Walang humpay na putukan ang naririnig ni Cassandra na tila hindi lang sa labas ng cottage nagaganap. Pakiramdam niya ay may barilang nangyayari sa lahat ng panig ng Helena’s Island. Ilang oras rin ang itinagal ng mga putukan. Hindi niya maiwasang mag-alala para kay Alexandros ngunit wala siyang magawa. Maya-maya’y humahangos na pumasok uli sa cottage si Alexandros. May hawak na mahabang baril. Halos magtatalon siya sa tuwa nang matiyak na ligtas ito. Niyakap siya nito at mariing naglapat ang kanilang mga labi. “You okay?” tanong nito nang maghiwalay ang kanilang mga bibig. Nakarehistro pa rin ang pag-aalala sa mga mata. Marahan siyang tumango. “Ano’ng oras na, Alexandros?” “Alas-singko na nang umaga, angel.” “Ipapapatay na tayo ni La Russo pagsikat ng araw.” “Na

