan ka lang kung hindi mo sinabi sa akin ngayon, iisipin ko na may pagtingin talaga kayo sa isa't-isa. Kahit na nagulat talaga ako na bigla na lang kayong magpapakasal. 'Dahil sa pagkakaalam ko nga totoong kapatid o kuya ang turingan nyong dalawa ni Renz. Ang dalas mo kaya siyang ipagtanggol sa akin, kaya hindi na rin ako magtataka na baka nga mula sa pagiging kuya, totoo ngang na-in love ka na sa kanya." Muling saad nito. "Hindi magyayari iyon!" Giit ko. "Bakit naman hindi, hindi naman mahirap mahalin si Renz, Bes. Kung tutuusin nga bagay naman kayong dalawa at saka sa itsura wala namang problema gwapo naman yung tao, matalino, may maayos at magandang trabaho. Saka magkalapit talaga ang pamilya n'yo pareho pa kayo ng estado sa buhay kaya bagay na bagay kayo talaga. "Pero wala akong nararamdaman sa kanya Bes, maliban sa pagmamahal bilang kapatid. Pasensya na, kung ngayon ko lang ito nasabi sa iyo. Hindi ko rin akalain na seryoso ang Papa na ipagkasundo ako kay Renz." "Huwag mo nang alalahanin iyon, naiintindihan naman kita. Pero bakit hindi mo na lang subukan malay mo matutuhan mo ring mahalin si Renz." Suhestyon pa ni Hazel. "Hindi, hindi mangyayari 'yun! Dahil iba ang nararamdaman ko kay Renz para kasing may kakaiba siyang ugali na ngayon ko lang nakikita." Wika ko. "Mabuti naman at nahalata mo na rin ang tago niyang ugali." Makahulugang tugon ni Hazel. Ang ibig bang sabihin alam na nito ang tungkol doon? Bigla tuloy akong napaisip... "Anong ibig mong sabihin, halata mo rin ba na may nag-iba sa ugali niya?" Deretsong tanong ko. "Matagal ko nang nararamdaman na parang may kakaiba nga kay Renz at parang mayroon itong itinatago. Kaya lang hindi ko ito masabi sa'yo. Bukod sa pakiramdam ko lang iyon ayokong makadagdag pa iyon sa pagkadisgusto sa akin ni Sir Amado." Pag-amin nito. "Pero bakit hindi mo pa rin sinubukang ipaalam sa akin?" "Alam kong mataas ang pagtingin n'yong mag-ama kay Renz. Bakit sa tingin mo ba kung sinabi ko sa'yo ang bagay na iyon, noong mga panahong iyon paniniwalaan mo ako lalo na kung wala naman talaga akong basehan maliban sa kutob lang?" Tanong nito. "Hayaan na nga lang natin iyon, pero ngayon ano nang gagawin ko paano ko ba matatakasan ito?" Muli tanong ko. Lumalakas ang loob ko kapag kasama ko na si Hazel ngunit ano pa ba ang p'wede kong gawin? "Ano nga ba? Kaya pala bantay sarado ka at sa tingin ko palaging nakamata sa iyo si Renz." Saad nito ngunit batid ko na gumagana na rin ang isip ni Hazel. "Sinabi mo pa, kaya tulungan mo naman ako, anong gagawin ko? Pakiramdam ko bibitayin na ako bukas!" Pakiusap ko, kasabay ng pag-asang matutulungan ako ni Hazel. "Grabe naman to' bitay agad! Saglit lang nag-iisip pa ako..." Saglit itong tumahimik. "Talaga, tutulungan mo ako?!" Napayakap ako sa kanya dahil sa tuwa sabi ko na nga ba hindi niya ako matitiis. "Oo na, sige na mag-iisip pa ako kung ano ba ang magagawa ko, hayaan mo lang muna akong makapag-isip okay?" "Okay!" Alam ko naman na hindi talaga ako pababayaan ng Bestfriend ko. Basta sinabi niya gagawin niya ang lahat para matulungan ako. _ Ilang saglit pa ang lumipas bigla na itong napangiti. Dahil rin sa ngiting iyon nakaramdam ako ng pag-asa. Ang ngiti nito na tila senyales na may naisip na ito. Ngiting puno rin ng kompiyansa at pagharap nito sa akin ay deretso nitong hinawakan ang aking mga kamay. At the moment, magkaharap kaming nakaupo sa ibabaw ng kama. Kahit pa medyo late na wala pa rin sa isip ko ang matulog. Hangga't hindi pa ako sigurado sa magaganap bukas. Beside wala na rin naman akong pakialam kahit mapuyat ako o kahit pa magkaroon ako ng makapal na eyebags o kahit pa nga magmukha akong multo. "Ano may naisip ka na ba?" Excited nang tanong ko kay Hazel. "Oo kaya lang hindi ko lang alam kung papayag ka? Medyo weird kasi at saka delikado pero kung minsan naman effective. Ang totoo natatawa pa ako sa ganitong sistema pero ito pa pala ang unang maiisip ko para matulungan ka." Wika nito na lalo lang nagpasabik sa akin na malaman kung ano ba ang naisip nito? "Hazel naman, p'wede sabihin mo na kung ano ba talaga yung naisip mo na yan?" Eksaherado ko nang tanong. "Okay ganito kasi yun, may isa akong kakilala na ganito ang trabaho, ang totoo sikreto lang ito at hindi alam ng iba na ganito ang trabaho niya. Dahil isa siyang Wedding intruder pamilyar ka na ba sa ganitong gawain? Ito yung mag-gegate crash sa isang kasalan tapos magpapanggap na buntis o di kaya asawa ng groom o bride para mapigilan yun kasal. Kung gusto mo pwede ko siyang kausapin para pigilan ang kasal n'yo ni Renz?" Tanong at mungkahi na rin nito. "Sa tingin mo ba maniniwala si Renz sa ganu'n sitwasyon? Paano kung hindi ito magtagumpay at hindi pa rin pumayag si Renz na hindi ituloy ang kasal?" Nag-aalalang tanong ko. "Ano ka ba Bes? Hindi naman si Renz ang kailangang maniwala kundi ang mga taong nakapaligid sa inyo at kasama na ang Mama at Papa mo. Ang mahalaga lang naman masira natin ang kasal. Kung may eksenang mangyayari pwedeng makatulong na hindi matuloy ang kasal. Ano sa tingin mo?" Muling tanong nito. Bigla akong napaisip, tama kung may gagambala sa kasal namin bukas p'wedeng mapostpone ito. Hindi man tuluyang ma-distract ang Papa at least maaari pa akong makagawa ng ibang paraan sa susunod. "Okay naiintindihan ko na, ngunit paano naman natin ito gagawin?" "Syempre, kailangan natin itong pagplanuhang mabuti para mas maging effective." "Pero wala nang panahon, bukas na ang kasal ko remember!" Paalala ko. "Leave it to me Bes, ako na lang ang bahalang magplano ng lahat at saka kumausap sa kaibigan kong intruder. Basta galingan mo lang at ihanda mo ang sarili mo kahit anong mangyari, naiintindihan mo?" "Okay, basta siguraduhin mo rin na maaasahan ko yang kakilala mo. Dahil siya na lang talaga ang pag-asa ko, ha?" Sinabi ko ito kasabay ng pagpisil ko sa kanyang mga kamay tanda ng umaasa ako na hindi niya ako bibiguin. "Huwag ka nang mag-alala ha, matulog na tayo. Promise kapag hindi siya dumating ako na mismo ang gagambala sa kasal n'yo huwag lang itong matuloy!" Natawa na lang ako sa sinabi niya. Nakakatuwa ring isipin kahit na batid kong nagbibiro lang ito. "Talaga?!" Masayang balik tanong ko. Sasagot sana ito ulit subalit... "Tok, tok!" Bigla ako napalingon sa gawi ng pinto ganu'n rin si Hazel. Pagkatapos muli kaming napatingin sa isa't isa habang parehong nakaawang ang bibig. While both thinking about who could be possibly knocking at the back of the door? ***** 05/19/25 @LadyGem25
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD