Set Fifteen: Before the Face-Off

2160 Words
Nicolo POV Sa halip na dumeretso sa room ay napagdisisyonan kong sa outdoor pool nalang ng hotel pumunta. Feeling ko ay naninikip ang dibdib ko sa inis dagdagan pa ng galit sa babaeng kung makaasta ay parte siya ng team. Judge me if they want but I don’t regret what I said. Pinili kong umupo sa pool side. Ibinabad ko ang mga paa ko sa tubig at itinukod ang dalawang kamay sa sahig at tumingin sa kalangitan. Ang ganda ng kulay ng langit sa totoo lang. Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaang tamaan ng sinag ng araw ang mukha ko. Hapon na din naman kasi kung kaya hindi na masyadong masakit ang tama nito. Buti na lang at kakaunti lang ang tao rito sa area kung saan ako. Kung sakaling mag-drama ako ay hindi masyadong nakakahiya. Aminado ako na ako ang tipo ng taong mahirap maintindihan. May mga bagay akong ginagawa na minsan ay hindi inaasahan. Impulsive ako pagdating sa mga decision ko but not to the extent that I’ll put myself and others at risk. “Done with your drama?” Hindi ko na dapat pang hulaan kung sino yun. Sa tono ng boses nito ay alam ko na kung sino siya. Hindi na din ako nagtaka kung bakit siya naririto dahil tulad ko ay addict din ito sa Volleyball. “How did you find me, Lucas?” Tanong ko sa kanya. Tumabi ito sa akin na para bang walang narinig. Gaya ko ay ibinabad niya ang kanyang paa sa pool. “I been in Xavier’s team for almost three years before my parents decided that we need to go back in Europe. On my very first day, you immediately took me under your wings. I remember that, Kuya Brett is so annoyed with me because I keep on showing in front of you out of nowhere.”Napangiti ako nang maalala ang mga tagpong iyon. Feeling close daw kasi si Lucas kaya sa tuwing nakikita niya ito ay parang nasisira na ang araw. Pero hindi ko pa din alam kung saan patutungo ang sintimyento niya. “Can you cut the chase? Alam  mong ayaw ko ng paligoy ligay diba?” Napahinga ito ng malalim. “You’re ruining the moment.” “What I’m trying to say is that people might misunderstand you.  Or they judge you because of the things you’ve done. Remember that you will always have me. So, if there is something bothering you, know that I’m willing to listen.” Lintanya niya habang nakangiting nakatingin sa akin. Agad ko naman ginulo ang buhok nito. “Who would think that the annoying little brat will grow up like this…” I was touch with he said. It was sincere and sweet. “Of course, I’m a big boy now.” Tumayo pa ito at nag flex pa ng braso. Akala mo naman ay ikina pogi niya ‘yun. Well, pogi naman itong si Lucas. Makulit lang talaga siya pero he’s a good guy. “I-kain mo nalang yan. Mukhang nalipasan ka ata ng gutom.”  Pagkasabi noon ay tumayo na ako at gamit ang paa ay sinabuyan ko siya ng tubig mula sa pool. Hindi naman siya nagpahuli at gumanti naman ito. Dali-dali naman akong lumayo sa kanya upang hindi mabasa. Napuno ang paligid ng tawanan naming dalawa. .   Third Person POV Sa gitna ng tawanan ng dalawa ay hindi nila napansin ang isang lalaking nakatingin sa kanilang dalawa. Tumaks ito sa tinutuluyang hotel dahil gusto nitong kausapin si Nicolo. Pero hindi na ito natuloy dahil kasama nang kanyang sadya ang lalaking minsan niyang kinainisaan Ang lalaking dikit ng dikit noon kay Nicolo. Ikinuyom nito ang kanyang kamay habang pinag mamasdan niyang masayang nag-hahabulan sa pool. Nasasaktan siya sa nangyayari sa kanila. Hindi man niya sinasadyang sumali sa ibang team pero hinihiling niyang pakinggan siya nito sa kanyang paliwanag. Hindi niya gugustuhin na matapos sila sa ganito. Kung kinakailangan niyang magmakaawa ay gagawin niya maibalik lang ang tiwala ng kaibigan sa kanya. Isang tawag mula sa kanyang Papa ang kumuha ng attention niya. Sinagot niya ito agad-agad. “Asan ka? Bumalik ka ditto ay may kailangan pa tayong pag-usapan.” Lamang ang utos sa tono ng pananalita ng kausap. . Humigit siya ng malalim na buntonhininga at muling nilingon ang dalawa na patuloy pa din sa paghahabulan. Kapwa na mga basa ang mga ito.   Pagkarating ng tinutuluyang resort ay nakita niya ang kanyang team sa nagkukumpulan na tila hinihintay siya. Nang makita siya ng mga ito ay agad siyang sinabihan na magready dahil magkakaroon sila ng team meeting.  Wala naman siyang magagawa kundi magpatianod na lang sa mga plano ng kanyang Papa. “Okay, team, what we knew so far?” Tanong ng kanilang coach sa kanila. Sumagot naman ang kanilang team captain at inisa-isa ang mga nalalaman tungkol sa mga manlalaro ng Warriors. “So far po hindi pa natin alam kung sino-sino ang mga bagong members nila maliban kay Harvey Salazar at Nicolo Mickelson na dating ka-team ni Brett.” “Martinez, what can you says with these two?” Seryosong tanong ng Coach.  “You watch them play already right? Nicolo is a setter and Harvey is a lebero.” Tipid niyang sagot.  Kahit pa naman kasi alam niya kung paano maglaro ang dalawa ay madaling mababago ni Nicolo ang laro dahil sa bilis nitong mag-adjust. “What I mean is how they play? What are their weaknesses that we can use in our favor?”  Napa-iling nalang siya sa gustong mangyari ng Coach nila. “Matagal ko nang hindi nakakalaro ang dalawa. I don’t know if they improve so much or ganun pa din sila maglaro. But they can turn the table to their side easily.” Tumagal pa ang kanilang pag-uusap. Nang matapos ang sila ay nagsi-akyatan na ang kanyang mga kateam sa kanikanilang silid. Naiwan ito kasama ng kanilang coach. “Alam kong hesitant ka sa larong ito pero dapat mong tandaan na parte ka nang team na to. At obligasyon mong kumilos sa ikakapanalo ng team.” Sambit ng coach/papa niya. Napangisi nalang ako sa sinabi niya. “Hindi na ninyo dapat pang pinalaki ang gulo. What if matalo tayo doon?”  Pag-iiba ko ng usapan. “Anak kita at ayokong na aagrabyado ka. Saka, kailangang malaman ng Warriors ang lugar nila.” “Don’t use me as an excuse. Alam natin na taktika mo ang ganito para mapag-alaran ang galaw ng kalaban. So stop acting as if you are a good father. Alam natin na hindi. At nandito lang ako sa team mo dahil yun ang pakiusap ng Mommy. But don’t worry. I will play and aim to win tomorrow’s game. “ Pagkasambit noon ay agad siyang umalis at iniwang mag-isa ang papa niya.   Xander POV “Grabe, hindi mo man lang ako pinagtanggol sa Nicolo na yon.” Galit na wika ni Clarisse. Hahatid ko n asana siya sa kanyang tinutuluyang resort. Pero hindi makaget-over sa ginawa ni Nicolo sa kanya. “And what do you want me to say?” Inis kong sagot. Ito ang ayaw ko sa kanya. Nakikisawsaw siya sa problema ng team ko porke’t kilala niya ang halos lahat ng members. “Pinagsabihan mo sana siya. I am your girlfriend, Xander.” “Exactly, you are my girlfriend so act like one. Hindi ka part ng team kaya wala kang karapatang pagsalitaan ang team members ko.” Hindi ko napigilan ang sarili ko. I don’t know kung bakit subra ang galit ko ngayon.  Maybe because its Nicolo we’re talking about.   “What? Are you serious?” Hindi ata maka paniwalang nasabi ko ang mga bagay na ‘yon sa kanya. “Look, Clarisse, kelan ko ba pinakealaman o pinagsabihan ang team mo? Sa pagkakatanda ko, never akong nanghimasok sa kung paano ka magpalakad ng team mo. Sa tingin mo ba hindi nakakhiya ang ginawa mo? You overstep. Anung sasabihin ng mga kateam ko?” Hindi na nakasagot pa si Clarisse. Sana lang ay nagkuha niya ang point ko. “I’ll call you tomorrow.” ‘Yun lang at umalis na ako.   Malapit na ako sa hotel na tinutuloyan naming nang patanaw ko ang dalawang tao na papalabas. Naningkit ang mata ko nang matantong si Nicolo at Lucas iyon. Masayang nagkukwentuhan ang dalawa. “Are you sure na okay ka na?” rinig kong tanong ng huli kay Nicolo. “I can stay a little bit longer.” “Umuwi ka na at hinahanap ka na ng Coach n’yo.” Sagot ni Nicolo sabay tulak dito. “Aalis na, heto na.” Natatawang pagsang-ayon ni Lucas. “Bye, Kuya. Good luck in your game. I’ll be watching tomorrow. Show that Brett who’s the boss.” “Ulol,” “I know, mana ako sa iyo, right?” “I don’t know that Lucas is here, kaya k aba nawala kanina because of him?” Hindi ko mapigilang sabihin. I can’t stand seeing na they are sweet to each other. “I don’t know that your girlfriend is here either.” Seryosong ganti nito. “And also, kung sino man ang kasama ko kanina ay it’s not your business anymore.” “You are part of the team, and I am the team Captain. So for sure na may pakealam ako.” “Look, your obligation as a captain is to make sure that everyone is doing their part in the team. I far as I concern, I do my part. Wala sa job description mo ang pakealaman pati ang personal life ko. Now if you excuse me.”  Tumalikod na ito at umalis palayo. Napabuga ako ng hangin nang marealise kong nagpadala nanaman ako sa inis ko. Agad na humakbang ang mga paa ko at sinundan ang papalayong Nicolo. Agad kong inabot ang kamay niya at bahagyang hinila upang tumigil siya sa paglalakag. “I’m sorry.” Wala na akong maisip na sasabihin kundi ‘yun lang. “I’m just worried nang sabihin nilang wala ka at hindi ka nila macontact.” Tinignan lang ako ni Nicolo. Pakiramdam ko ay may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi. Ramdam ko ang tila kuryenteng nananalaytay sa magkahawak naming kamay. “You’re forgiven. Now can I get my hand back?”  Mahinang wika nito. Dahan-dahan ko naman iyong binitawan. “And I’m sorry about Clarisse. I know it’s a bit overstepping.” Pahabol ko. Tumango lamang siya at dumiretso na ng hagdan.   Nicolo POV Pagpasok ng kwarto ay naabutan ko sina Harvey at Sam. Pareho silang nakatutuk sa TV. Napalingon sila sa akin nang marinig nila ang pasara ko ng pinto. Ngumiti naman sila sa akin. At niyaya akong makinood sa pinanunuod nilang palabas. Tahimik lang ang buong kwarto. Walang gustong magsalita o magtanong. Nag-concentrate na lang ako sa panunuod. Sa hindi malamang dahilan ay may kung anung umuudyok sa aking magsalita. Alam kong nakakahiya ang sasabihin ko pero pakiramdam ko ay masyado nang mabigat sa loob. Ibinaling ko ang tingin kay Harvey. Matagal ko na siyang kilala kaya alam kong safe ang sasabihin ko sa kanya. Inilipat ko ang tingin kay Sam. Kahit dalawang buwan ko pa lang siya nakilala ay alam kong hindi niya ako bibiguin at siguradobng maiintindihan niya ang sasabihin ko. “Guys.” Pag-agaw ko ng pansin nila. Agad namang tumingin ang dalawa sa akin. Walang imik pero nagtatanong ang mga mata nila. “I have something to say.” “Anu yun?” Mabilis na tanong ni Harvey. Umayos pa ito ng pagkakaupo. Samantalang si Sam ay nananatiling nasa kanyang pwesto. Huminga ako malalim. Pinilit kong kontrolin ang kabang nararamdaman ko. Pakiramdam ko kasi ay parang tambol na ang t***k ng puso ko sa lakas ng kalabog nito. “Anu ba, Nicolo, sabihin mo na. Dami pang pasakalye eh.” Naiinis na sa kahihintay si Harvey. “Ito na nga sasabihin na eh.” Pabalang kong sagot ka kanya. “Sabihin mo na kasi nang makabalik na tayo sa panunuod.” Para namn niyang sinabi na hindi importante ang sasabihin ko. “I think, I like Xander Lim.” Mabilis kong saad bago pa may maisipang sabihin si Harvey. “Naku yun lang naman pala ako la ko kung anu na.” Parang hindi man lang na bigla ang kaibigan ko. “Wait anung sabi mo? Paulit nga.” Nanlalaki ang matang tanong ni Harvey. Mukhang ngayon palang nag sink in ang sinabi ko. Si Sam naman ay parang ewan ang itsura. “I think I like Xander Lim.” Ulit ko. Nilinawan ko pa ang pagbigkas para maintindihan ng abnormal kong kaibigan. “What? When? How?”  Pinatay nito ang TV at agad na inilipat ang atensyon sa akin. Nakita ko naman si Sam na umiling iling sa reaction ni Harvey. “I-kwento mo sa akin ng buo. Gusto kong malaman kung papaanu ang isang Xander Lim ay nagustohan ng isang Nicolo Mickelson.” And hindi nga ako tinantanan ni Harvey. No choice kundi ikwento sa kanya.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD