Nicolo POV
Araw ng Biyernes, alas singko ng umaga palang ay nasa harap na kami ni Harvey ng school. As usual, sa bahay nanaman siya natulog. Dito daw kami sa main gate magkikita kita. 7am ang flight namin papuntang Palawan. Dapat daw agahan para iwas traffic papuntang airport. Kailangan kasi ay two hours bago pa man ang oras ng flight ay naroroon na kami.
Kahapon ay tumawag si mama upang sabihing dinagdagan nya ang allowance ko para may pangastos ako sa El Nido. Nagtaka pa nga ako kung paano niya nalaman nang huli ay naisip kong si Kuya Kiko malamang ang nagsabi. Siya lang naman ang tinatawagan ni Mama if gustong kakibalita sa akin. Kapag kami kasi ang nag-uusap ay tipid lang ang mga sagot ko.
Maya maya pa ay dumating sina Samuel, kasama sina Renzo at Eugine (Sebastian and Castillo). Sumunod na dumating si Wendel (Espin) kasama ang iba pang baguhan.
"Where are the seniors?" Tanong ni Sam. Lakas makasosyal ang British accent si Sam kaya dudugo ata yung tenga ko.
"Well, they supposed to be here already. Even Coach Kiko is not here yet." Sagot ko. Lumapit naman ito sa akin at kinuha ang medium size body bag na dala ko. Doon ko lang na pansin na naka luggage bag ang dala niya. At take note ang gwapo niya sa suot niyang blue polo shirt na may white accent at white walking short. Tinernuhan pa niya iyon ng slip on na blue shoes. I know that blue shoes dahil ako ang kasama niya noong binili namin yan. Sumakit kasi ang paa ko dahil sa hindi siya makapili ng bibilhin. Gusto pa nga sana niyang bilhin ang tatlong pares ng sapatos kung hindi ko pa sinaway. Sa huli, ako na ang nagdecide kung anung kulay ang bibilhin.
"You don't need to bring this for me. I can manage to bring this." Bulong ko sa kanya. Masyado kasing nakakahiya na siya pa ang magdadala ng gamit ko.
"Nah, I insist." Wala din akong nagawa sa huli. "By the way, you are really cute on your outfit." Napatingin ako sa kanya. Ngingisi ngisi lang siya sa akin. Napailing na lamang ako.
Hindi naman ganun ka head turner ang suot ko. Simpleng yellow polo shirt na may mga bright collor accent sa gilid. Gray Nike short at gray slip on designer shoes. Anung ikina-cute ko dito. Kung tutuusin ay luma na nga ang mga suot ko dahil hindi talaga ako pala bili ng damit.
"Ang aga-aga may mga langgam sa paligid oh." Heto na at nagsimula nang manukso si Harvey.
Pero to set things right, straight po si Sam. He confirm it to me noong sinamahan ko siya mamili. Katunayan ay may girlfriend ito na madalas niyang kausap sa phone kaya pala niya ako niyaya noon ay ipapakilala niya ako sa girlfirnd niya. Sweet lang talaga si Sam at hindi judgemental na tao. Naaalala lang niya kapatid niya sa akin. Kaya mukhang matatanggal na siya sa shortlist. Pero sa totoo lang, naeenjoy ko yung company niya. Marahil ay dahil magkasing tulad sila ng kilala ko.
Ilang saglit pa ay bumukas ang gate ng school at lumabas ang school bus. Huminto ito sa harap namin. Iniluwa nito si coach Kiko.
"Good morning! Ready na ba kayo?" Masiglang tanong niya.
"YES!!!" Sigaw naming lahat.
"Sakay na kayo." Napalingon ako sa nagsalita. It’s the handsome chinito, Xander Lim. He is wearing a black fitted sando with white lining pair with white short and black converse shoes. Palagi ko naman siyang nakikitang naka Jersey pero masasabi kong iba yung dating niya ngayon. Lihim akong napangiti sa naisip ko.
Naalala ko nanaman yung mga out of the blue question ni Harvey kagabi.
“If ever na makakahanap ka ng romance sa El Nido, will you take it?”
“Are you mad? Anu ba namang tanong yan?” Ismid ko sa kanya.
Kung sakasakali lang naman. Halimbawa si Xander pinormahan ka sa El Nido, will you take it?”
"Bat si Xander agad ang sample mo?" Reklamo ko.
"Eh sabi mo taken na si Sam eh. Unless si Sam ang gusto mo, Pwede ko naman baguhin yung sample eh." Napailing nalang ako sa kalokohan niya.
Hindi ko nasagot ang tanong na iyon dahil ayokong lokohin ang sarili ko. Isa pa, if ever man mangyari ang sinasabi ni Harvey, hindi ko din alam ang gagawin.
Agad namang nagsiakyatan ang mga kasamahan namin. Nasa loob na din pala ang mga seniors.
Huling umakyat ay ako at si Sam. At, knowing Harvey, may sinabi nanaman ito na naging dahilan upang umingay at inulan kami ng panunukso. Napailing na lamang ako sa palihim na kinurot ang tagiliran ni Harvey.
Nagtama ang mga mata namin ni Xander. May kung anu sa mata nito na di ko mawari kaya nginitian ko na lamang siya. At dumeretso sa bakanteng upuan. Sumunod naman si Sam sa inupuan ko at tumabi sa akin.
"Here, use this." Aniya habang inaabot ang neck pillow. Nagpasalamat naman ako sa kanya. Tamang tama at gusto kong umidlip.
Hindi ko tuloy maiwasan maalala ang mga panahong ganito si Brett sa akin. Napahinga na lamang ako ng malalim at tumingin sa labas ng bus.
Xander POV
Seeing Nicolo and Sam together makes me feel odd. May kung anu sa loob ko na hindi ko mabigyan kahulugan. At heto nga habang nasa byahe pa puntang airport ay sila ang magkatabi na para bang may something sa kanila.
May isang parte ng damdamin kong nagsasabi na sana ay ako nalang ang katabi ni Nicolo at hindi si Sam.
I hate this feeling. Nagiging confuse na tuloy ako sa kasarian ko. I like girls. How many girls na ba ang naedate ko na humantong sa mapusok na tagpo. I'm currently dating Clarisse, the captain of women volleyball varsity team ng school. Pero iba ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siya. Iba ang hatid sa akin ng tawa niya kahit ngiti niya. Basta, ginugulo niya ang systema ko.
Noon ay nakakaya ko pa siyang baliwalain. Pero ngayon ay mukhang iba na lalo pat may isang Samuel Jefferson Kingsman sa pumuporma ata sa kanya. Baka marahil ay talaga ngang attracted ako sa kanya. Pero bakit?
"Hey, kanina ka pa tulala ah." Puna ni Blake. Siya ang katabi ko sa upuan.
"May na isip lang ako." Palusot ko. Sana lang ay bumenta.
"If you are thinking na magiging sagabal yung relasyon nina Nicolo at Sam, cut it out. They are just friends." Biglang singit ni Harvey. Nasa unahang upuan pala siya at nakaharap na sa amin ni Blake. "Sam has a girlfriend at alam ni Nicolo yun. Sam is just see Nicolo as baby brother. Sayang nga eh, shini-ship ko pa man din sila."
Biglang tila nagbunyi ang kalooban ko sa sinabi ni Harvey. Muli akong napabaling sa dalawa na ngayon ay kapwa tulog.
Mabilis naming narating ang airport. Pagdating ay nagpasalamat kami kay Kuya Bong na nagdrive ng bus.
Pagkatapos magcheck in ay naupo kami sa isang kainan upang bumili na din ng agahan.
Nakita kong bumili si Nicolo ng pancake at hot choco. Agad akong lumapit sa kinaroroonan niya.
"Light meal?" Trying to open conversation tactics.
"For now, hindi kasi ako sanay na busog habang bumabyahe. Ikaw have you eaten na ba?" It’s like the most beautiful voice I ever heard. What is happening to me, I’m not like this with Clarisse.
"I'm good. Nag cup noodles na kami kanina sa school. Wait let me help you." Hindi ko mapigilan ang sarili na maging gentleman ngayon. Lalo pat nakita kong ngumiti ito sa gesture ko. Para akong nanalo sa lotto ang feeling.
Iginiya ko siya sa table kung saan sila naka-upo. Mula sa sulok ng aking mata ay nakita ko ang mga kasamahan kong tila nagtataka sa ginawi ko. Binalewala ko ang reaction nila. Importante sa akin ngayon ay masaya ako sa ginagawa ko.
"Hoy, ikaw anung drama mo? Kung di kita kilala iisipin kong dinidiskartehan mo si Nicolo." Seryosong tanong ni Blake.
“I’m just helping out, Wag kang malisyoso.” Pagtatanggi ko. Pero sa totoo lang napaisip din ako kung bakit ganito ako sa kanya.
Nasa waiting area kami ngayon at hinihintay na tawagin ang flight namin. Ayaw pa rin akong tigilan ni Blake na ngayon ay kasama na si Jim.
"Bro, bumabawi lang ako. Alam nyo naman na hindi maganda ang simila naming dalawa diba." Syempre, another palusot.com ulit iyon.
"Sana nga bro ganun lang yun. Tandaan mo, may girlfriend ka."
Nicolo POV
"Welcome to El Nido." Bati ng mga tauhan ng hotel na tutuluyan namin.
Agad naman kaming tumungo sa receptionist upang makapag check in. Nang maconfirm ng receptionist ang reservation ay binigay na sa amin ang susi.
Bali 21 kaming lahat including coach Kiko. Kung kaya anim na rooms ang nakareserve. Limang kwarto ang reserve para sa atlethes. Sa bawat isang kwarto ay tig aapat ang occupants. Si coach ay may sariling room na nakareserve.
May mga designated rooms na ang bawat isa sa amin sabi ng receptionist. Gawa daw iyon ng magmamanage ng team building. Dalawang seniors at dalawang juniors sa bawat kwarto.
Si Sam at Ako ay mapalad na pinagsama. Ang seniors na makakasama namin ay ang kambal na sina Kuya Roy at Kuya Rey. Hindi naman problema sa akin. Kahit papano nitong nakalipas na training ay nakakasalamuha ko sila. Mayroon nga lang konteng hesitation kay Roy but ako na ang nag-aadjust kung nagkataon. Pwede naman akong makiroom kay coach Kiko in case na alanganin silang kasama ako.
May isang parte ng isip ko ang nanghihinayang. Wala naman akong particular na taong gustong makasama. (Yung totoo... ) Nagtataka man ako sa naramdaman ko ay winaglit ko nalang.
Agad naman kaming pinapanik sa designated rooms namin para makapagpahinga. Mamayang lunch daw ay sasamahan na kami ng team building master na assigned sa amin.
Malaki ang rooms. May tig-dadalawang kama na may pull-out bed sa baba nito. May mga tipong gift packs na nakapatong sa bawat bed.
"Kuya is it okey lang ba na kasama nyo ko sa room? I don't want to make things uncomfortable for you." Deretso kong tanong.
"I don't see any problem so don't mind us. We are team and we should accept kung anu man ang mga bagay na innate sa kanila." Sagot ni Kuya Rey. Si Kuya Roy ay ngumiti lang pero alam sumusunod nalang siya sa agos.
Sa isang bed ay kami ni Sam. Pinili kong sa pull out bed nalang ako para mas malayo at medyo tago. Noong una ay ayaw pumayag ni Sam. Kinalaunan ay napapayag ka din siya.
Xander POV
Hindi ko maiwasang mapasimangot nang malamang hindi si Nicolo ang makakasama ko sa kwarto.
Si Jim at dalawang juniors kasi ang makakasama ko.
Pakiramdam ko tuloy ay nanadya ang pagkakatao. Maya maya ay nagring ang Phone ko. Si Clarisse. Dahil nga sa inis ako ay hindi ko sinagot ang tawag nya. Ngayon ko lang ginawa ito.
Ito ang na pansin kong nabago sa akin. Dati ay hindi buo ang araw ko nang di nakikita o nakakausap man lang si Clarisse. Pero ngayon ay nagagawa ko nang hindi sagutin ang tawag niya. Nagagawa ko na ngayung magsinungaling sa kanya at magdahilan. Bagay na hindi ko magawa gawa noon. Ito na marahil ang epekto ni Nicolo sa akin. Maybe it’s because of his eyes, his gestures, and his voice or maybe because of his existence.
Lunch comes at nagkasama sama kaming lahat. Ipinakilala sa amin ni coach Kiko si Sir Jap, ang team building master na aasikaso sa amin.
Jolly si Sir Jap.Ang daming mga jokes ngunit nang naging seryoso ito nang e-present na niya ang mga magaganap sa 4 days and 3 nights stay namin sa El Nido.
After lunch ay magkakaroon daw kami ng inside room activities. Mga 3 hours daw iyon kaya expected na matatapos kami ng 4pm. Free time namin after that. Dinner namin by 7pm at magkakaroon muli kami ng session at another activity.
Sabi ni sir Jap ay sinadya daw niyang maglagay ng free time upang magkaroon kami ng time to enjoy individually. Mahalaga daw din kasi na may "me time" ang bawat isa upang makapag-isip. Mahirap daw kasing puro group activity lalo pat hindi pare pareho ang insight namin. Mas mainam daw na unti-untiin kesa naman sa binibigla.
After ng lunch ay nagsimula na kami. Sa isang function hall kami tinipon.
Una ay parang lecture about team work at dealing with individual differences.
Sinubukan kong tumabi kay Nicolo pero mukhang magiging big deal nanaman iti sa mga kaibigan ko kaya hindi ko na lamang itinuloy.
May pinagawa si sir Jap na writing exercises about sa strengths and weaknesses at isa isa niyang pinabasa iyon sa nagsulat.
Nagkaroon din ng activity kung saan isusulat ang 2 impression, isang possitive at isang negative ng bawat isa sa bawat meyembro.
Sa exercise na ito, naging malinaw sa amin ang mga tingin ng bawat isa lalo na ang impression ng mga bago naming members.
Nang matapos ang session ay kanya kanya na kaming lumabas sa hall. Ang iba ay bumalik sa kanilang room. Ang iba naman ay nagpasyang mag-ikot sa paligid ng hotel.
Nakita kong palabas si Nicolo kasama sina Harvey at Sam. Kahit sinabi na ni Harvey na walang namamagitan kina Nicolo at Sam ay di ko pa ding maiwasang mainis dahil palagi silang magkadikit.
Agad naman akong humabol sa kanila.
"Saan kayo niyan?" Agad kong tanong.
"Oy, captain sama ka samin, maglilibot kami." Gusto ko tuloy yakapin itong si Harvey sa naisip.
"Sure kung okay lang sa inyo. Ang sabi sa reception may mga tiangge daw d’yan sa malapit baka may maganda doon." Yes, inalam ko talaga ang mga sapat alamin sa El Nido. Alam kong kakailanganin ko iyon if fate presents an opportunity.
"Tamang tama. Bili na din tayo ng token. Kailangan natin daw yun sa isang exercise." Nakangiting wika ni Nicolo. Pakiramdam ko ay nanlalambot ako sa ngiti niya.
"Oy sama ako." Biglang singit ni Blake. At umakbay pa kay Nicolo. Masisira pa ata ang diskarte ko dahil sa mokong na ‘to.
At ayun na nga at lima kaming pumuntang tiangge. Nang makarating kami ay nagkanya kanya muna kami upang hindi daw makita ang token na bibilhin ng bawat isa.
Hindi ko naman inilayo ang distansya ko kay Nicolo na ngayon ay abala sa kakapili ng bibilhin.
"Lim, may napili ka na ba?" Tanong niya. Sakit naman di pa kami first name basis.
"Wala pa nga eh. Wala kasi akong idea kung anu ang ibibigay." Clueless naman talaga ako.
"How about this?" Inabot niya sa akin ang bracelet. Simple lang naman iyon pero maganda tignan. "Maganda." Sambit ko.
"If you like that, we can place already an order. May napili na din kasi ako."
"Anung napili mo?" Agad kong tanong.
"Secret yun, Lim." Umalis na ito at pumuntang counter. Napangiti na lamang ako. Ito ang mga moment na hindi naman ganun ka significant pero hindi mo makakalimutan.
"I'm loving this feeling." Bulong ko sa sarili at sinundan si Nicolo na ngayon ay nasa counter na at kinakausap ang tindera.