THE CHAIN THAT BINDS ME

1859 Words
C-8: THE WEDDING DAY ___ DELA PEÑA ACCOUNTING & FINANCE OFFICE. _ "Adrian nasaan na kayo?" Ang tanong ko sa isa sa pinagkakatiwalaan kong tauhan na gamit ang personal kong cellphone. "Narito na kami sa meeting place Boss, inihahanda na namin ang lahat ayun sa plano natin oras na lang po ang hinihintay." Pagtiyak nito sa akin. "Good nasaan si Jowell?" Muli kong tanong. "Lumabas po saglit may kausap lang sa phone. Gusto n'yo po bang tawagin ko?" Tugon ulit nito. "No its okay. Just make sure you can do your job, right! Because I don't want you to be failed on it, do you understand?" Nilangkapan ko ng diin ang aking tono upang masigurong nagkakaintindihan kami. Dahil hindi ko matatanggap na babalik silang bigo at hindi masunod ang gusto ko... Hindi! "Yes, Boss!" Sagot nito. "Magaling, sige na, mamaya na lang ulit!" Agad ko nang pinatay ang linya at umaasa na magtatagumpay ang mga ito. "Ehem, Good morning Buds!" "Huh, Edric! Kanina ka pa ba diyan?" Narinig kaya niya ako? Naitanong ko sa aking isip. "Nope! Si Adrian ba 'yun kausap mo?" Tanong nito na alam ko namang may halong pagdududa. "Akala ko ba hindi ka nakinig?" "Just a little! Mukha bang may importante kang ipinagagawa kay Adrian ah? Kaya pala wala siya dito ngayon. May I know, what is it?" Curious na tanong nito. "Huwag mo na lang alamin 'yun, magsisimula na ang meeting tayo na sa conference room." Simpleng tugon ko kay Edric at nagpatiuna na ako sa paglabas. Hindi niya dapat malaman ang plano ko tiyak na sesermunan lang niya ulit ako at ipamumukha sa akin kung gaano ako kasama. Ano bang akala niya sa sarili niya, isa siyang anghel? "Okay, but I hope it's not bad." Saglit akong natigilan sa sinabi niya. But I preferred to remain silent... Then I sighed _ SALVADOR RESIDENCE Ilang oras na lang ang hinihintay at magaganap na ang isang magarbong kasalan na inaasahan na nang lahat. Ang kasal namin ni Lorenzo. Handang handa na ang lahat sa bahay dahil ang reception ay dito mismo sa maluwang at magarbo naming hardin. _ Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa harap ng salamin habang inaayusan ng isa ring sikat at kilalang make up artist. Ngunit ano ba ang saysay nito kung hindi naman ako masaya? Nangako sa akin si Hazel na gagawin nito ang lahat para matulungan ako at may tiwala ako sa Bestfriend ko. Alam kong hindi niya ako bibiguin! Pilit ko itong ibinubulong sa aking sarili upang hindi ako panghinaan ng loob, ngunit mukhang hindi naman epektibo. Bakit puno pa rin ako ng pag-aalala? "Hay naku ganda! Ano bang gagawin ko sa'yo, bakit daig mo pa ang Pagsanjan falls? Kung pwede ko nga lang sanang lagyan ng dike 'yang mga mata mo ginawa ko na, kanina pa!" Reklamo ng gay make up artist na nag-memake up sa'kin. Magaling daw ito kahit pa sa make up transpormation kaya naman madalas nakukuha ito sa iba't ibang event lalo na ng mga artista. Ngunit tila mabibigo ito sa akin ngayon, kanina pa kasi walang tigil ang mga mata ko sa pagluha. Kaya paulit ulit rin ito sa pag-aapply ng make up sa aking mukha. Mabuti na lang isang grupo sila na mag-aayos sa lahat ng kasama sa Entourage. Kung ako lang wala naman akong pakialam kahit ano pang maging itsura ko. Pero alam kong kailangan ko pa ring maging sibil sa harap ng ibang tao. Kaya pinipilit kong maging maayos kaya lang ayaw talagang makisama ng damdamin ko. Ano bang gagawin ko, kung kusang nalalaglag ang mga luha sa aking mga mata? "Pasensya na hindi ko lang kasi mapigilan." Muli na namang tumulo ang mga luha na ayaw magpapigil. "Ano pa nga ba ang magagawa ko, siguro super excited ka no? Imposible naman kasi na hindi mo gusto ang fiance mo. Hay, naku kung ayaw mo sa kanya sa akin na lang siya at palit na tayo ng pwesto. Ang swerte swerte mo nga alam mo ba?" Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya, kung alam lang nito ang totoong sitwasyon ko ngayon. "Bes?" "Huh, Hazel?" Napapitlag ako at biglang nabuhayan ng loob ng marinig ko na ang boses ni Hazel. Kanina ko pa siya hinihintay hindi kami makapag-usap kaya hindi ko na alam kung tuloy pa rin ba ang plano. "Bes, bakit kanina ka pa daw iyak ng iyak sabi ng Mama mo?" Nagsasalita ito habang nakatingin sa katabi kong make up artist. "Ah! Frannie, pwede bang iwan mo muna kami sandali?" Saad ko. "Ah, owkey sige maaga pa naman, i-check ko lang muna 'yung mga kasama ko kung okay na rin sila then babalikan na lang ulit kita para iretouch, ha?" Tumango na lang ako bilang tugon. Deretso na itong lumabas ng kwarto saka lang ulit nagsalita si Hazel. Nakaayos na ito at nakabihis na rin na tila handang handa na sa magaganap na kasalan. "Ano na Bes, nakausap mo ba?" Hindi na ako makapaghintay sa sasabihin ni Hazel kaya ako na unang nagtanong. "Huwag ka nang mag-alala Bes okay na, siniguro ng kausap ko na gagawin niya ang lahat para mapatigil ang kasal. Kaya umasa ka na magiging maayos ang lahat tiyak nang hindi matutuloy ang kasal mo." Pagtiyak nito. "Talaga?!" Paulit ulit itong tumango na tila ito ang mas excited. "Sinuot ko lang talaga itong gown ko kahit alam ko na may mangyayari. Sayang rin kasi gusto ko lang ma-feel na maging bridesmaid na ganito kaganda ang gown no?" Umikot pa ito na hawak ang laylayan ng saya habang masayang tumatawa. Hindi ko ito nakikitaan ng pag-aalala, kaya nakaramdam ako ng pag-asa at tila napawi rin ang alalahanin sa dibdib ko. I feel like a thorn has been pulled out of me and it's only a matter of time before I can get rid of them all... In the chain that binds me. __ Huminga ako ng malalim at deretsong sumakay sa Bridal car na nasa harap ko ngayon. Pagpasok ko sa loob bahagya akong nagulat ngunit agad rin naman akong nakabawi dahil inaasahan ko na ito. May konting kaba akong nararamdaman at nanlalamig rin ang aking mga kamay ngunit pilit ko itong inalis sa aking sistema. Dahil higit kailanman ngayon ako dapat maging matapang. Bago pa kami maghiwalay ni Hazel kanina sinabi nito sa akin ang nabuong plano. May susundo sa akin gamit ang Bridal car at ihahatid ako nito sa Airport. Mula sa Airport bibiyahe ako papuntang Hongkong mauuna muna ako doon tapos susunod rin agad sa akin si Hazel. Kapag nasa Hongkong na kami ni Hazel may tutulong sa amin para makapag-exit kami papuntang Canada. Kapag nasa Canada na kami p'wede na kaming makahanap ng trabaho at manatili doon. Matatagalan rin bago ako makabalik ulit dito pero okay lang dahil pagbalik ko sisiguraduhin ko na, hindi na nila ako pwedeng piliting magpakasal kay Renz. Sana lang umayon sa amin ang lahat para wala nang maging problema pa. _ Saglit na binigyang pansin ko ang driver sa unahan ko. Napansin ko kasing panay ang tingin nito sa front mirror at lihim na tumitingin sa akin. Hindi na ako magtataka kung bakit iba ang driver at hindi si Kuya Rico. Dahil sa pagkakaalam ko si kuya Rico at ang asawa nito na si ate Mirasol ang dapat na kasama ko ngayon. Sila kasi ang inutusan ng Papa na maghatid sa akin sa simbahan. Dahil malaki ang tiwala ng Papa at ni Renz sa mag-asawa. Nasaan na kaya sila ngayon? Curious na tanong ko. Ahh, bahala na sila! Ang mahalaga makatakas ako sa Papa lalo na kay Kuya Renz. Ngunit biglang sumagi sa isip ko, paano kaya pagdating ko sa Airport? Wala kasi akong dala na kahit anong pamalit man lang na damit. Sino ba naman kasi ang ikakasal na magdadala ng traveling bag? Mabuti na lang kahit paano nadala ko ang hand bag ko. This time sinugurado ko naman, na dala ko ang passport ko, pera passbook at ilang mga alahas. _ Ilang saglit ang lumipas ng muli kong pagtuunan ng pansin ang daang aming tinatahak. Malayo-layo na rin ang aming nararating. Sino kaya itong nagdadrive, isa kaya siyang upahang driver o ito na mismo 'yung kaibigan ni Hazel na tutulong sa amin? Kung ano-ano na ang sumasagi sa isip ko, gusto ko na sana itong kausapin at tanungin. Ngunit naunahan na ako ng kaba dahil sa mga nakikita ko sa paligid. Para kasing... Ah, hindi, talagang iba parang may mali? Nalibang ba ako ng husto kaya hindi ko napansin agad? Bakit dito? "Sandali, bakit dito mo ako dinala, hindi ba dapat sa Airport tayo pupunta?" Na-aalarma na ako. Dahil imbes na sa Airport sa pantalan niya ako dinala, sa barko ba kami sasakay? "Huwag kayong mag-alala ma'am, makakarating rin tayo sa dapat nating puntahan kahit saan pa tayo dumaan. Kaya tayo na po!" Sabay lahad nito ng kanang kamay gusto nitong alalayan ako pababa. Ngunit dapat ko ba itong ikatuwa, bakit bigla yata akong kinabahan? Ngayon ko lang naisip nagkamali yata ako ng sinakyan. Dapat yata siniguro ko muna kung siya ba talaga ang taong tutulong sa amin ni Hazel? "Pwede ba akong magtanong?" Hindi na ako nakatiis. "Sure, why not?" Pabiro pang tugon ng lalaki. "Ikaw ba ang kaibigan ni Hazel?" Deretsong tanong ko. "Hazel, Haze... Ah, sorry hindi ko siya kilala!" "A-ano?!" Natatakot na ako. "Pero maaring yung isang kasama ko kilala ang kaibigan mo at narito rin siya. Kaya sa kanya mo na lang itanong. Now pwede na ba tayong magpatuloy?" "Paano pa ako magtitiwala sa'yo kung sa simula pa lang binago n'yo na ang plano. Saan mo ba ako dadalhin hindi ba sa Hongkong ang punta ko? P'wede namang sa eroplano ako sumakay may pera naman ako, kaya bakit dito mo ako dinala?" Mataray na tanong ko sa lalaki. "Wow, choosy ka pa pala ang akala ko pa naman wala akong magiging problema sa'yo mabuti na lang narito na tayo!" Saad nito. "Dahil yun naman talaga ang plano?" "Tumahimik ka nga, anong plano may kikidnapin bang sasabihin pa kung saan siya dadalhin?!" Gulat akong napabaling ng tingin sa tinig na iyon, hindi ako maaaring magkamali. "Huh! I-ikaw?" Nanlaki ang aking mga mata ng makilala ko na ang lalaking bigla na lang nagsalita sa likuran ko. Ngayon kaharap ko na ito... "Oo, ako nga! Mabuti naman pala at hindi ka madaling makalimot. As I said we'll meet again, do you still remember what you did to me?!" Oh my, no! Siguradong hindi niya ako tutulungan. Bakit ba hindi ko naisip na maaaring siya ang kaibigang tinutukoy ni Hazel? Ano nang gagagawin ko ngayon? Lumalakas ang aking kaba at napupuno na rin ng mga tanong ang aking isip. Dahil natitiyak ko na panibagong kapahamakan na naman ang ibibigay sa akin ng lalaking ito. Sinubukan kong igalaw ang aking mga paa, alam kong hindi ako dapat magpatalo sa takot. Dahan dahan akong lumakad ng paurong upang subukang tumakbo. Dahil kailangan kong makatakas. Subalit... Tila bakal na kamay ang bigla na lang nagpabalik sa akin. Ang buong akala ko mawawala na ang tanikalang gumagapos sa akin. Bakit tila ang pakiramdam ko inilipat lang ako ng bagong selda. "Where do you think, your going?" **** 05-24-25 @LadyGem25
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD