Nicolo POV
Ala sinko pa lamang ng umaga ay nasa tabing dagat na kaming mga Warriors. May 30 minutes na kaming nagjo-jogging sa buhanginan. Nakakapanibago ang buhangin dahil madalas ay sa concrete floor kami nagjo-jogging. Kaya doble ang pagod na nararamdaman naming. Maya-maya pa ay nag-stretching na kami. Wala namang binago sa training naming sa totoo lang. Wala din naman kasing effect iyon kung bukas na ang game. Sa Nakikita ko ay ready na din naman ang mga kasamahan ko kahit gawing mamaya ang laban.
Kahit na mga seniors lang ang siguradong lalaban sa nalalapit na face off ay kasama pa din kami sa workout. Sabi nga ay kung worst comes to worst ay isasalang din ang ilan sa amin. Pero sana lang ay hindi na dumating sa ganoon. Ayoko kasing makakuha ng idea ang coach ng Titan kung paano kami maglaro. Although malaki ang chance na napag-aaralan din nila ang mga kilos namin ni Harvey noon pa man.
Kompiyansa naman ako sa kakayahan ng mga seniors. Base na din sa obserbation ko sa kanila ay talagang malalakas sila at may potential na matalo ang Titan Knights. Kailangan lang nilang maging flexible at iwasang maging predictable. Buti na lang ngayon ay unti-unting natututonan nilang mag-adjust.
Dahil buddy-buddy system ang workout ay swerteng si Xander ang nakapareho ko. Bawal daw kasing magpair ang kapwa juniors. Dapat sana ay si Jim ang kapareho ko kaso ay sa di ko malamang dahilan ay nakipagpalit si Kuya Jim kay Xander. Okay lang naman iyon kaso ay hindi masyadong nakikisama ang puso ko sa isip ko. Kaya medyo awkward ang datingan naming dalawa. Naaalala ko nanaman yung tagpo kagabi. “This is not the time for this, Nicolo. Behave yourself.” Saway ko sa sarili ko.
Wala pang eksaktong venue ng paglalaroan. Mamayang alas dyes ng umaga ay makikipag-usap si coach Kiko sa coach ng Titan Knights upang pag-usapan ang magaganap na face off. Nagsimula na kagabing ibalita ang face off sa online news, radio at rinig naming ay darating ang mga taga-sports channel to cover the game. Trending topic sa social media ang #ElNidoFaceOff. Marami na din ang nagpahayag ng suporta sa team na kinahuhumalingan nila. Big deal talaga sa kanila ang laban ng Titans at Warriors.
Habang palitaw naman ang araw ay unti-unti naming nakikita ang mga palamuting banners na gawa sa tela na wala naman kahapon. Napa-wow kami nang kulay ng Titan Knights na Silver and Green at kulay ng Warriors na Red, Orange and Yellow ang ginamit. Iba na din ang atmosphere sa paligid. Bukod pa sa mga taong unti-unting dumadami.
"Guys, let's go back na sa Hotel." Sigaw ni Coach. Mukhang maging siya ay na-overwhelm sa nakikita. Sino naman ang hindi diba, kagabi lang napag-usapan pagpatak ng umaga may mga palamuti na kaagad. Who would thought na ganito kalaki ang impact ng dare ng Titans sa amin. Paano kaya kung hindi naming tinanggap?
"Xander!" Natigilan kami dahil sa sigaw ng isang babae. Nang lingunin namin ay kumaway ito sa amin at dali-daling lumapit sa kinaroroonan namin. Si ate wagas ang ngiti. Parang wala nang bukas.
"What are you doing here?" Nasa mukha ni Xander ang pagka-surprise. Mukhang nag-aalangan pa ito na lapitan ang babaeng bagong dating ngunit tinulak na ito ng ibang mga seniors sabay cheer sa kanilang dalawa. May kung anung kirot naman akong naramdaman sa dibdib ko. Yung tipong ayaw kong makita ang eksena pero dahil wala kang choice kundi panuurin. Binaling ko na lamang sa iba ang tingin. Ayaw kong pag-aksayahan ng panahon ang tagpong ito.
"When I heard about the face off I booked kaagad a flight papunta rito. Syempre I want to support my boyfriend saka ang buong team." Pagbibida ni Ate. So siya pala ang napapabalitang girlfriend. Mukha namang simple lang siya. Pati ang ganda niya pangkaraniwang lang din naman. Gosh bakit nagtutunog bitter ako? Hindi ako bitter. I just stating my observation.
"Guys, let's go na po. We are drawing a lot of attention na po." Salamat kay Harvey at natapos ang lampungan ng dalawa. Si Ate mukhang pinaglihi sa linta. Kapit na kapit, parang walang bukas. Easy lang ate, hindi naman uso snatcher dito sa El Nido. Naka ramdam ako ng inis sa pinag-gagawa niya.
Nagpatiuna na ako sa paglalakad. Ayaw kong makisabay sa kanila na parang pagong kung maglakad. Feeling ata nila nasa shooting sila ng pelikula.
"Nagmamadali ka ata?" Naku Harvey wag mo akong simulan.
"Nanlalagkit na ako, gusto ko nang maligo." Pagdadahilan ko sa kanya. Sana lang ay tumigil kaagad ito sa kakaintriga dahil nawawala na ako sa wisyo.
"Sure ka? O baka na alibadbaran ka sa paglitaw ni ateng GF. Siya yung Clarisse right?" Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Harvey. Sarap niyang konyatan ng sampong beses.
"Naku Harvey, tigilan mo ako sa intriga mo.Wala akong pake kung sino man siya." May halong inis kong saway kay Harvey.
Tinigilan naman ako ni Harvey. Tuluyan na akong nauna sa kanila. Buti na lang at nasa reception desk ang key card kaya kaagad akong nakaakyat sa room. Pagpasok ay agad kong kinuha ang tuwalya at tinungo ang banyo upang maligo. Sa ilalim ng shower ay pinakiramdaman ko ang sarili. Then a reality hits me. I'm really attracted to Xander. Kaya nakakaramdam ako ng kakaiba nitong nagdaang araw. Kaya ako nakakaramdam ng kirot sa dibdib ko kaninang dumating ang girlfriend is because gusto ko sanang ako ang susuporta sa kanya. Napapikit ako ng mata. Need to do something. Ayaw ko nang ganitong nararamdaman.
Pagkatapos kong maligo ay agad akong lumabas sa kwarto. Tanging wallet at cellphone lang ang dala ko at walang malinaw na plano kung saan pupunta. Ang tanging nasa isip ko lamang ay ang kailangan ko ng lugar na mapaghihingahan. Mabilis naman akong nakalabas ng hotel. Hindi ko alam kung saan pa sila nagsipunta pero wala naman akong pake doon.
Nagsend na lang ako ng text kay Harvey na magpapahangin lang ako dahil baka hanapin ako.
Dinala ako ng mga paa ko sa isang coffee shop. Malayo iyon sa mataong lugar. The place is great. Modern ang ayos at mukhang kilala din dahil sa dami ng mga taong naririto. Minabuti kong dito na lang kumain. Pumwesto ako sa isang sulok ng café after kong umorder.
"Do you have news kung saan magaganap ang face off?" Rinig kong tanong ng isang kararating lang na babae sa counter. Napailing ako dahil doon. People are really looking forward for the f*****g face off.
"Sorry, maam pero wala pa pong announcement with regards with the face off. Ang alam po namin ay may magaganap pa pong meeting mamayang 10am." Magalang na sagot ni kuya.
Nang ihatid ng waiter ang order ko ay agad akong kumain. Ayaw ko munang makarinig ng hinggil sa face off na yan. Ganito ba talaga ka addict ang mga tao sa volleyball? Akala ko ay sa basketball lang sila addict.
Kahit saan ako malinga ay nakikita ko padin ang mga kulay ng Warriors at Titan Knights. Nakakabilib talaga. Napatingin ako sa cellphone ko nang may natanggap akong mensahe. It was from the sales lady from the bazaar. Omurder kasi ako ng gagamitin sana sa team building. Dadaanan ko na lang mamaya nakapagdown na kasi ako ng half.
Ilang oras na akong naglalakad. Ilang tawag na din ang hindi ko sinagot at ilang text na din ang hindi ko nababasa. Hinahanap na nila ako. Pakiramdam ata nila ay bata pa ako na madaling mawala. Nakarating ako sa isang volleyball court sa buhanginan. Naglalaro doon ang mga batang grade-schoolers. Gamit nila ang isang bolang may kalumaan. Hindi iyon official ball pero masasabing enjoy na enjoy ang mga bata. Nakakawiling panuurin ang mga kilos nila. Hindi ko mapigilang mapatawa sa mga kulitan nila. Hanggang sa tumalbog ang bola sa kinauupuan ko. Tumayo ako upang pulutin ang bola.
"Kuya, marunong kang maglaro? Sali ka sa amin." Pagyayaya ng cute na batang lalaki. Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang kabataan ko. Palagi akong napapagalitan ni mama dahil sa tuwing umuuwi ako ay napakarumi ng damit ko dahil sa paglalaro ng volleyball.
"Pwede pa ba akong sumali?" Tanong ko sa kanya.
"Oo naman po. Tara na po." Nagmadaling hinila ako ni batang cute. Hindi pa nagtagal ay nakikulit, nakitakbo at nakitawa na ako sa mga bata. Gaya ng panahong bata pa ako. Wala pang problema at hindi pa ganun ka komplikado ang buhay. I miss that days. I miss my old me.
Nakisali ako sa mga batang naglalaro. Hindi ko na nga namalayan ang oras.
"Where have you been?" May halong hysterical na sigaw ni Harvey nang makita akong papasok ng lobby ng hotel. Sarap sungalngalin ang lalamunan. Kung makasigaw naman kasi ay akala mo ay kami lang ang tao dito. Pero dahil s'ya si Harvey, what do you expect.
"Kung makareact ka naman d'yan. I just walk a bit. I texted you." Wala akong maisip na magandang dahilan bukod doon.
"A bit? You have been gone for hours, Nicolo." Exaggerated as usual.
"Chill, Harvey. You are making a scene." Pagkasabi noon ay nilampasan ko na siya upang bumalik sa kwarto. Masyadong maganda ang pakiramdam ko para masira lang. Maliligo na lamang ako ulit at babalikan yung tiangge upang kunin ang order ko.
Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay nakita kong paparating ang ilan sa mga kateam ko kasama si coach Kiko.
"Nicolo, what the hell? I been calling you. Alam mo ba na pinag-alala mo kami." Kung ako papipiliin ay ayaw ko na sanang palakihin ito pero mukhang hindi ko naman matatakasan ito. Lalo na si coach.
"Look guys, I'm sorry for not answering you calls and for not telling you where am I. As you can see, I'm safe so no need to worry." Sinikap kong maging polite as possible. After all pinag-alala ko sila. Para na rin matapos ito. “I texted, Harvey na maglalakad-lakad ako. Turns out hindi niya sinabi sa inyo. Sorry about that.”
"Wow, such a brat. If you were on my team I will already kick you out on my team." Pumanting ang tenga ko sa comment ng babaeng hindi naman hinihingi ang opinion.
"Excuse me? Who are you again? Oh yes the girlfriend." Hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Sa pagkakaalam ko hindi ka parte ng team namin. Girlfriend ka man ng Captain, wala pa ring lugar ang opinion mo rito. Wag mong ipagmayabang ang team mo na hindi man lang tumutuntong sa quarter finals. Kick me out? Then do it. By all means." Hindi nakaimik si Ate. Mukhang naghahanap ng kakampi sa kanya pero walang umimik. Kahit si Coach Kiko ay nabigla sa inasal ko. Bahala sila.
"Now, instead na ako ang pinuprublema ninyo, bakit hindi nyo problemahin yung laban nyo bukas. I appreciate na nag-alala kayo sa akin. Thank you for that. But I'm really fine. I just need some air. Now if you excuse me, you ruin my mood" Pagkatapos kong sabihin yun ay tinungo ko ang elevator. Mukhang bukas ko na makukuha ang order ko. Or padeliver ko nalang mamaya. Nakakastress naman kasi ang mga tao rito.
Coach Kiko POV
Kagagaling ko lang sa meeting with the coach of Titan Knights nang sabihin sa akin ng mga bata na nawawala daw si Nicolo. Agad ko naman siya tinawagan ngunit hindi nito sinasagot ang tawag ko.
Ngunit sa tagal ko nang kilala si Nicolo, I know na naglakad-lakad lang ito. Ilang beses na din niyang nagagawa iyon. Especially if may bumabagabag sa loob niya. But hindi ko pa din maiwasang mag-alala.
Nang magtext si Harvey na nasa baba na daw si Nicolo ay agad naman akong bumaba. Nakasabay ko din ang ilan sa mga players ko kasama ang girlfriend ni Xander.
Pagbaba ay balak ko sana siyang kausapin ngunit natunugan ko naayaw niyang pag-usapan kaya hahayaan na sana siya hanggang magreact itong girlfriend ni Xander kaya na sample-lan ni Nicolo.
Naging tahimik ang lahat hanggang sa makaalis na siya. Mukhang bukas ko na makakausap ng maayos si Nicolo.
So much for El Nido Faceoff.
"Hayaan nalang muna natin siya. Let's have the meeting already." Sinikap kong ibaba ang tension pero habang tumatagal ay umiiba ang aura na binibigay nila kaya nagpasya na lamang akong pagpahingahin na lamang sila. Nicolo can really influence every members of the team kahit ang mood nito. Hope he will be ok tomorrow.