bc

My possessive boyfriend

book_age16+
20
FOLLOW
1K
READ
billionaire
dark
HE
dominant
bxg
gxg
small town
like
intro-logo
Blurb

Allison Rodriguez isang simpleng dalaga na lumaki sa maliit at napapagiiwanan na lugar. Kilala bilang inosente at independent na babae kaya hindi malabong marami din itong manliligaw tulad nalang ng anak ng kanilang pinuno na si Tonyo. Mula pagkabata pa lamang ay

chap-preview
Free preview
Chapter One
Allison POV "Allison dalhin mo nga itong talyasi kay Tiyang Margaret mo dahil magluluto sila ng pansit. Kunin mo na din ang isang kilo ng karne ng baboy na ibibigay niya sa atin para masahog ko sa pakbet mamayang gabi." utos ni nanay sa akin habang nagdidilig ito ng mga gulay na pananim namin. Sa malayong lugar na ito ay tanging pangingisda sa dagat o di kaya mga gulay at alagang hayop ang kinakabuhay namin kaya nakakakain pa kami sa araw-araw na walang ibang inaasahan. Masaya ang lugar namin at tuwing gabi ay mayroong piging lalo na kapag may kinakasal lahat ay imbitado at lahat ay nagtutulungan para maging maayos at matiwasay ang celebrasyon. Habang naglalakad ako ay may narinig akong nagk-kwentuhan at tila may tinitignan sila dahil naguumpukan na ang mga ito kaya sa kuryusidad ay lumapit na ako sa apat kong kaibigan. "Ano ang meron at tila may pinagkakaguluhan kayo riyan." sambit ko nang makalapit sa kanila napalingon sila sa akin at medyo lumuwag kaya nasilip ko yon. May nakahigang lalaki na halos warak-warak ang damit nito at puno ng galos sa katawan maging ang binti nito ay dumurugo. "Bakit may lalaking nakahiga diyan?" "Nakita nila grace sa gitna ng gubat malapit sa falls. Duguan at walang malay pero may pulso pa siya." sagot ni Samuelle. "Ang gwapo naman niya panigurado madami ng babae ang nasaktan nito." sabat ni Reya na titig na titig partikular sa gitna nito. "Grabe ka naman Reya. Napaka judgemental mo talaga porket gwapo ay babaero na agad?" lintiya ni Grace habang tinatalian ang dugo sa paa ng estranghero para tumigil ang pagdurugo. "Bakit kahit naman pangit ay babaero din. Wala sa itsura ang pagiging babaero nasa choice nila yon kung mambabae o manlalaki sila at kapag paulit-ulit aba sakit na nila yon." "Saan natin idadala itong si pogi?" "Sa inyo nalang kaya Samuelle? Hindi ba't albularyo ang Lola mo?" "Nako! Madaming bata sa bahay namin at napakagulo kaya kahit gusto kong sa bahay namin siya magpagaling ay hindi maari baka lalo na siyang matuluyan at dumiretso sa heaven." Lahat sila ay napatingin sa akin na parang may naiisip na ideya. "Bakit kaya hindi muna sa inyo tumira itong si pogi? Hindi ba't dati kang nag-aalalaga sa Lola mong namayapa? Baka pwedeng Ikaw na mag-asikaso sa kanya tutulong-tulungan ka nalang namin." "Pala desisyon kayo?" sabay irap sa kanila. Sa huli ay dinala nga nila sa maliit naming bahay ang walang malay na lalaki na akala mo na natutulog na prinsepe lang. Nagulat pa nga sila nanay at tatay bakit may inuwing lalaki sa kanila. "Ayan na Tiyang Magda inuwi na namin ang magiging asawa nitong si Allison baka tumandang dalaga na sa sobrang pihikan." pagbibiro ni Samuelle na nakatanggap ng batok galing sa akin. "Kay gwapo naman itong lalaking ito hindi kana magiging lugi anak. Tiyak na magandang lahi ang mabubo niyo." pagsakay naman ni tatay sa pang-aasar ng mga kaibigan kong marites. Napuno ng kantiyawan ang maliit naming tahanan na tanging pawid lang ang pader. Dito sa isla namin ay bihira lang ang mayrong bahay na bato. Sa kwarto muna siya ng dalawang kambal kong kapatid na lalaki inihiga ang estrangherong lalaki na wala pa ding malay. Wala itong pagkakakilanlan kaya wala kaming ideya kung sino ba siya at bakit walang malay itong natagpuan sa gubat. Bumalik na ako sa kusina nadatnan ko si Nanay na abala sa paghiwa ng mga gulay kaya agad akong lumapit sa kanya para tulungan ito. "Tingin ko sa lalaking yon ay hindi basta bastang tao. Sa kasuotan at gamit nito ay masasabi mong galing sa marangyang pamilya." aniya habang nagbabalat ng kalabasa. Tumango naman ako bilang pagsangayon dahil nga mahahalata mo talaga sa lalaking yon ang estado sa buhay niya. Paano siya nakarating dito sa isla namin? Bawat nangyayari dito ay alam namin ultimo mga naliligaw na mga dayo na nakarating dito ay alam ng bawat nakatira. "Palagay ko nga din po." sagot ko habang nagpipitas ng sitaw. Maya-maya lang ay magpapakain na ako sa alaga naming baboy at manok. "Kapag nagising at gumaling na ang lalaking yan ay kailangan na siyang umalis dito. Iba ang kutob ko sa kanya kaya mabuti pang wag mo ilapit ang loob mo sa kanya anak." paalala ni nanay sa akin tanging tango lang ang sinagot ko sa kaya. Ilang araw ang lumipas hindi namin nakakaligtaan na gamutin ang mga sugat nito sa katawan pati ang pinapainom namin na herbal para gumaling na ito. Wala pa din itong malay pero natutuyo na ang sugat niya. "Ang tagal namang gumising ng prince charming mo, Allison." sambit ni Samuelle nang dumalaw dito para magdala ng ginawa nilang suman kagabi. Ganito kadalasan ang paghimagas dito minsan nga hindi kamoteng kahit ang ginagawang suman. Pwede din ang gabi na gulay kaya kahit salat kami sa makabagong teknolohiya ay sagana naman kami sa pagkain. "Baka naman magkaroon na ako ng pamangkin ay hindi pa din magigising yan. Siya nga pala nakasalubong ko si Tonyo dadalaw daw siya dito." sambit naman ni Jessie na nagpakunot ng noo ko. Umakyat na naman ang inis sa katawan ko dahil nga mag-uumpisa na namang mangulit ang lalaking yon. Si Tonyo ang anak ng pinuno namin dito sa Isla kaya napaka hambog akala ata niya habulin ng mga babae dito. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na masugid ko itong manliligaw pero lagi ko itong binabasted. Ayoko sa lalaking hambog at walang galang sa matatanda. "Nakikita ko ang inis mo, Allison. Hindi ka ata titigilan ng lalaking yon hangga't hindi ka pa nag-aasawa." "Papaano naman ako nag-aasawa eh hindi ko tipo ang mga lalaki dito. Tignan mo nga halos gabi-gabi ay puro pag-inom ng lambanog ang inaatupag." sagot ko habang umiiling. Mababait naman ang mga tao dito at kapag na agrabyado ka ay tutulungan ka nila. Hindi ka matatakot na maglakad ng gabi dito dahil walang m******s na hahablot sayo. "Tao po..... Allison?" nagtinginan naman kaming lahat nang marinig namin ang boses ni Tonyo. "Paano na yan nandito na naman siya." iritable kong sambit at napabuntong hininga. Ang kulit talaga ng lahi ni Tonyo. "May ideya ako pero wag kang mag-inarte Allison. Makisakay kana lang para tigilan kana ni Tonyo." nakangiting sabi ni Grace na tila may naglalarong kalokohan sa kanyang isip. "Ano naman yan?" kinakabahang tanong ko sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

His Obsession

read
72.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook