Brett POV
Kanina pa kami nababato sa hotel na tinutuluyan namin kung kaya minabuti nalang naming maglibot-libot kasama ang teammates ko. Mamaya pa daw kasi magbubukas ang mga bar at inuman.
Nasa El Nido, Palawan kami ngayon. Regalong bakasyon ito ng sponsor ng Titan Knights. Hindi ko tuloy mapigilang isipin ang taong madalas kong makasama sa mga ganitong bakasyon. Kung sana lang ay mapagbigyan niya ako para paka pagpaliwanag ako sa kanya pero hindi. Lahat ng means ng communication ay naka-block ako. Hindi din naman nagkukwento si Harvey sa akin.
Sa paglilibot naming ay napadaan kami sa isang alley ng tiangge kung saan nakuha agad ng attensyon ko ang dalawang lalaking tila may bibilhin.
"Diba si Xander Lim yun? Yung team captain ng Warriors." Napansin din pala ng isa sa mga kasamahan ko. Natigil kami sa paglalakad upang pagmasdan ang manlalaro ng kupunang dapat sanang sasalihan ko.
"Kasama yung lebero nila. So ibig sabihin nandito ang buong team nila." Segunda ni Kuya Greg, ang aming team captain.
Agad kaming lumapit sa dalawa. Ayoko man ay nagpatianod nalang ako sa kanila. Hindi naman siguro manggugulo ang mga kasama ko.
"Oy, biruin mo nandidito ka pa, Xander Lim." Hindi ko sigurado kung sino nagsalita pero hindi maganda ang kutob ko dito.
Luminga linga si Xander na may tila hinahanap.
"Sa pagkakaunawa public property dito, so we are allow being here." Oo nga naman. Lihin akong na tawa doon. Oo nga naman. Minsan talaga mahina talagang mag-isip si captain.
"May time pa pala kayong maggala. Hindi ba dapat e naghahanda na kayo ngayon palang. Kasi balita ko, malalakas ang makakalaban." Pagpapatuloy ng aming team captain.
"Edi sana pala naghahanda na din kayo. Problema na namin kung gusto naming gumala. Pakealam mo ba!" Sagot ng hindi katangkarang kasama ni Xander.
Napangisi ako.
"Hindi namin kailangan maghanda, kami ang pinaghahandaan. Kaya kung ako sa inyo babalik na lang ako sa manila at mag-ensayo." Hindi ko maiwasang sumagot. Kung umasta kasi ay kung sino. Hindi ata kami kilala.
Sa ganung tagpo kami nang may humila sa akin mula sa likod paharap sa kung sino man siya. Sa pagharap ko ay dumapo ang malakas na sampal sa pisngi ko.
"Son of..." Natigilan ako nang mapagtanto kung sino iyon. "Nicolo." Mahina kong sambit. Nasa likod niya si Harvey. Mukhang narinig niya ang sinabi ko.
Naalarma naman ang mga kasamahan ko dahil sa ginawa niya.
"Ngayon, Brett sa harap ko. Ulitin mo ang sinabi mo." Mariin niyang wika. Walang emosyon akong nababakas sa mukha niya. Tila nanunuot sa kalooban ko ang kanyang mga tingin. Ito ang tingin na ayaw na ayaw kong ginagawa niya sa iba dahil creepy iyon sa pakiramdam.
"Anu na? Hindi mo masabi?" Dagdag pa niya.
Hindi ako makakibo. Kaya kong maging matapang sa harap nino man pero pag si Nicolo na ang pinag-uusapan ay nawawala ako. Siya anng kahinaang meron ako.
Napailing na lamang siya habang nakatingin sa akin.
"Wag kayong pakakasiguro na sa inyo muli ang championship ngayon. Bilog ang bola at hindi iyon iikot para lang sa inyo." Pagkasabi noon ay agad siyang umalis. Sumunod naman si Harvey at ngayon ko lang napansin ang foreigner na kasama nila.
“Jerk.” Rinig kong sambit ng foreigner.
"Anu nga ulit iyon? Kayo ang pinaghahandaan?" Boses iyon ni Xander Lim. “Believe me, we are ready as we speak."
Ilang sigundo pa ay wala na ang mga manlalaro ng Warriors. Naiwan kaming walang kibo. Marahil ay nabigla din sila sa ginawa ni Nicolo. Hinawakan ko ang pisngi kong nasampal ni Nicolo. Napapikit at lihim na nagngitngit.
"Sinu ba ang isang yun? Bakit mo hinayaang sampalin ka, Brett." Si Papa.
Pag balik namin sa room ay agad na ikinuwento ng mga kasama ko ang nangyari. Uminit ang ulo ni Papa dahil doon. Ayoko na sanang sabihin pa sa kanya pero sadyang hindi mapigilan ang bunganga ng mg akateam ko.
"Please, wag nyo nang palakihin ang gulo. Kasalanan ko naman yung nangyari." Ayaw ko talaga ng gulo. Lalo pat madadamay si Nicolo. Pagnagkataon ay mas lalo lang akong mahihirapang humingi sa kanya ng tawad.
"Yung Nicolo, Coach. Kala mo kung sino magsalita. Panigurado ako hanggang salita lang yun." Sambit ni Tony.
“Hindi mo gugustohing makalaro si Nicolo, Kuya Tony.” Mabilis kong sagot. Ayaw na ayaw kong minamaliit siya ng kahit na sino.
"Nicolo?" Napakunot noo sa papa nang marinig ang pangalang tila narinig na niya kung saan.
Yes, my father knows my previous team. Aside from me ay gusto din nitong e-recruit sa Titan Knights sina Nicolo at Harvey. Those two are also known for their craft specially Nicolo.
"Is he referring to Nicolo Mickelson, Brett?" Tumango ako bilang tugod. "And you already knew that he joined Warriors?"
"Yes, pa."
"When."
"From the start."
"And you didn't tell me?"
"Nicolo hated this team. Kahit anu pa ang offer na i-present mo sa kanya ay hindi nya tatanggapin yun. He set his mind already. And the only reason that I am in this team is because you decided to introduce yourself as my father." Wala na akong control sa emotion ko. Ni di ko nga inisip na naririto pa ang mga kateam mates ko. “Kung hindi lang dahil sa request ni Mommy ay malamang isa din ako sa Warriors na makakalaban ng team na ito.”
"Who the hell is Nicolo? Is he that important?" Saad ng team captain.
"Hindi na mahalaga kung sino siya. Ang isipin natin ay makita kung hanggang saan na ang kakayahan ng Warriors. " sagot ni papa.
"What are we going to do then?" Ako ang nagtanong. Whatever happened in the past I am already a Titan Knight. And I want to win with this team.
"Challenge them."
Xander POV
"Guys, you need to see this." Anunsyo ni Rey. Nasa recreation room kami ng hotel nang pumasok ito dala-dala ang tablet nito.
Agad naman kaming naalarma noong pinakita niya sa amin ang tweet mula sa captain ng Titan Knights.
Titan Knights is challenging Warriors for a face-off at El Nido.
#KnightsChallengesWarrior
#Face-OffKnightsVSWarriors
#ElNidoFace-Off
Madami na ang nagretweet nito. Madami na din ang nagtweet gamit ang mga hash tags. Nang tignan ko trending ang mga hush tags sa buong Pilipinas.
"Have you seen this?" Coach Kiko enter the room. Magsasalita pa sana ito nang iharap ko ang tablet.
"How did this happen?" Gigil na tanong nito. Wala akong nagawa kundi sabihin ang totoo.
"And now this is going viral. Damn!" Sigaw ni Coach. Napahawak siya sa kanyang noo.
"What are we going to do?" Tanong ni Blake. “Papatulan ba natin?”
Tumingin ako sa mga kasamahan ko. Sila din ay mukhang naguguluhan sa nangyari.
"It's easy. Accept the challenge. And make it more daring." Seryosong sambit ni Nicolo mula sa pintuan. "Malakas ang kutob ko na ang coach nila ang may pakana niyan. Madalas nilang gawin ito to see how their opponents play. So let’s give them what they want."
"Ikaw na din nagsabi na susukatin lang nila ang kakayshan natin. If we face them then they can prepare thier counter attack on the real game." Si Blake.
"Who said we are going to fight in full force?" Sagot ni Nicolo at tumingin ito kay Coach Kiko.
“Let’s give them the taste of their own tea.” Saad ni Coach Kiko.
Maya maya pa ay lumapit ito sa akin.
"Give me you phone." Aniya. Agad ko naman iyong binigay. Tinipa niya kaagad iyon. Ilang saglit pa ay binalik na niya sa akin ang phone.
Warriors accept the challenge. One set of face off on Sunday 4pm at El Nido Palawan.
#KnightsChallengesWarrior #Face-OffKnightsVSWarriors #ElNidoFace-Off #WarriorsNeverSayNo
Napangiti ako sa tweet niya. He really never fails to amaze me.
"Guys call everyone, looks like we have a face-off to win." Utos ko sa kanila.
Ilang sandali pa ay nasa isang bakanteng function hall na kami at pinag-uusapan ang gagawing tactics.
"Win or lose walang bearing ito. Pride lang ang itataya natin. Itinayo natin ang pride ng tean via answering. Sila, kailangan nilang manalo para manatili ang pride nila." Nicolo explain.
"So the main reason kung bakit nila tayo pinadalhan ng challenge is because gusto nilang makita ang kakayahan ng mga bago natin. That is why hindi pwedeng maglaro sina Harvey, Samuel, Renzo, Eugene, Wendel at higit sa lahat si Nicolo." Wika ni Coach Kiko na ikinagulat ng lahat.
"Coach kung di maglalaro sina Nicolo paano tayo mananalo?" Agree ako kay Jim.
"You will win. You just need to remember our trainings. Kaya n'yo naman. Masyado lang kayong nagtengga sa pattern na hindi ko alam kung ilang taon nang nagpasalinsalin." Seryosong wika ni Nicolo.
"Jim, for the past 3 years, I can see that your skills are growing. Hindi mo lang yun napapansin. This is your time. Follow your instinct. Give the ball to which you think has the chance to score not because it is what you practice but because that’s what your inner self told you to do." Dagdag pa niya. “Remember noong practice game with Xavier? Isipin nyo nalang na isa din itong practise game.
Hindi na natuloy ang activity ngayong gabi. Kinausap nalamang ni coach Kiko si sir Jap tungkol sa face off at na intindihan naman daw nito.
Kinagabihan ay nagulat nalang kami nang sabihin ng manager ng hotel na may complimentary eat all you can kami sa restaurant ng hotel. Nagtaka man kami ay hindi na namin kinuwestyon pa.
Oh my gosh, I need to book my ticket for that face-off.
#KnightsChallengesWarrior #Face-OffKnightsVSWarriors #ElNidoFace-Off #WarriorsNeverSayNo
Go, Warriors! Show them who is boss!
#Face-OffKnightsVSWarriors #ElNidoFace-Off #WarriorsNeverSayNo
Ilan lang ito sa mga tweet ng mga volleyball fans lola na ang mga fans naming at ng Titans.
May mga positive at meron din namang negative. Pero who are we to judge. We just want to play. At sa larong ito ay kailangan naming manalo.
Nicolo POV
"Kakayanin kaya nila?" Tanong ni Harvey. Mukhang nag-aalala siya sa mga maglalaro sa Linggo.
Kasalukuyan kaming nasa tabing dagat at nagpaahangin. Hindi mapakali itong si Harvey kanina pa.
"May bukas pa para magpractice. Just believe on them. If worst comes to worst sabi ni Coach ay ipapasok nya tayo."
"Hays!" Nagbuntong hininga ito saka tumayo.
"Oh saan ka pupunta?" Tanong ko.
"Maglalakad lakad. Nakakastress ang araw na to. Kala ko makakapagrelax tayo." Natawa lamang ako sa kanya at hinayaan siya. Kahit nga ako ay hindi natutuwa sa nangyayari. Mas lalo lang nadadagdagan ang galit ko sa taong iyo.
Naiwan akong mag-isa. Muli ko nanaman naalala ang tagpo kanina.
"Hi!" Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Si Xander nakatayo hawak hawak ang isang mikasa mv200.
"Hi Lim,Nagpa-practice ka?" Tanong ko.
"Katatapos lang. Ikaw, bakit ka mag-isa?" Takang tanong niya.
"Naglakad-lakad si Harvey. Si Sam, ayun kausap girlfriend nya." Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.
Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nakatingin lamang ako sa malayo at siya naman ay pinaiikot-ikot yung bolang hawak.
"So, who's Brett?" Halatang nag-aalangan siya sa tanong niya. Pero sinagot ko pa din ang tanong niya. Simula nang magkakilala kami, napunta sa iisang team at ang balak naming paglipat sa Warriors. Nakinig lang siya sa kwento ko. Habang kinukwento ay bumabalik ang mga alaala. Nakaramdam ako ng sakit sa kalooban pero pinilit kong kontrolin ang sarili.
"Anung nangyari? Bakit nasa Titan Knights siya at masa Warriors kayo?" Bakit nga ba?
"Ang totoo , hindi ko din alam. Siguro change of heart." Sagot ko. Masyado nang masakit sa akin kung aalamin ko pa.
"Hindi mo man lang ba natanong?" Napatingin ako sa kanya. Salamat sa mga ilaw na mula sa poste ay malinaw kong nakita ang kantang magandang mata. Ilang segundo din kaming nagtitigan bago ko bawiin ang aking tingin.
"Gabi na. Pasok natayo sa loob." Aniko. Hindi sa ayaw kong pag-usapan sng dahilan ko kundi hindi ko makayanan ang kabog ng puso ko. Hindi ito normal lalo pa’t sobrang lapit naming sa isa’t isa.
Hindi naman siya nagtanong pa. Sumunod lang siya sa akin at nilaro ang bolang hawak.
Lihim ko siyang tinignan. Grabe talaga ang epekto niya sa akin. Nauhaw ako bigla. Mukhang kailangan ko ng tubig, malamig na malamig na tubig bago pa ako matuyuan.