Set Seventeen: Titans vs Warriors

3027 Words
Announcer's POV   Patuloy po kayong nakatutok sa pinag-uusapang face off sa bansa. Titan Knights versus Warriors. Ang dalawang team na ito ay ilang beses nang nagharap sa finals ng NCUSL. At ngayon nga ay bibigyan nila tayo ng worm up game.  Ako pa din po Erich Valdevieso, ang maghahatid sa inyo ng mga kaganapan dito sa El Nido Stadium, Palawan. Sa mga nagtatanong kung bakit naging matunog ang dalawang kuponang ito, for almost five years mga kaibigan ay nagkakaharap ang dalawang team na ito sa championship game ng NCUSL. Kahit sabihin na nakukuha ng Titan Knights ang kampyonato ay hindi ganoon kadali ang laban because Warriors also give their best. Kaya nga ang score pagsila ang naglalaban ay talaga namang hindi nagkakatayo. At take note, sa tuwing maglalaro ang dalawang kupunang ito ay talaga namang aakalainin mong box office na pelikula dahil palaging puno ang venue. So nakikita na po natin na nagsimula na ang official warm-up ng Titan Knight. Meaning to say, ang unang service ay nasa kanila. As you can see may mga bagong mukha sa Knights, isa na mga dito si Brett Martinez ng Xavier International School. Kung di ako nagkakamali ay binansagan siyang "kid splash" dahil sa bilis nitong pumalo ng bola. Sa huling laban na nilaruan niya naka-score siya ng 63 point out of 4 set. Hindi matatawaran ang galing ng batang ito. Siya na ba ang magiging bagong ace player ng Titan Knights?   Brett POV   "Race to 40 lang ito. Kaya wala dapat masayang na points. Iwasan yung mga errors ha." Paalala ni coach. Sabay sabay naman kaming sumagot. “Don’t let me down boys.” Nakadako ang paningin ko sa taong nasakabilang court. Nakaupo lang siya at tinitipa ang phone suotsuot ang teddy bear design face mask. Yes, kahit naka face mask siya ay kilalang kilala ko siya. Lihim akong mapangiti. Hindi pa din siya nagbabago. He makes it looks like wala siyang pake sa paligid dahil sa ease at aura na pinapakita niya. "Brett, kanina pa kita tinatawag. Okay ka lang?" Si Papa. "Opo naman. May iniisip lang po ako." Depensa ko sa kanya. "Kung anu man yan, isantabi mo muna. Ipakita natin sa mga taong naririto ang pwersa ng Champion Team." Kung alam mo lang Papa na isa sa iniisip ko ay ang makakalaban natin. Hinubad ko ang warmer ko at nakisabay na lamang sa mga nagwawarm-up ng team. Kung ako nga lang masusunod ayaw ko nang lumaban pa. Pero naririto na ito kaya wala nang atrasan pa. For the sake of the game I love, ipapanalo ko ito.   Sana lang ay kung anu man ang mangyari ay magawa pa rin akong patawarin ni Nicolo. Dahil hindi ko talaga kaya na mabalewala ang pinagsamahan namin.   *** Ang official warm-up ng Warriors ay nagsimula na rin. As you can see naririyan pa din si Xander Lim. He is the current team captain. Medyo seryoso ang mukha niya ngayon. Halatang nagco-concentrate talaga siya para sa face off na ito. Mukhang desidido talagang manalo ang Warriors. Bukod sa mga kilala na nating mga members ng team like Jim ang kanilang setter. Naririyan din ang famous twin na sina Rey at Roy. Mayroon din namang bagong mga mukha. Let see if makikilala natin. Wow, I see Harvey Salazar, libero and he is also from Xavier International School. Also Samuel Kingsman of Philippine British Academy. Medyo familiar sa akin yung dalawa pa nilang new players. Pero ang isang nakaface mask nag-iinvite ng curiosity ko.Overall masasabi kong power house din ang manlalaro ng Warriors.   Xander POV Napapangiti pa din ako habang pinagmanasdan si Nicolo. Suot suot niya ang teddy bear design face mask na ako mismo ang nagbigay. Inilagay ko iyon sa kanya bago kami bumaba ng shuttle. Wala namang particular reason. Kilala na rin naman siya. O sadyang ayaw ko lang makita ng madaming tao ang cute niyang mukha? Nababaliw na talaga ako. Mas inaalala ko pa siya kesa kay Clarisse na girlfriend ko. Nang mag official warm-up na kami ay gusto ko sanang kapares siya ngunit minabuti ko nalang na sa iba makipag-pares. Masyado na akong distracted ng dahil sa kanya. Hindi sa nagrereklamo ako pero kailangan ko nang full attention sa game. We need to win this game at patunayan sa kalaban na mali sila ng hinamon.       Announcer's POV The talk of the town face off will now officially begin. Naka handa na ang lahat at tumunog na ang whistle ng referee. For Titan Knights their starting line-up would be #2 Lancelot Dee, #3 Justin Rosales, #7 Brett Martinez, #8 Kevin Manalang, #9 Jovan Dickson, #11 Leon Alfonso with their team captain #1 Gregory de Guzman. Their starting libero will be Amiel Santillan. Dalawang bagong mukha ang napabilang sa first six ni Coach Brandon Tejares. At kitang kita naman na kompiyansa talaga siya na mananalo ang mga players niya. Well malalaman natin iyan mamaya. Ngayon naman tignan natin ang starting line-up ng Warriors. For the Warriors, we have #3 Roy Sarmiento, #4 Rey Sarmiento, #6 Daniel Barrios, #7 Leopold Garcia, #16 Jim Alcaras with their team captain #1 Xander Lim. Starting libero will be #12 Blake Joaquin. As you can see on this line up, wala pong binago. Heto pa din ang first six na ginamit ng Warriors last  year sa finals ng NCUSL. So anu ba ang plano ni Coach Francisco. Makakasiguro ba siya na ito ang winning line-up ng warriors? Well malalaman na natin ang kasagutan dahil magsisimula na ang Face Off: Titan Knights vs Warriors. *** On the service line is Leon Alfonso of Titan Knights. This is his second year being Knight at noong nakaraang season po ay naka pagscore siya ng 8 points derederetso yun. Sabi nga ng isa sa mga napagtanungan nating analyst killer server daw itong si Leon Alfonso. At ayun nga, unang points ng Titan Knights mula sa unang service ace ni Alfonso. Alfonso on his second serve... Pumasok! Another service ace from Leon Alfonso bringing the score to 2 - 0 in favor of Titan Knights. Mukhang hindi napaghandaan ng mga Warriors ang service na gaya nito. And there! Another service ace. 3 - 0 ang score courtesy of Alfonso na ngayon ay sinusigaw ng mga fans ang pangalan niya. I'm still looking forward sa gagawin ng Warriors. Remember this is just a race to 40 battle. Kahit naman siguro walang bearing ang larong ito ay nakataya pa din ang bandera ng team kaya naman dapat ay makaisip na ng paraan ang Warriors kung paano matitigil itong napakalakas na service ni Alfonso.       Nicolo POV Accurate ang bawat tira ni Leon. Masasabing specialty niya ang service kaya siguro siya ang unang pinagserve. Kung magtutuloy tuloy ito ay sa tantya ko ay aabot ng kinse bago pa siya mapigilan. No choice kami. Kailangang pumasok ni Harvey. Hindi kakayanin ni Blake at ng dalawa pang nasa likod ang service ni Leon Alfonso. Tinignan ko ang score 5 - 0 na at walang magawa ang nasa loob. Talagang pinapakita talaga ng Coach nila na malakas sila. Well atleast nalaman namin na may ganito kayong player. The next time makakapaghanda na kami. "Coach." Tawag ko sa kanya. Sumenyas itong lumapit. Agad akong lumapit upang ibulong ang bagong plano. Hindi naman sa walang alam si Coach Kiko. Alam nya naman ang gagawin. He is just following our plan. Kaya lang mukhang kailangan baguhin.  Kanina nga ay napag usapan naming ang plan B. Kaya dahil alanganin na ang team. Kailangan nang gawin ang plan B.   *** Wait, Blake Juaquin is being replace by #15 Harvey Salazar. Mukhang magpapakita na din ng lakas ang Warriors. This is Harvey Salazar, best lebero of the last game na sinalihan and 90% accurate reception. 6 - 0 ang score. Alfonso is on his seventh service. Pumasok but this time Harvey Salazar stopped the ball in instant. Jim Alcaras for the set but wait hindi lamang set iyon kundi jump combination set with Daniel Barrios at Leopold Garcia. Sa huli it was Xander Lim hit the ball. New combination play for Warriors getting their first score. 6 - 1 ang score mga kaibigan. Serving number 1 Xander Lim. Pumasok at na i-set ng knights. Pinalo ni Gregory de Guzman pero Harvey Salazar stopped the ball once more. Another set by Jim Alcaras from the back, line it was Xander Lim. Another killing hit from Xander Lim. 6-2 ang ating score. Mukhang ito na ang simula ng pag-retaliate ng Warriors. Pero kaya kaya nilang pangatawan ang kanilang bagong game hanggang sa huli? *** Brett POV Now that Harvey is on the game alam kong magiging mahirap nang tibagin ang depensa nila. Harvey is a monster pagdating sa pag-defense. Wala siyang pinapalagpas na bola hanggat nasa loob siya bg court. Aware siya sa kanyang paligid na nagagamit niya sa tuwing magdedefend ng bola. Bukod doon ay magaling ding support si Harvey kaya hinding hindi mo madadaya ang atake.    Warriors are now different from the warriors na huli kong nakita. They change patterns. Patterns na madalas naming dating nakikitaan ng butas. Jim Alcaras is now making things hard to predict. Hindi ko inaasahan na iyon. Well, what to expect? Si Coach Kiko ba naman ang humawak sa team ninyo. He is one of the best coach. Ang blocking technique nila ay umiba na din. Naging pader ang blocking style ng Sarmiento twin. But I am the Kid Flash. I can do it better. At hindi ko sila papayagang umabante ng tuluyan. Current score is 12-11. Isa lamang ang lamang namin. Kung hindi mapipigilan ang momentum ay mauungusan kami. "Lance, it our time." Bulong ko sa kanya at na intindihan naman niya ang ibig kong sabihin. Lance is a new setter pero he is playing hitter. Pero siya lang ang nakakakuha ng tempo ko kaya siya ang nagseset para sa akin. Hindi ko kasi masabayan ang original na setter . Buti nalang at itong si Lance ay nasundan ang galaw ko.   *** And the Kid flash is moving. Tatlong sunod sunod na killing hit ang nagawa niya from there to here. Dumadagundong ang hiyawan ng mga supporter ng Titan Knights. 19-11 ang ating score in favor of Titan Knights. Still, this is The Face Off: Titan Knights VS Warriors. 19 serving 11. It was received by Salazar and an overhead combination set by the Sarmiento Twin but narecover ng Knights another set by Lance Dee for Brett Martinez. A nice kill from the kid flash. Feeling ko ay may halong gigil ang palong iyon. Baon na baon ang bola. 20-11 po ang score. Change court na po. After the break the exciting continuation of the face-off: Titan Knight vs Warriors only here on Philippine Sports Channel.   ***   Nicolo's POV Nakapag change court na ngunit hindi pa rin pumapanig ang kapalaran sa amin. Hindi naman problema iyon. Pero mas mainam atang takutin ang Titan Knights. 23-15 ang score. Patuloy pa din namang lumalaban ang team namin pero ang kumbinasyon ng play ng kalaban ay sadyang advance at hindi kakayanin ng kasalukuyang set. Namamayagpag na si Brett sa tulong ng Lance. Ngunit kapansin pansin din sa kanilang mga kilos. Pinupunterya nila si Jim. Naningkit ang mata ko sa taktika nila. Di ko mapigilang mag-init ang ulo ko. Hanggang sa muling humataw si Brett at saktong natamaan si Jim. Dahil hindi maganda ang pagkakabagsak ay bahagyang napuruhan ang balikat nito. Bakas sa mga mukha ng Senior ang pag-alala. Hindi ko din napigilang magngitngit. “Ganito pala ang gusto nyong laro ha.” Nasabi ko sa sarili ko. Agad namang dumating ang medics.   "Nicolo." Tawag ni Coach. Kahit hindi sabihin ay alam ko na ang sasabihin niya kaya kinuha ko ang suot kong mask at lumapit sa kanya. "Mukhang hinihingi talaga ng pagkakataon ito. Make me proud! Bunso." At ginulo nito ang aking buhok. Nginutian ko na lamang siya kahit sa loob ko ay nagngingitngit na ako. "Ipasok nyo na rin coach si Sam. Nang matapos na to." Wika ko. Kailangan ko sa loob si Sam para maka ganti. "Sige. Pasok ka na muna." Bumaling ako sa kabilang kupunan upang makita ang reaction nila. Nagtatawanan na tila ba wala silang nadisgrasya. Tinanggal ko ang face mask na suot-suot ko. Nagstretch ng kaunti ay naghandang pumasok sa loob ng court. Si Jim na sana ang susunod na mag se-serve dahil pinalitan ko siya ay ako na ang pupuntang service area. Di naman ako binigo ni coach dahil ipinasok din niya si Sam. Ngumiti ako kay Sam. Kinindatan lang niya ako senyales na alam na niya ang gagawin. Target number 1, Lance Dee. “Hindi lang kayo ang kayang gumawa ng ginawa ninyo.”   *** Oh my God! Is that Nicolo Mickelson? Ang Magician Setter ng Xavier International School? Ibig sabihin ay totoong nasa Warriors siya. Hindi ako makapaniwala mga kaibigan. Nicolo Mickelson is awarded as the best setter not only in the local league but also sa International Competitions.  Sa score na 24- 15, mahahabol pa ba ng Warriors ang kalaban? Nasa service area ang Magician. Hopefully ay maayos lang din ang kalagayan ni Jim Alcaras. Nicolo Mickelson in his signature jump serve. Derederetso lang ang bola, sa bilis nito hindi ko namalayang tumamana pala sa mukha ni Lance Dee. Let’s watch the slow motion. Ayan kitang kita na umatras pa si Dee, pero saktong sa mukha nito tumama. Sa subrang lakas ng impact ay dumugo ang ilong nito. Sapol na sapol pa naman sa mukha. It looks like the magician is turning to dark magician. At mukhang siya na ang magpapausad ng score ng Warriors. 24-16 ang score. Still service of Mickelson.   Another signature jump serve. This time sa sahig tumama at walang nakapansin. 24-17, pitong puntos ang lamang ng Knights. Mukhang jump serve muli ang pinakawalan ni Nicolo Mickelson. Gigil din ang isang ito. Halos hindi mo nga agad napapansin pero anjan na pala. But of course this is Nicolo we're talking about. Service pa lang iyan. Hintayin nyo pa pagnag-set na siya ng bola.   ***   Xander POV Napapalonok nalamang ako sa jump serve na pinakakawalan ni Nicolo. Kitang kita sa kabilang kupunan ang pagkabigla. Ngunit ang nakakabila ay nasapol sa mukha yung Lance Dee. Napapaisip ako bigla. Sabya ba iyon o nagkataon lang. 24-20 na ang score apat na lang ang lamang ng kalaban. Nakakatawa na ang mukha nila. Maging ang Coach nila sa gilid ay naiinis na. Isang jump serve muli ang pinakawalan ni Nicolo. Nagsigawan ang lahat nang makuha ito ng libero pero tumalsik ang bula palabas. Ilang jump serve pa ang pinakawalan ni Nicolo. At panay ang papunta sa libero. 26-24 na ang score lamang na kami ng dalawa. Nilingon ko si Nicolo sa service area. Seryoso lang ito at parang hindi man lang napapagod. Muli ay jump serve nanaman ang pinakawalan niya. This time si Brett Martinez na ang humarap at agad niyang naibalik sa amin. Chance ball... Nakuha kong mailagay sa gitna ang bola. Pumuwesto si Nicolo sa babagsakan ng bola. Umayos ako sa labas ng court habang kumilos din ang kambal. Ngunit sa huli ay binigay ni Nicolo ang pagkakataon kay Sam mula sa back line. Replika iyon ng ginawa ni Brett kanina na tumama kay Jim. Sa huli ay tumama din iyon sa isa pa nilang setter na si Jovan Dickson. Akmang kukunin sana niya ang bola pero huli na siya dahil tumama muli sa mukha niya yung bola. Hindi ko inaakalang ganito ka lakas ang tandem ni Nicolo at Sam. Nang lingunin ko ang dalawa ay parang ibang tao ang nakikita ko. Brett's POV Nanlaki ang mata ko nang magawa nang number 5 ang spike ko kanina. Masasabing kuhang-kuha as in carbon copy ng kung paano ko ginawa. Maging ang pagtama nito kay Jovan. Tumingin ako kay Nicolo na seryosong nakatingin sa akin. Nakakatakot ang galit sa mata nito. Ibang-iba sa Nicolo noon. Iniisa isa nya ba ang mga kasamahan ko? Dalawang setter na ang nadadale niya. Mukhang hindi sinasadya ang mga kilos at atake pero knowing Nicolo, I’m sure it’s his plan all the way.  Ganito ba ka tindi ang galit niya sa Team na to. The magician is becoming Dark. Nakaramdam ako ng takot. Kung dati ay parang normal lang sa akin ang mga ganitong kilos ni Nicolo ay iba pa rin pala ‘pag ikaw ang nasa kabilang side ng court. *** 30-25 mga kaibigan ang score. Hindi pa din nakakabawi ang mga Knights. Parang sumasagot na din ang Warriors sa mga atake ngTitan Knights. Sa totoo lang power house ang set of players ng Warriors as you can see their libero, Harvey Salazar, yung spikers nila from team captain Xander Lim, the combination tactic of the Sarmiento twin, at the copycat Samuel, not to mention the setter magician, Nicolo Mickelson.I can’t wait to see more of their action on this face-off. Wait I see Coach Brandon Tejares complaining to the management. Mukhang nirereklamo niya ang sinasadyang atake sa mga players niya. Well, as far as I understand ay ligit na mga nagkataon lamang na pangyayari iyon. Gaya lamang ng kaninang nangyari sa Setter ng Warriors. Ow. Mukhang coach Brandon is walking out. The 5th time depending champion's coach is walking out. Well hindi ko alam kung anu ang kahihinat nan nito pero as we can see 32-25 ang score at malinaw na Warriors ang panalo sa Face Off na ito. Nakakapaghinayang lamang dahil ang challenger pa ang nagwalk out. Pero syempre wala naman itong bearing as I said kanina. So diyan nagtatapos ang tatapos ang face off: Titan Knights vs Warriors here at El Nido Stadium. My name is Erich see you again.   Xander POV   Nag edeklara ng referee na kami ang panalo ay hindi ko macontrol ang sarili sa labus na tuwa. Nakita ko ang nagtatatalin na mga kasamahan ko. Nakita ko si Nicolo kasama si Sam at Harvey na nagtatawanan. Sa subrang saya ko ay agad kong tinakbo ang pagitan namin. Walang pasabi sabing hinila ko si Nicolo palapit sa akin sabay hawak sa batok niya at kinintalan siya ng halik. Natigilan ang lahat sa ginawa ko. Pero masyado akong masaya para intindihin pa sila. Alam ko sa sarili ko kung anu ako pero handa na akong bitiwan ang lahat ng kahihiyan para makasama si Nicolo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD