Set Sixteen: Angel and Demon in One

2121 Words
Tumunog na ang alarm clock. Hudyat iyon na ala-sinko na ng umaga ngunit parang wala man lamang gustong tumayo sa higaan upang humanda sa training practice na pinag-usapan. Marahil ay dulot ng pressure na nagmumula sa gaganaping face off. Sa isang kwarto ay nakatihaya lamang ang lalaking hindi alam kung nakatulog ba o pinaniniwala lamang ang sariling nakatulog ngunit ang totoo ay hindi na siya pinatulog ng samut' saring iniisip. Naririyan ang napipintong paghaharap ng kanyang team sa mahigpit na kalaban, ang nagtatampong girlfriend dahil sa hindi man lang daw niya pinagtanggol ng bastusin di umano ng kateammates niya. Idagdag pa ang nasabing teammate na mas lalong nagpapahilo ng isip niya. Pero ang higit na nagpapagulo ng isip niya ay ang lalaking nagpapakabog ng dibdib niya sa tuwing malapit ito sa kanya. Sa kabilang silid ay nakaupo naman sa kanyang higaan ang isang lalaki. Kagaya ng lalaki sa di kalayuang silid ay tila wala din siyang tulog. Hindi dahil sa larong magaganap kundi sa kanyang nararamdaman. Gusto niyang hindi muna mag-isip ngunit pilit sumisiksik sa isip niya ang lalaking nagbibigay sa kanya ng sakit ng ulo. Gusto na sana niyang umuwi na lamang at sabihin sa kanyang ina na ayaw na niyang mag-aral pa. Pero paanu naman ang kanyang mga pinaghirapan? Dahil ba lamang sa isang lalaki ay isusuko na niya lahat ng kanyang pinaglalaban? Sa dikalayuang silid ay nagtatali na ng sapatos ang isang lalaki. Natigilan ito nang muli niyang maalala ang dalawang kaibigan. Nahihirapan na siyang pumagitna sa dalawa. Alam niyang hindi niya mapipilit na pakinggan ng kaibigan ang paliwanag ng isa pang kaibigan. Sa kanilang paghaharap, anu ang mangingibabaw? ang samahan ng team o samahan ng kaibigan? At papaanu niya itatago sa isa ang nalamang sekreto ng isa pa? Hindi pa man nagsisimula ay parang gusto na niyang umayaw. Sa isa pang silid ay naghahanda na ang isang lalaking puno ng pag-asang makakayanan ng kanyang mga player ang magaganap na paghaharap mamaya. Kampante siyang malalakas at handa ang kanyang player ganun paman ay may kung anung kaba padin siyang nararamdaman. Sumagi sa kanyang isipan ang batang kay tagal na niyang nakitaan ng potentian na ngayon ay tila nalulunod sa kung anung kalungkutan at galit na makikita sa kanyang mata sa tuwing nababanggit ang kupunang kakalabanin. Anu nga ba ang nangyari sa kanya? Anu na nga ba ang nangyari sa batang hindi matutumbasan ang ngiti pag ito'y naglalaro sa court? Ang batang hinubog nilang mag-ama at tinuring niyang kapatid. Marahil ay natabunan na ng katotohanan. Alam niyang matagal nang bibit ng batang iyon ang isang suliranin. Sa di kalayuang hotel ay naroroon ang isang lalaking tulala lamang habang nasa ilalim ng shower. Iniisip nito ang taong naging kasangga niya sa bawat labang hinarap. Ang taong dahilan kung bakit siya ngumingiti at nakakaya ang problema. Saan nga ba hahantong ang paghaharap nila. Magkakaroon paba kaya siya ng pagkakataon na makabawi sa kanya? Paanu siya magsisimula? Kung sasabihin ba niya ang totoo ay mauunawaan ba siya nito? Naguguluhan na talaga siya at hindi niya alam ang gagawin. Kung pwede lang na yumatras na lamang pero hindi niya iyon magagawa. Lihim niyang idinasal na manging maayos n asana nilang dalawa ang gusot at bumalik na sila sa dati.   Sa lobby ay naroroon na ang kilalang coach. Nagkakape at prenteng nagbabasa ng dyaryo. Buo ang pag-asa nitong sila ang mananalo. Kung hindi man ay makakakuha ito ng sagot sa tanong na nangangailangan ng sagot. Ilang panalo na ang nasamsam niya ngunit hindi pa rin siya nakokontento. Ngayon pa ba na kasama na niya ang kanyang anak sa tagumpay. Anak na ngayun lamang niya nakilala dulot ng mga pagkakataon na hindi inaasahan. Sisiguraduhin niyang makuha ng kanyang team ang panalo mamayang face-off. Hindi option ang matalo. Magtatapat na ang tinaguriang magkatunggaling mortal sa larangan ng Volleyball Men. Sino ang unang susuko, sino ang magpapakita ng lakas. Kaninong kupunan ang magtatagumpay at kaninong kupunan ang magiging talunan. Handa ang court na paglalabanan. Nakataas na ang net sa tamang taas at sukat. Handa na ang mga upuan at mga taong magpapalakad ng larong inaabangan.  Ang tanging tanong na lamang ay handa na ba ang mga manlalarong maglalaban.   Xander POV   Kanina pa kami nakaupo sa hapag kainan ngunit wala man lang imikang naririinig. Ramdam ko ang tensyon na bumabalot sa bawat isa. Mag-aalas nuebe palang ng umaga ngunit pakiramdam ko ay minuto na lamang ang hinihintay at magsisimula na ang laban. Muli kong pinagmasdan ang mga teammates ko. Halos pawang hindi nagalaw ang mga pagkain. Maging ang ibang hindi naman sasabak sa laban ay wala ding ganang kumain. "Guys, bakit parang Good Friday ata ang mga mukha ninyo. Chill guys, this is just a face off." Wika ni Coach Kiko. Mukhang gusto din niyang pagaanin ang mga loob namin. Pero masisisi n’ya ba kami? Tatlong beses na naming nakaharap sa official game ang team na ka-face-off namin  ngunit sa tatlong labang iyon ay hindi pa kami nananalo. Hindi naman kasi makakailang magagaling ang manlalaro nila. Nahihiya tuloy ako sa mga bagong member namin dahil kung umasta kami noon ay daig pa naming ang subrang galing. Pero ngayong may laban na ay parang nangliliit kami. Nahagip ng mata ko ang taong kanina ko pa hinahanap. Kapapasok lang niya sa dining area ng hotel. Sabi ng kambal ay wala na ito sa higaan niya nang magising sila. Tumayo ako sa kinauupuan ko upang lapitan siya. "Where have you been?" inayos ko ang tono ng pananalita ko dahil baka topakin nanaman ito. Yes, nitong nagdaang araw tinotopak na siya pero cute niyang suyuin. "Work out." Tipid nitong sagot. "Sana sumabay kana sa amin kanina." Pinapanuod ko lang siyang kumuha ng slice pineapples at watermelons. "Well, I decided to be alone, besides, after what happen  yesterday I have this feeling na gusto n'yong wala muna ako sa training nyo." Hindi pa din niya ako tinitignan. Busy lang ito sa pagkuha ng pagkain. Wait dalawang pinggan na ang hawak niya. Isang pinggan ng fruits at yung isa naman ay scramble eggs, hotdog, bacon at slice bread. Nagutom ba siya? Agad ko namang kinuha ang isang pinggan upang hindi na siya mahirapan. Wala naman akong pagtutul na narinig sa kanya. Huli niyang kinuha ang isang tall glas ng orange juice. "Hindi naman siguro. Saka nag-sorry na na nga ako kagabi diba? Nag-aalala ako. I mean kami. Nag-aalala kami kaya hindi mo rin masisisi na magreact kami ng ganoon. " Sagot ko sa kanya. Papunta na kami ng lamesa kung saan ang nakaupo ang mga ka-team namin. Saka ko na lang napansin na nasa aming dalawa na pala ang mga mata ng mga ito. Si Nicolo naman ay deadma lang sa nangyayari. Umupo ito sa bakanteng upuan at kinuha ang platong hawak ko. Nagsign of the cross ito at pumikit. Doon ko napatunayang may kahabaan pala ang mga pilik mata niya. Ang staring him brings me comfort. Pagkatapos ng ilang sandali ay dumilat na ito saka nagsimulang kumain. Mukhang nasa mood siya ngayong umaga. Tumigil lamang ito nang mapansing lihim na pinagtitinginan siya ng mga kagrupo. "Sa pagkakaalam ko face off mamaya hindi lamay. Kaya pwede ba alisin nyo ang pagkanega nyo sa mga katawan nyo. Manalo matalo wala itong bearing yun. Kung matalo man tayo mamayo okay lang. Ibig sabihin kailangan pa nating mag-improve. Kung manalo naman tayo mamaya ibig sabihin naglevel up tayo at handa na tayo sa totoong laban. We are Warriors, anu mang laban ay hinaharap natin." Litanya niya. Ibang iba talaga siya kapagnagsasalita siya. "Hindi ko to sinasabi dahil sa tingin ko sa sarili ko magaling ako. Sinasabi ko to kasi magaling kayo. Kailangan lang ng direksyon. Kaya utang na loob kumain na kayo. Sayang yung pagkain. Sarap pa man din nito. Saka maglaro lang kayo ng tama. Magandang pagkakataon din yun para makakuha ng sponsors." Napangiti na lamang ako. Parang bata kasi kung kumain. Bigla naman itong humarap sa akin sabay bumulong. "Tulungan mo ako sa prutas napadami yung kuha ko." Nakangiting inilipat niya ang halos kalahating pinggan sa plato ko. Hindi na ako nakaimik pa. Buti na lamang at kumakain ako ng pinya at pakwan. Sa sinabi ni Nicolo ay ramdam kong kahit papano ay na lift up niya ang moral ng mga kasamahan namin. Nakakatuwa dahil sa kabila ng sala sa init sala sa lamig nitong ugali ay nakakaya niyang  magboost ng confidence. Mabilis lumipas ang oras. Alas dos na ng hapon at pupunta na kami ng El Nido Stadium (Hope walang mag react dito. Gawa-gawa ko lang yung stadium. Wag nang kumuntra.). Nasa lobby na kami at naghihintay ng shuttle. Nakita kong lumabas si Nicolo. Pagbalik nito ay may dala na itong dalawang supot. Lumapit si Sam sa kanya upang tulungan siya. Pumunta ito sa gitna at nagsalita. "Guys remember na pinaghanda tayo ng token ni sir Jap para sa isang activity? So yung token ko ay na order ko na at dahil cancelled na yung team building activity eh ngayon ko na lang ibibigay." Mula sa supot na dala dala nila ni Sam ay kinuha niya ang isang orange shirt na may yellow na manggas. Sa harap noon ay may nakasulat na "Born to be a WARRIOR" sa harap at apilyido ng bawat members sa likos. Sa manggas ay naroroon ang number in color red. Isa-isa niyang inabot sa bawat member ang mga shirt.  "Lahat tayo marahil ay iniisip ang face off. But it's just a face-off. Don't think too much it will affect your game. Be out there and play with all your might. With that, win or lose you don't have regrets. You are warriors. So show them what means to be real warriors." Simple lang ang sinabi niya pero pakiramdam ko ay nabigyan niya ng peace of mind ang mga kasamahan namin.  How can this person be a mood changer? Last night he makes the team down and today he lifts it up without a sweat. Pinakiramdaman ko muli ang dibdib ko. Kumakabog nanaman iyon. Nicolo will soon give me a heart attack if this continues.  Nang matanggap naman ng kasamahan namin ang shirt ay agad nilang hinubad ang suot na warmer at isinuot ang shirt na binigay ni Nicolo. Lalo akong namangha sa ginawa niya. He could be cruel yet he could also be an angel. Either way he looks cute and I like to kiss him so bad. Natigilan ako sa iniisip ko nang lumapit siya sa akin. Inabot niya ang shirt na para sa akin. Wala na akong sinayang na sandali. Isinuot ko na din ang shirt na bigay niya.   Announcer POV Good afternoon Philippine! Live here at El Nido Stadium, Palawan, this is the Face Off: Titan Knights vs Warriors Grabe mga kaibigan, punong puno po tayo ngayon. At balita ko ay may mga tao pang nasa labas na mukhang nagtityaga na lamang sa mga live feeds na hatid ng Philippine Sports Channel. Sa totoo lang po mga kaibigan ay hindi ko inaasahan na ganito kadami ang manunuod ngayon knowing that kahapon lang ng umaga, kung di ako nagkakamali 10:30 ng umaga inanunsyo ang venue ng paglalabanan. Pero heto nga at halos di mahulogan karayon ang venue. Gusto lang po naming sabihin po. Gaya po ng mga nabasa ninyo sa mga official site ng PSC, isang set lang po ang paglalabanan ng face off. Race to 40 po ang scoring. Meaning to say pagdating ng 20 ay change court na kaagad at ang unang makapag score ng 40 ay siyang tatanghaling panalo sa face off na ito. Gusto lang din naming sabihin na ang labang ito ay isang friendly competition lamang po mga kaibigan. Ibig pong sabihin ay wala pong bearing ang game na ito sa nalalapit na pagbubukas ng National University and Colleges Volleyball League. Ayan mga kaibigan nakikita nyo po sa inyong mga screen ns pumasok na ang kupunan ng Titan Knights sa venue. At talaga namang sinasalubong sila ng kani kanilang mga fans! Mga kaibigan kakapasok lang na balita, papasok na din daw ang kupunan ng Warriors sa venue. Wait, ayan na po sila nakukunan na ng ating camera ang pagpasok nila. At talagang pinaghandaan because they are wearing their color. Unlike ng Titan Knights they enter the room on their green jersey rin naman pero iba yung aura ng mga Warriors. At kung mapaansin nyo ay may nakasulat po sa mga shirt nilang "Born to be a WARRIOR!" Nagsisigawan na din ang kanilang mga supporters. Halos di na mga magkarinigan. Goodness face off palang eh bumabaha na ang supporters ng bawat kupunan. Anu pa kaya kung totoong laban na. Wag po kayong aalis mga kaibigan magbabalik po ako upang ihatid sa inyo ang kaganapan sa pinaka-kontrobersyan na face off sa pagitan ng Titan Knights at Warriors dito lamang po sa Philippine Sports Channel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD