Chapter Two

1020 Words
"Totoo ba ang sinabi ni Grace? May nobyo kana ba talaga Ally?" malungkot at puno ng hinanakit ang boses ni Tonyo na tila anumang oras ay iiyak na ito. Ally ang kadalasan na tawag nila sa akin. "Sino siya?" galit na ito at hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagkuyom ng kamao niya. "Alam naman ng buong bayan na Ikaw Ang babaeng gustong-gusto ko pero may nang gago sa akin at sinulot ka." tiim-bagang na sambit nito. Isa si Tonyo sa matapang at sanay na makipagbugbugan. "Tonyo simula palang ay sinabi ko sayo na wala kang mapapala sa akin dahil hanggang kaibigan lang ang maibibigay ko sayo. Sana respetuhin mo ang desisyon ko. Nandito naman si grace bagay kayong dalawa." suhestiyon ko pero pareho silang napangiwi. "Yuck! Ayoko sa kanya maasim yan." nandidiring sambit ni Tonyo na parang sukang-suka sa kaibigan ko. "Hoy! Wag na wag kang makakahingi sa amin ng suka." galit na singhal sa kanya ng kaibigan ko. Ang pamilya kasi nila grace ay gumagawa ng sukang sasa na siyang pinagkukuhanan ng bayan namin. Umirap naman sa kanya si Tonyo at ngumiti sa akin. "Bakit kasi hindi nalang ako? Pogi naman ako.. masipag at higit sa lahat ay may katayuan ako sa lugar natin." "Kasi nga hindi ikaw siya....... Bakit ba kasi pinipilit mo ang sarili mo sa taong ayaw sayo kaya nasasaktan ka eh." walang prenong sambit ni Samuelle sa pinsan niya. Oo, pinsan niya yang si Tonyo pero madalas ay bwisit siya dahil sobrang mahangin kasi na pwede ka ng tangayin. "Kapag nagmahal ka maintindihan mo din." ani Tonyo na wala pang balak umalis. "Mali ang pagmamahal mo dahil kapag mahal mo ang isang tao hindi mo ito pipilitin at rerespetuhin mo ang desisyon niya. Minsan kahit gaano pa natin kamahal ang isang tao kung ang tanging pagpipilian ay pakawalan ito at kahit pa gaano kasakit ay gagawin mo para lang sa kaligayahan niya." "Wow! kaibigan Ikaw ba yan? ang lalim naman ng pinanghuhugutan mo. Sino ba yan?" tila nanunuksong sambit ni Reya inikutan lang siya ng mata. May ideya na ako kung sino ang taong yon pero ayoko nalang manggaling sa akin. "Wala" sagot nito na walang kagana-gana habang naka crossed arms. Nagkibit balikat nalang sila pero nasa mukha nila na hindi naniniwala. "Ate yong nobyo mo gising na." sigaw ni junjun na nagpatigil ng mundo namin at nagtinginan apat na halata sa mukha nila ang gulat. "Nobyo? Nandito ang lalaking yon? Sino siya? Gusto ko makita ang lalaking nakabihag ng puso mo." pagpupumilit ni Tonyo na pilit pinapasok ang sarili niya sa loob ng bahay. "Teka lang Tonyo! Sa susunod nalang baka magkalat ka pa dito." pagpipigil ni Samuelle sa pinsan niya na sobrang dilim ng mukha. Pilit niyang hinihila si Tonyo palabas ng bahay sinamahan na din ni Reya. "Umalis kana muna Tonyo wag ka magsimula ng gulo dito. Nakakahiya kapag nalaman ng magulang ni Allison gusto mo bang mangyari yon? Gusto mo bang pumangit ang tingin nila sayo? Mabuti pa magpalamig ka muna ng ulo bago mo sila kausapin." pagpapakalma ni Samuelle pero hindi nagpapatinag si Tonyo masamang nakatingin lang sa loob ng bahay at napabuntong hininga. "Hindi ako susuko, Ally. Sa akin pa din ang bagsak mo." galit na sambit niya at tumalikod na galit na naglakad ito na pati nga ang bato ay sinipa niya. Nakahinga kami ng maluwag nang tuluyan ng umalis si Tonyo dala ang bigat ng dibdib. Nagmadali na kaming pumunta sa kwarto para alamin ang sinabi ni Junjun. "Pasensiya na Kuya pero wala akong maintindihan sa sinasabi mo. Alien ka ata." narinig kong boses ni Jumac na kakambal ni junjun. "Where am I? Who the hell are you?" "Ano yong sinasabi niya? Wala akong maintindihan." bulong ni Reya. "Noong nagtinda kami ng baboy noon sa kabilang bayan narinig ko na ang lenguwahe na yan kung hindi ako nagkakamali ay English ata ang tawag nila." sambit ni Grace habang nakalingkis sa braso ko. Nakarating na nga kami sa kwarto ng magkambal. Gising na nga ang estrangherong lalaki na nakakunot ang noo na tila ay nalilito sa mga nangyayari. "Iniinsulto niya ba ang bahay namin? Aba! Uupakan ko ang lalaking yan kahit na kagagaling lang sa mahabang tulog. Siya na ang tinulungan siya pa ang may ganang manglait." naiinis na sambit ko dahil isa palang arogante ang pinatuloy ko dito sa bahay. Ganyan siguro kadalasan ang mga mayayaman na akala mo ay binili na nila ang pagkatao mo. "Wag muna nating husgahan malay niyo ay nagtataka lamang ito dahil nga mahaba ang pagkakatulog niya at tila hindi pa nakakabawi. Halata naman sa kanya ang pagtataka sa mga nakikita niya." saad naman ni Samuelle sabagay sino ba naman ang hindi magugulat kapag gising mo ay nasa ibang bahay ka at hindi mo kilala ang mga nakikita mo. "I need to get out of here." seryosong sambit ng estranghero na pilit tumatayo sa papag namin pero agad ding natutumba dahil hindi pa sapat ang lakas niya para tumayo at maglakad. "Wag mo muna pilitin ang sarili mo na tumayo dahil hindi mo pa kaya. Wag mong ipilit ang bagay na sa huli ay masasaktan ka lang." sambit ng kapatid ko na inalalayan siya. "Humiga kana lang at kung sa palagay mo ay masama kami pwes nagkakamali ka. Dahil kung masama kaming tao hindi kana sana namin tinulungan lalo na ang Ate Ally ko." Sa edad na nueve ay matanda na mag-isip at magsalita ang magkambal. "Ano pala ang pangalan mo at saan ka nakatira? Mukhang hindi ka taga dito sa lugar namin. Dayo ka ba?" "The last thing I remember was jumping off from the chopper and used my parachute to land safely before hitting the ground. Yeah, I was forced to jump out of the chopper bago pa ito sumabog. My uncle tried to kill me. Fu** him. I swear, I'm gonna kill him." galit ito at sobrang lamig ng boses. Wala kaming maintindihan sa mahabang sinabi niya. "Pasensiya na Kuya pero hindi ko maintindihan ang sinasabi mo." sabi ng kapatid ko habang hinihimas ang batok nito. "Mabuti pa ay puntahan ko si Ate Ally para sabihin gising kana."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD