Chapter 1: Back
I am busy breathing the polluted air of this country when my friend, Erika, tapped my shoulder. Puno ng pagtataka na nilingon ko ang nag-aalala nyang mga tingin. She is holding our bag habang panay ang pagbuntong hininga sa akin.
"Are you sure about this?" Tanong nya.
I know it was because of the sudden decision I made that makes her worry but I cannot wait for another year to finally go home and be the wife I always wanted to be, to build the family I always dreamt of. I waited long enough. Now it's time to finally build my own home.
I gave her an assuring smile and nod, "I've never been so sure in my life, Erika," I said as the breeze hug me, almost feels like welcoming me.
Sa tagal ng panahon na nanatiling ako nagmumukmok sa dilim, parang ngayon lang yata ako naging sigurado sa aking desisyon.
"What about Raver?"
Mabilis akong napahinto sa ginagawa nang marinig ang kanyang naging tanong. Marahan kong naibaba ang nakaladlad kong kamay sa ere saka kagat labi na nagbaba ng tingin sa malamig na semento. Raver. His name is still my favorite. I can still feel the same excitement I felt the first time I heard his name.
Nanatili akong tahimik habang nakatingin sa kawalan. But what about him? I planned it all. I planned everything pero ngayon ay para akong isang batang naliligaw nanaman sa magulong daan na pilit kong tinatakasan.
Nagpakawala ako ng hininga bago napipilitang ngumiti. "Raver is fine, Erika. Hindi mo kailangang alalahanin sya," tugon ko matapos ang ilang minutong katahimikan.
Muli kong itinuon ang atensyon sa paghahanap ng taxi na masasakyan nang manatiling tikom ang kanyang bibig. It's been 5 years since I left the country tulad ng napagkasunduan namin nang ikasal kami but the same feeling of longing and loniless is still in my heart. Pakiramdam ko ay naroon pa rin ako sa isang madilim na sulok waiting for him to rescue me, waiting for him to call me into his life.
I am still on my chaotic world kahit ang totoo ay iniligtas nya ako sa kahihiyan five years ago.
Or did he? A voice from the back of my mind ask.
"But what if the same thing happens again like the last time you visited him?"
Napatulala ako sa kawalan. A memory what had happened one year ago when I visited him came rushing to my mind. Fear and pain instantly crept in. My heart started to pound as I vividly remember his face that day, that unfateful day na kahit anong gawin ko ay hindi ko makalimutan.
That day brought me a lot of pain. That day brought me into the emergency—no! I shake my head, shrugging the memory away saka nagbuga ng hininga. "He's surpised, Erika," I looked at her dismayed face, "naiintindihan ko naman ang reaksyon sya. My decision to go home is a drastic move that made him mad so I understand kung—"
"—because you had no choice but to understand him," she cut me off saka ipinaikot ang kanyang mga mata, "you are so understaning sa ibang tao pero hindi mo naiisip na intindihin ang sarili mo."
Tama sya. Lahat ay iniintindi ko except for myself. But what can I do when all my heart wanted is to understand him despite of everything that had happened? What can I do when my heart calls his name kahit parang isang bingi na hindi nya ako naririnig?
"You almost died that day, Yza, ipapaalala ko lang sayo!" Malakas na sigaw nya. Nagsimula nang magtinginan sa amin ang mga tao pero nananatili pa rin ang galit sa kanyang mga mata. "At sya rin ang dahilan why you lose—"
"Erika," I stopped her before she can even say the word. Ramdam ko ang mga punyal na sumasaksak sa puso ko. Awtomatiko akong napahawak sa aking tyan saka sya nagmamakaawang inilingan. I almost felt like throwing up.
The least I wanted now is to remember every bad memories we had.
She let out a deep sign. Inihilamos nya ang isang palad sa kanyang mukha saka nakapameywang na pinakatitigan ako.
"Are you still hoping na your marriage will work?" There's still a hit of annoyance on her voice and by the looks of her arched eyebrows, alam kong hindi nya nagustuhan kung ano man ang nasabi ko kanina. "Are you ha, Yza?"
I felt a lump of my throat. Pakiramdam ko ay binomba ang puso ko sa naging tanong nya.
"Wala namang mawawala kung umasa ako, hindi ba?" Mapakla akong tumawa saka sya bahagyang nilingon.
Umaasa. Yes. Hope is what kept me alive for years. Iyon lang ang nag-iisang bagay na pinanghahawakan ko ngayon dahil iyon lang ang ibinigay nya sa akin, iyon lang ang pwede kong gawin — ang umasa at maghintay sa walang kasiguraduhan.
"It was broken from the start, Yza!" She shouted again na tila ba isinasampal sa akin ang katotohanan na iyon para gisingin ako sa mahabang pagkakahimbing. "Your marriage is broken from the very start! Have some love and respect for yourself naman to walk away because you are no longer his—"
"I wanted a chance, okay?" Malumanay na saad ko. Pabagsak kong isinara ang trunk ng taxi na kanina pang pumarada sa aming harapan saka sya taimtim na pinakatitigan. "For me and him. I wanted a chance for us at hindi ko makukuha iyon kung laging may tao na katulad mong ipapamukha sa akin that my chances are long gone!" Hindi ko na naiwasang pagtaasan sya ng boses.
Her emotions instantly soften. Mukhang natauhan yata. Agad syang lumapit sa akin at paulit-ulit na hinaplos ang aking likuran, trying to call me down.
"Yza," emosyonal na pagtawag nya, "I just don't want you to get hurt.... Again." Sincerity is written all over her face. I know she's worried. She's been on my side for those five years. Alam nya ang lahat ng pinagdaanan ko kahit sa pinakamaliit na detalye man.
I heaved a deep sign at malamlam ang mga mata syang pinakatitigan. Nagtatalo ang puso at isip ko kung sasabihin ko nga ba ang totoong pakay ng pagbabalik but in the end, I decided to let her in on a secret.
"He called me," saad ko dahilan para magulat sya. This is supposed to be a secret for myself dahil alam ko na iisipin nyang nag-iilusyon lang ako; na it was just a dream when it's not.
Hindi ko malaman kung paanong ipapaliwanag ang sayang nararamdaman ko nang gabing tumawag sya. Para akong nasa ulap at lahat ng sakit at masasamang ala-ala mula nang maikasal kami ay biglang nawala nang sabihin nya ang pakay nya. It was the best day of my life.
"Last night, he called me and told me to go home," I continue as I watch her face gets more emotional—eyes big and jaw dropped, "This is the chance, Erika. This is my chance because this time, I know Raver is finally opening his heart for me." A lone tear escaped my eyes.
Alam kong hindi iyon dahil sa lungkot kundi sa saya because after five years, he is now ready to be a husband.
Pinunasan ko ang aking pisngi saka emosyonal syang pinakatitigan, "I want this, Erika. For myself. Because I know this is the only way to fill the emptiness I am feeling for so long."
It's been 5 years since everything went downhill at lahat ng gusto nya ay ginawa ko. I've been good. Wala akong naging reklamo kahit isang beses sa isang taon nya lang ako kausapin. Wala syang narinig sa akin maski isang salita o hikbi dahil ang gusto ko lang noon ay mapasaya sya and me being away and not holding onto his freedom is one of the reason why he's happy that day.
We were both too naive and reckless when that happened kaya naging sapat na ang maging kasal sa papel para sa akin. I never forced him to make time for me... For us.
For the last five years, I've been alone. Facing every trial na akala ko makakasama ko syang harapin.
He basically abondoned me....us after our marriage.
It took me five years to decide.
Maybe those years are enough. Maybe this time, this will work and we'll be happy like we used to be before chaos came and maybe.... Just maybe love will find us... Again.
After the talk, Erika stayed silent. Hindi ko alam kung dahil tanggap nya na nga ba ang mga sinabi ko o sadyang pinipilit nya nga lang bang tanggapin lahat para sa ikatatahimik ko.
"Sure ka na bang kaya mo mag-isa? Do you want me to stay?" Tanong nya nang marating namin ang mataas na gate ng masyon.
Nakangiti ko syang nilingon saka tinanguan, "go home, Erika. I know you missed your mom. Kaya ko na ito," saad ko.
Ilang ulit ko syang binigyan ng sinserong ngiti para mawala ang pag-aalala nya but a part of me wanted her to stay but I cannot be selfish this time. I need to let her go dahil may pamilya rin syang naghihintay sa kanya.
"Go," I motioned her para sumakay na ng taxi. Panay ang pagtutol sa akin ng kanyang mga tingin at maski nakaandar na ang sinasakyan ay talagang inilabas pa nito ang kanyang mukha para lamang silipin at kawayan ako.
Nang tuluyan syang mawala sa aking paningin ay muli kong itinuon ang atensyon sa mataas na gate na naroon sa aking harapan. Pakiramdam ko ay nagkakarambola ang laman loob ko ngayon dahil sa sobrang kaba na nararamdaman .
He wanted you home, Yza.
I let out three deep sign and walk towards the door bell pero bago ko pa naman iyon mapindot ay may matanda nang biglang sumulpot sa aking harapan. Kung saan sya nanggaling? Hindi ko rin alam.
"Magandang hapon ho, ano hong kailangan nila?" Tanong ng matandang sumalubong sa akin sa may gate. Mula sa unipormeng suot, alam ko na isa sya sa mga kasambahay.
I gave her a cheerful smile at bahagyang yumuko bilang paggalang. "Nandyan ho ba si Raver Montemayor?"
"Si Sir Raver?" Pagbabalik tanong nya. Maganda naman ang ngiting tinanguan ko sya bilang tugon. "Ikaw ba iyong bagong katulong?" Gusto ko sanang magreklamo pero hindi ko na nagawa pa nang bigla nya akong hablutin at hilain papasok ng bahay.
Halos madapa pa ako sa pagmamadali nya.
"Nako! Mabuti na lang at dumating ka na," aniya nang marating namin ang salas.
Agad na nag-ulap ang mga mata ko nang makita ang larawan ni Raver sa dingding pagbaba ng hagdan. Gosh! He still looks exactly the same! Walang nagbago at naroon pa rin ang inosente at maamo nyang mukha.
He's still the Raver I first met and fell in love with. My own Raver.
"Actually, Manang, I am Raver's—"
"Malapit nang dumating ang magnobyo at hindi pa nalilinis ang kwarto nila. Mabuti na lang talaga at umabot ka pa," putol nya sa aking sasabihin na naroon sa suot nyang relo pambisig ang paningin.
Ilang ulit akong kumurap. Hindi ko inalis ang paningin sa kanya habang paulit-ulit na inaalala ang mga salitang kanyang binitawan. I misheard it, right?
Nagbuga ako ng malalim na hininga saka pilit na ngumiti.
"Ako na sana ang maglilinis ng silid nila, kaso nga lang ay marami akong inaasikaso—"
"Sino hong magnobyo?" Sa wakas ay nagkaroon ako ng lakas na loob upang magtanong. Ramdam ko ang pagdagundong ng aking puso nang natahimik ang matandang kaharap.
Sa isang iglap ay tila ba gusto ko syang pigilan na magsalita, sabihin na hindi ko na kailangan pang malaman ang tinutukoy nya dahil alam ko sa sarili na hindi ang aking asawa ang tinutukoy nya, na ako lang ang nag-iisang mahal nya at kalabisan mang isipin, alam ko na ako pa rin ang laman ng puso nya.
Ngunit lahat ng iyon ay nawala nang ibuka ng matanda ang kanyang bibig upang tukuyin ang mga tao sa aking naging tanong.
"Si Sir Raver at iyong mapapangasawa nya!"
That moment, I felt my world crushed down to my feet and I couldn't even think of a way to put every pieces back.