Chapter Three

1555 Words
"EJ ang pangalan ko bata." sagot ng estranghero na sobrang lalim kung tumingin. Makapal ang kilay nito at matipuno ang katawan hindi tulad ni Tonyo na patpatim pero sanay makipagbugbugan. "Ah, Kuya EJ aalis lang ako saglit pero babalik din agad kailangan ko lang sabihin sa kanila na may malay kana." paalam ng kapatid ko nagmadali kaming umupo sa kawayan na sofa at kunwaring may pinag-uusapan. Ilang sandali lang ay natanaw ko na ang kapatid ko na papunta sa amin na may pagmamadali. "Ate gising na si Kuyang pogi." sabi niya na may ngiti sa labi. Nagpanggap kami na hindi namin alam at tumayo na para puntahan ang lalaki na nakasimangot. "Kumusta na ang pakiramdam mo pogi?" Tanong ni Grace. Hindi naman nagsalita ang lalaki pero nakatingin lang sa amin. "Hindi ka nagsasalita marahil ay humahanga ka sa kagandahan namin." Narinig ko ang pagtawa ng lalaki na parang nakarinig ng biro. "What's your name?" tanong nito na nasa akin ang tingin kaya siniko ako ni Grace na may ngisi sa labi. "Grabe makatitig sayo si pogi parang masarap na putahe sa paningin niya." "Magpadilig kana sa kanya para gumanda ang aura mo." "Ang gwapo panigurado maganda ang lahi ng magiging anak niyo." Sinamaan ko naman sila ng tingin kung ano-anong kalokohan na pinagsasabi. Bumaling ako sa lalaki na nakatitig pa din sa akin. "Ano uli ang sabi mo? Pwede bang magtagalog kana lang?" "Ano ang pangelen moww." sabi niya narinig ko naman ang malakas na tawa ng mga kaibigan ko. "Allison ang pangalan nitong kaibigan ko. Walang asawa o nobyo at walang anak pero magpapadilig sayo." sabat ni Grace na halatang gusto akong ipalapit sa estranghero. Ilang araw ang nakalipas ay wala namang problema Kay EJ hindi na ito masyadong masungit at aburido hindi tulad noong nagkamalay siya. Panay ang pagsasalita niya ng alien na hindi namin maintindihan. "Ano yang ginegewe mow?" tanong niya na may kaartehan ang pagtatagalog niya halatang hindi ito sanay. "Ito ba?" turo ko sa cacao na binibiyak ko. "Gagawa Ako ng tsokolate masarap uminom lalo na kapag mainit-init." sagot ko dahil maraming puno ng cacao dito. Nakita ko ang paghanga sa mukha niya habang nakatingin sa ginagawa ko. Pagkatapos kong pitpitin Hanggang sa maging pulbura ay nagpakulo Ako ng mainit na tubig at inihalo ko na nga ang cacao na mukhang paminta na. Samantalang si EJ ay parang nakaglue na ang mata sa ginagawa ko. Panay ang halo ko hanggang sa naging malapot na yon. "Masarap ito lalo na kapag may saging." sabi ko at nagsalin sa tasa para ibigay kay EJ na sabik tikman yon. "Tikman mo." nakangiting sambit ko at inabot sa kanya ang tasa masayang kinuha naman niya yon at lumagok. Panay ang tango niya na parang sarap na sarap. "Ang serep naman itoww." sabi niya at uminom uli. "Ate! Kuya!" sigaw ni junjun. "Kumain na daw tayo luto na ang bulanglang." Tumingin ako kay EJ na nakatingin sa kamay namin binawi ko agad yon. "Halika na, Ayaw nila nanay na pinaghihintay ang pagkain." yaya ko sa kanya at hinila na siya mabuti nalang at madali kausap. Nadatnan namin na nagsasandok na ng ulam sila nanay at kanin. Naghugas ako ng kamay at lumapit sa lamesa na gawa sa kawayan. Sumunod naman si EJ na nakatitig lang at waring may hinahanap. "Where's the fork and spoon?" Bulong nito sa akin napakunot naman ang noo ko dahil wala akong alam sa tinutukoy niya. Kinuha niya yung sandok. "Maliit nito." sabi niya sa akin. Ahh!!! Kutsara siguro ang tinutukoy niya. "Ah madalas kasi ay nakakakamay kaming kumain para feel na feel at madalas ay nakaka dalawang takal ka ng kanin." nakangiting sagot ko habang nilalagay ang mga plato sa harapan nila. Napansin ko ay tahimik lang ito na parang may malalim na iniisip. "Hindi ka ba marunong magkamay?" tanong ko sa kanya nahihiyang umiling ito pero seryosong nakatitig sa tilapia. Ano yan staring contest? Halata talagang galing sa mayamang pamilya. "Ganito kasi yan. Kuha ka ng maliit na kanin at ulam tapos kapag isusubo mo na itulak ng hinlalaki mo." sabi ko at ipinakita ko sa kanya kung paano gawin. Gusto kong matawa pero pinipigilan ko halata kasing naiinis na ito dahil sobrang seryoso ng mukha at nakakunot na talaga. "Kuhaan nalang kita ng kubyertos para hindi kana mahirapan pa." sabi ko sabay tayo aalis na sana ako ng hawakan nito ang laylayan ng damit ko. "Wag na." mahinang sambit niya sabay iwas ng tingin. "Gusto kong matuto paano kumain tulad ng ginagawa niya." sabay turo kay junjun na sarap na sarap kumain pritong tilapia at sabaw ng gulay. Halatang first time lang niya kumain ng ganitong ulam at bawat tikim niya ay napapakunot ang noo niya. "Why does it taste weird? But it's actually delicious." sambit niya at sumubok uli siya na kumuha ng kanin medyo may nahuhulog pa pero ayos naman na dahil may improvement. "Bulanglang ang tawag sa gulay na yan. Ito namang tilapia ay nahuli nila." sabi ko habang nagsasandok ng kanin. Tumango lang siya habang sila nanay ay ngumingiti-ngiti lang. Nakalipas ang ilang linggo ay medyo ayos na ang paglalakad ni EJ at sa awa ng diyos hindi na ito pihikan sa pagkain. Dati kasi ay sobrang diring-diri siya sa daing na pusit at tuyo na gawa ni tatay halos sumuka siya habang naamoy ito pero ngayon ay hinahanap hanap na niya lalo ang suka na gawa ni nanay. "Uy Ally pumunta ka mamaya sa plaza ha may malaking celebrasyon dahil kasal ni Wilma kaya madaming handaan at sympre may inuman madaming lambanog ang ipapainom nila kaya panigurado maraming gagapang pauwi ng kani-kanilang bahay." sambit ni Tala na natatawa. "Isama mo na din itong nobyo mo." dagdag pa niya. Ayokong isama itong si EJ dahil iniiwas ko siya kay Tonyo baka pag-initan siya ng grupo nila lalo na hindi marunong tumanggap ng pagkatalo ang anak ng pinuno namin. Lumaki itong nakukuha ang gusto niya. "Hindi pa ayos itong si EJ kaya hindi siya makakapunta sa piging." sagot ko pero nasa gwapong mukha niya ang pagtutol. "Okay naman ako at gusto kong makita kung paano niyo i-celebrate ang kasal." bulong nito sa tenga ko. Ang husky talaga ng boses niya ang sarap niya tuloy sakalin. "Hindi nga pwede baka mapano ka pa doon lalo na madaming tao ang pupunta sa plaza mamaya." sagot ko. "Sobra mo naman itago sa saya mo ang nobyo mo Allison. Aba! Wala naman aagaw diyan kahit sobrang magandang lalaki nito." singit naman ni Katrina umirap lang ako mabuti sana kung sila ang mamromroblema kapag nagkita sila ni Tonyo. "Oh Sya, aalis na kami kailangan pa naming magpastol ng kambing." paalam nila. °°° "Sasama ako sayo." pagmamatigas niya habang nakatayo sa harap ko at ayaw akong paalisin sa bahay. "Hindi nga pwede at tsaka saglit lang ako doon." naiinis na sambit ko mas makulit pa siya kaysa sa magkambal. Napabuntong hininga ito at padabog na tinalikuran ako. "Magpakasaya ka doon" sigaw niya at marahas na sinarado ang pintuan ng kwarto. Mabuti nalang hindi nasira yon sa sobrang lakas. Daig pa ang babaeng nireregla. Umiiling lang ako na umalis sa bahay para pumunta sa plaza nagpaalaam naman ako kay nanay at si tatay naman ay nangisda kaya wala siya sa bahay baka bukas o makalawa pa siya makakauwi. Narinig ko ang masayang hiyawan at ang iba ay nagsasayaw sa gitna. Hinanap ko sila Reya dahil kapag ganito ay sa iisang pwesto lang kaming magkakaibigan. "Magandang Gabi Allison." bati nila sa akin at ang iba ay nagtutulakan pa. "Hinahanap mo ba sila Samuelle? Nandoon sila." sabay turo nito sa kalayuan pero natataw pa din naman. Abalang-abala sila kumain na parang walang pakialam sa paligid. "Pwede ba kita masayaw?" Tanong ni Tonyo sa akin na mukhang nakainom na. "Mamaya nalang Tonyo." tanggi ko dahil wala ako sa mood makipag sayaw sa kanya at isa pa iniiwasan ko talaga ito. "Saglit lang naman eh." giit niya at hinawakan ang kamay ko para hilahin papunta sa gitna. "If you touch her, I will cut off your hands." galit na sambit ni EJ na sobrang dilim ng mukha daig pa ang kilikili ni Jason na nasa gilid ko na tila natuod sa kinatatayuan. Hinila ako nito palapit sa kanya habang ang kamay ay nakalingkis na sa beywang ko. Ibang iba ang aura ni EJ sobrang nakakakilabot na kahit si Tonyo ay napa atras. Lahat ng tao sa piging ay sa amin nakatingin na kahit ang musika ay napatigil para maki usyuso. "Ano ang kaguluhan ito?" boses ng matandang lalaki napayuko kami bilang pagbibigay galang sa aming pinuno. Ngunit si EJ ay taas noo lang na kahit ilang beses kong kinurot ay tila walang nararamdaman. Sasakit ata ang batok ko sa lalaking ito. "EJ umayos ka wag kang magmalaki dito pwedeng pwede ka nilang patayin." bulong ko sa kanya pero nginisian lang ako. "Ilang beses na akong nakikipaglaban kay kamatayan pero sinusuka lang ako." sagot nito sa akin sabay pitik sa ilong ko. "Siya ang lalaking umahas sa magiging nobya ko. Malakas din ang loob na kalabanin kami. Palagay ko ay sinusubukan niya ang kapangyarihan natin sa lugar na ito. Dapat siyang bigyan ng parusa." Bago pa nila hawakan si EJ ay hinila ko siya at ipinunta sa aking likuran. "Subukan mo lang Tonyo dahil kapag sinaktan niyo si EJ hanggang kamatayan ay hinding-hindi kita mapapatawad."

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD